Wizard's Tale 3: Chapter 13

124K 3.8K 950
                                    


(Brylle POV)


It was only me and Yana against all the dark forces of Hollowick. Ang tanging pumipigil lang sa mga halimaw na tuluyan kaming itulak sa Midnight Canyon ay ang Hollowician Princess.

"Kaleel! Please come back to me!" Pagmamakaawa sa akin Myera.

"I am not Kaleel! How could you do this to me, Myera? Pinaikot mo ako! Ginawa mo akong katulad niyo!" Galit na galit ako. And if given the chance, I could kill her now. But I pushed my anger aside.

Nasa bisig ko ngayon si Yana. She passed out for saving me. After all I did to her, nagawa pa rin niya akong iligtas.

"If you continue this, papatayin ka rin nila," Myera said with a desperate voice. She lifted her hand and reached out for me. "Sumama ka na sa akin at patatawarin ka namin. And you won't have to remember that girl."

"This girl..." I hugged Yana tighter. "This girl is the one I really love. If you kill her... you won't. You will have to kill me first!"

That moment, I saw Night Hollowick finally stepping out from the crowd. Hindi ko maipinta ang galit sa mukha niya. He wants us dead. At ngayon, siya na mismo ang gagawa ng paraan.

Wala na akong maisip na plano para lumaban. I am nothing against all these Dark Sorcerers and creatures. Pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ako. Hindi ko rin binitawan si Yana. Magsasama kami hanggang sa huli.

Nagpalabas na ng Shadow Fire sa mga kamay niya si Night Hollowick. Sinubukan siyang pigilan ni Myera pero binawalan itong makialam.

Nang tirahin na kami ni Night ng isang matinding spell, I almost thought it was the end. Ngunit may malakas na alulong kaming narinig mula sa kalangitan. A white glass wall appeared and shielded us from the attack. The White Light Clan are here with their white dragons.

Si Prince Rouel naman ang unang nakalapit sa amin at nagulat siya na makitang ako ang kasama ni Yana. "Give her to me!"

I wanted to give him dagger looks but he might think I'm still the enemy. "I'm trying to save her too."

"Then what are you waiting for? Let's go!"

Sumakay na rin ako sa dragon na sinasakyan niya pero hindi ko ibinigay sa kanya si Yana. I am not letting her go. Not this time. And never again.

"Wag niyo silang hayaang makatakas!" Nagpupuyos na sa galit na iniutos ni Myera. At dahil doon kaya sabay-sabay na ngang sumugod ang mga kampon nila sa amin.

Mabuti na lang at matindi ang rescue team na napunta rito para iligtas ang Lux Princess. Sila ang tatlo sa pinakamalalakas na Luxurian na kilala ko. Ang kambal na Class S Flemwall Wizards na sina Headmaster Diazo at Master Lorcan, at ang ama ni Yana na si Lux King Hollace.

Sa pinagsamang kapangyarihan nila, bumuo sila ng Great Wall of White Flames. Napaatras ang mga halimaw dahil kapag sinubukan nilang hawakan ito ay maaabo sila.

May ilan namang nakalusot na halimaw at inatake ang dragon na sinasakyan namin. Ngunit nang makita ito ni Headmaster Diazo, lumipad siya at pinigilan ang mga halimaw na makalapit sa amin. "Nabawi na ang Prinsesa! Kailangan na nating bumalik sa palasyo!"

Agad naming nilisan ang lugar na ito dahil wala namang balak na atakihin ng hanay ng Lux ang mga kalaban dito sa Atreria.

Hahabulin pa sana kami ng mga halimaw ngunit pumaharap na si Night sa kanila. Dahil sa pagiging Empath ko kaya ramdam ko at alam ko ang usapan nila kahit medyo malayo na kami.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon