Wizard's Tale 3: Chapter 31

90.1K 3.1K 604
                                    


(Brylle POV)


"Talo na kayo!" sabi ko kay Night. Isang bagay na dapat na rin niyang tanggapin.

Napatingin siya kay Skyggra na matindi ang dinaranas na paghihirap mula kay Prince Rouel at sa Ace League. As for the smaller Shadow Dragons, under-control na rin ang mga ito nina Sylfer, Vander at Jango.

Unti-unti na ring nababawasan ang Draugar Army dahil sa mga dumating na kakamping Dark Sorcerers. At higit sa lahat, nabigo silang pasukin ang palasyo dahil sa magaling na pagbabantay ng grupo nina Lavender.

Clearly, everything is going against Night's plan... but still he refuses to surrender. "Hindi! Hindi pa tapos 'to! Marami pang Dark Sorcerers sa hukbo namin! Libong halimaw pa ang dadating at aatake! Nariyan pa ang Flemwall na sunud-sunuran sa amin! Kami ang mananalo sa Dark War na ito!"

"Tanggapin mo na, Night! Hindi na mangyayari 'yun!"

"Wala na ang Lux! Wala na ang kapangyarihang sinasandalan niyo! Kahit ang Prinsesa niyo, hindi na kayo binalikan!" Nakangising sabi nito. "Doon pa lang, nagtagumpay na kami. Dark Sorcerers ang mananaig sa digmaang ito! And soon, you will all hail Hollowick!"

Mukhang wala talagang balak sumuko si Night. Gamit ang Scura Blade niya, sinaksak niya ang palad niya at 'yung umagos na dugo ay ipinangguhit niya sa ere para sa isang Shadow Spell.

"With my blood I double this curse,

Oh army of darkness make everything worst!"

Laking gulat ng lahat nang parang bumalik uli ang lakas ng mga kalaban at halimaw—at doble pa ang bangis nila ngayon. Bukod doon, tuluyan na rin silang nawala sa kanilang sarili at umatake na lang ng sunud-sunod. "Letum! Letum! Letum!" 'Yun ang tanging bukambibig nila.

Hindi ko rin akalain na sa ginawang spell ni Night, parang mas lumakas pa siya. Hindi na ako nakaporma nang muli siyang sumugod at itumba ako sa lupa. Nakapag-cast pa siya ng spell para patalsikin ang wand sa kamay ko, at tila ba pinigilan niya ang buong katawan ko sa pagkilos.

Nang hindi na ako makagalaw, dahan-dahan niyang ibinaon ang kanyang espada sa aking leeg. Naramdaman ko ang matinding hapdi at pagtulo ng sarili kong dugo. "Any last words, Brylle Zaffiro?"

Napapikit ako at medyo naiinis. Hindi ako makagalaw pero kaya ko pang magsalita. "Yana..." Pangalan na lang niya ang tinawag ko.

"Siya ang isusunod ko matapos kitang patayin!"

Sa kanyang pagsigaw, nagbukas ang kalangitan at may tumamang kidlat kay Night kaya tumalsik siya palayo sa akin. Unti-unti namang sumilip ang liwanag sa mga ulap at ang lahat ay panandaliang natigil at napatingala.

Kung kanina ay mga bolang apoy ang bumagsak sa kalangitan dahil sa paglabas ni Skyggra, umuulan naman ngayon ng White Flames at tanging mga kalaban lang ng White Light ang tinamaan nito.

Tuluyan nang bumalik sa pagiging abo ang buong Draugar Army. Hindi naman binawian ng buhay ang mga halimaw at Dark Sorcerers ngunit sapat na ito para tuluyan silang manghina at hindi na makalaban pa.

Ilang sandali pa, nagpakita na siya. Ang aking si Yana na nagtagumpay sa kanyang misyon. Nagbalik na siya at suot niya sa kanyang kamay ang New Lux Amulet tulad ng nakasaad sa propesiya ng aking ama.


* * *


(Alyanna POV)

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon