Wizard's Tale 2: Chapter 11

149K 3.4K 471
                                    


(Alyanna POV)


Ayos na ang lahat sa pagpunta namin sa Flemwall Wizardry Camp. May natitira pang apat na araw bago matapos ang Ranking Quest doon kaya masusuportahan ko pa si Brylle. Si Lolo Lorcan, Prince Rouel at dalawang kawal lang ang sasama sa akin. Kaunti lang kami para hindi raw makaagaw ng atensyon.

Nagpaalam na rin ako sa Hari at Reyna, pati na sa buong Ministry of Lux. Bilin nila na ingatan ko ang aking sarili at ang amulet dahil ito ang pinakamatibay kong proteksyon.

Matapos nun ay nauna na akong naglakad papunta sa gate pero, "Prinsesa Alyanna, hindi mo naman siguro gugustuhin na maglakad uli tayo, di ba? Alam mong mas tatagal ang paglalakbay."

"Oo nga pala! Pero paano po 'yan, Lolo Lorcan?"

"Nakahanda na ang mga sasakyan natin, ang mga Peryton."

"Peryton!" Marinig ko pa lang ang pangalan ng nilalang na 'yun, parang maibubulwak ko na agad ang laman ng tyan ko. "Lolo naman, allergic po ako sa mga Peryton!"

"Prinsesa, nagawa mo nga ang Awakening Ritual! Madali na lang dapat ang simpleng pagsakay sa isang parrot-deer!" Lokohan ba 'to? Ang laking kaibahan naman ng pagsasagawa ng ritwal at sa pagsakay ng Peryton!

Habang papalapit na kami sa mga nilalang na 'yun, putlang-putla na rin ako. Nakakahilo rin kasing titigan ang matingkad na kulay ng mga balahibo nila.

Pero ang umagaw ng atensyon ko ay 'yung pinakamalaki at pinakamatingkad na Peryton. At nakasakay si Prince Rouel dun! "Grabe, Prince Rouel! 'Yan ba ang sasakyan mo? Ang laki! Kapag mas malaki, ibig sabihin mas mabilis, di ba?"

"Tama po." Ang astig lang ng itsura niya habang nakasakay sa boss ng mga Peryton. Pero nawala ang kaastigan nung sinabi niyang, "And you will ride with me, Princess Alyanna."

Feeling ko lalong bumaba ang blood-pressure ko. "Nagpapatawa ka ba? Dun na lang ako sa pinakamaliit!" Lumingon ako sa mas maliliit na Peryton pero may mga nakapwesto na sa bawat isa. Hindi ko man ipahalata, nagbubutil na ang malamig na pawis sa mukha ko.

"Ako pong bahala sa inyo." The Prince said, then he lend me a hand. May iba na ring nag-assist sa akin para makasakay ako sa Peryton. Naupo ako sa likod nito at nasa harap ko ang Prinsipe.

"Prince Rouel, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko! Paano kung bumaliktad ang sikmura ko? Baka masukahan kita. Promise, mahiluin po ako!"

Napangiti lang ang Prinsipe sa reaksyon ko. May dinukot siya sa loob ng bulsa niya at, "Here, eat one." May ipinakita siyang parang mga transparent marble ball na may maliit na dahon sa loob. "Eismint po ang tawag rito."

"Eismint? Parang mint candy ba ito?" Kumuha ako ng isa at isinubo ito sa bibig ko. Medyo maanghang at humahagod sa lalamunan. Pero masarap! "Sigurado kang hindi na ako mahihilo nito?"

"Hindi po. Pampakalma lang 'yan." Wait—what! So mahihilo pa rin ako! "We're ready to go. Hold on tight, Princess."

Grabe rin 'tong si Prince Rouel! Hindi na ako nakapalag nung pumagaspas na ang pakpak ng Peryton at sa isang iglap ay nasa ere na kami!

But this time, dapat naghi-hysterical na ako sa sobrang takot. Pero hindi. Ang kalmado ko pa rin kahit na alam kong nakakalula na ang pwesto namin.

"Yan po ang epekto ng Eismint. Amazing, right?" sabi ni Prince Rouel na panandaliang lumingon sa akin. Napatango na lang ako.

Habang nasa taas, napansin ko na ang napakagandang view ng Auserwalt Palace. At sa tinagal-tagal ng pananatili ko roon, ngayon ko lang nakita sa personal ang lumulutang naming palasyo. May makikita ka lang na bridge na nagdudugtong sa gate ng mismong palasyo at sa gate dun sa lower ground na binabantayan ni Ferrius. Tanaw ko rin ang mahabang kambal na tulay na dinaanan namin noon.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon