Wizard's Tale 1: Chapter 14

183K 5K 543
                                    


(Alyanna POV)


Tulad ng ipinangako ko kay Brylle, kinabukasan ay inayos ko na ang lumang fountain na matatagpuan sa gitna ng hardin. Hindi nila alam kung gumagana pa ba ito dahil matagal nang hindi ginagamit.

Yari ito sa marmol at kinuskos ko ito hanggang sa matanggal na pati mga lumot. Matapos nito, mag-isa ko itong pinuno ng tubig. Kahit mahirap, binilisan ko dahil gusto ko sa paggising ni Brylle, nakikita na niyang gumagana ang fountain.

At syempre kapag napasaya ko siya, matatanggal na yung dumi na namuo sa singsing ko kahapon nung nagalit ko siya.

Ilang oras ko ding pinagpaguran yung fountain. Nang may sapat nang tubig, sinubukan ko nang buksan ko na ang main switch nito at napangiti na lang ako sa nakita ko.

Sandali ko na lang ding hinanda ang agahan ng amo ko. At nang oras na ng gisingan, "Brylle! Brylle! Brylle!"

Namulat siya sandali, "Wag mo ngang gayahin si Vander." At dahil inaantok pa, tinalikuran niya ako at nagtalukbong ng unan para bumalik ng tulog. Dahil dyan, mas nilakasan ko pa ang pagyugyog sa kanya.

"Gising na! Alas-sais na po!"

Hinila ko ang kamay niya para bumangon. At hindi pa nga siya nakakahikab ay hinila ko na siya paalis ng kama niya at palabas ng kwarto niya. Nakapikit pa siya nun kaya natalisod pa siya ng ilang beses habang papunta kami sa labas.

"Aray! Ano bang problema mo? Gusto mong gawin kitang palaka ngayon? Ang aga-aga nambubwiset ka!" Bulyaw niya saakin. Pero hindi ako natakot.

"Wag ka munang magalit at tingnan mo itong ginawa ko." Inirapan niya lang ako pero hindi ako nagpapigil. Hinawakan ko siya sa mukha niya para tingnan niya ang gusto kong ipakita sa kanya. "Tadaah!"

Nagulat si Brylle sa nakita niya. Kinusot pa niya ang mga mata niya nang makitang gumagana na uli ang fountain na ilang taon na daw na hindi nila ginagamit. "Naayos mo agad?"

"Oh yeah! Tatlong oras at kalahati ko yatang nilinis at inayos yan!" At ang proud ko din sa nagawa ko! "So ang extreme makeover ng garden mo ay tapos na!"

At dahil nga nabigyan na ng bagong kulay at buhay ang bakuran niya, pwede nang hindi tawaging haunted mansion ang Zaffiro's mansion! Nagliwanag na kasi eh!

Siguro nga napabilib ko rin talaga si Brylle at ang saya-saya niya ngayon dahil bukod sa nawala na ang duming nasa singsing ko, napagliwanag ko uli siya! Third time na itong nangyari, at second time this week!

"Bilib na ako! Kakaiba ka talaga!" Then he patted my head na parang alagang aso. "Hindi nga nagkamali si Master Lorcan sa pagdadala sayo dito."

Kinilig ako sa sinabi niya—kinilig sa tuwa lang! Minsan lang ako mapuri kaya pagbigyan na!

"Ano nang wish mo?"

At hindi ko din in-expect na makakapag-wish ako ngayon! Pero hindi ko 'to palalampasin dahil may mahalaga akong wish ngayon. "Gusto ko sanang i-wish na ipahanap sayo ang Auntie ko—"

"Ha?" Hindi ko alam kung anong klaseng reaction yun ni Brylle. Mahirap ba para sa kanya ang maghanap ng tao?

"Pero saka na lang muna siguro yun."

Tapos parang nakahinga siya ng malalim.

"Heto ang wish ko Brylle, gusto ko sanang pautangin mo uli ako ng pera para makapag-enrol ako ngayon sa Villarene Central University. Last day of enrollment na kasi, baka maubusan na ako ng slot. Pero hayaan mo, pagtatrabahuan ko para mabayaran ang lahat ng utang ko sayo. Kasama na yung utang ko sayo nung nakaraang araw. Kahit ilang taon mo akong hindi pa-swelduhin, okay lang saakin."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon