Wizard's Tale 1: Chapter 1

407K 7.6K 822
                                    


(Alyanna POV)


Ito na ang pinakahihintay kong moment sa buhay ko. Sa wakas, graduate na ako ng high school! Debut ko pa ngayon! Pero kahit na wala akong aabutang handaan para sa dalawang okasyon na 'to, may malaki at maganda pa rin akong dahilan para magsaya!

"Congratulations graduates!" Sabi ng speaker at pagkatapos nun, nagsitayuan at nagsaya na ang mga estudyanteng kasabayan kong nagtapos. Umulan ng mga graduation caps kaya napatakip ako sa ulo ko para maka-iwas bukol.

Lumingon ako sa paligid at walang taong nagchi-cheer para saakin. Sana buhay pa ang Mama at Papa ko para makita nilang nakatapos na ang unica hija nila ng high school. Napatingin naman ako sa orasan ko, alas-kwatro na pala! Ibig sabihin kailangan ko nang umuwi.

Wala akong oras para maki-celebrate sa mga kaklase ko, walang oras para sa goodbyes! Hindi na ako naghintay pa ng picture taking at nagmadali na akong lumabas ng venue. Kaso sa pagmamadali ko, may nabunggo akong isang pamilyar na tao.

"Sorry." Napatitig ako sa kanya at saka ko lang na-realize na ang nakabunggo ko pala ay si Prince Dustin Blake! Ang prinsipe sa kwento ng buhay ko! "Ow Em Ji! So—sorry!"

But he just smiled at me. He flashed his killer smile on me! At namatay naman ako in an instant! "It's okay."

Minsan lang ang pagkakataong ito! Ka-batch ko nga siya at naging kaklase pa. Pero ni minsan hindi ko siya nagawang kausapin at maipagtapat ang feelings ko para sa kanya. Ang dahilan kung bakit ay...

"Dustin!" May mala-prinsesang babae ang lumapit sa direksyon namin.

"Elysse." Tapos nag-hug sila sa harapan ko. "Congratulations!"

"Congrats din! There's a party in my house so be there!"

"Sure!"

Si Elysse Fabel. Kung itatanong niyo kung sino siya, siya lang naman ang prinsesa sa kwento ng buhay ko. Mag-on ba sila ni Dustin? Oo. Pero paniniwala ko lang yun! Walang nakakaalam!

But because both of them are perfect— perfect sa kahit saang aspeto ng buhay at perfect for each other, wala na akong karapatan pang pumalag at um-epal sa kanilang dalawa.

Hindi na nila ako pinansin dahil sino ba naman ako di ba! At dahil hindi naman importante ang papel ko sa eksenang ito, umalis na ako agad. Mahirap na ding gabihin sa pag-uwi dahil paniguradong malilintekan ako.

"Anong oras na!" Bulyaw ng Auntie Seline ko. "Nakalimutan mo yatang tambak ang trabaho mo dito sa bahay! Hoy Alyanna, wag mong sabihing high school graduate ka na, pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo!"

Obviously sa aura niyang nakakatakot, siya ang kontrabida sa kwento ng buhay ko. "Sorry po. Hindi na mauulit."

"Ay talagang hindi na mauulit!" Kinaladkad niya ako papuntang kusina habang patuloy pa ring binabasag ang eardrums ko sa walang tigil niyang sermon. "Magluto ka na!"

"Kapal naman kasi ng mukhang magpagabi. Ano bang iniisip mo? Ako ang gagawa ng mga mo?" Side comment naman ng demonyitang anak ng Auntie ko. Siya ang pinsan kong si Cerina, ang supporting kontrabida sa kwentong ito.

Graduate na ako at debut ko pa ngayon. Pero heto ako, pinagsisilbihan ang Auntie ko at anak niya na ang hobby ay alilain ko. And take note, dito pa sa sarili kong bahay!

Mga yumaong magulang ko ang nagmamay-ari nitong tinitirahan namin. Pero bata pa lang kasi ako noon kaya wala akong magawa kundi magtiis sa pang-aabuso saakin ng mga kamag-anak ko. Nasanay na lang din ako.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon