Wizard's Tale 1: Chapter 31

156K 3.8K 200
                                    


(Alyanna POV)


"Is she okay?" Tanong ni Prince Dustin.

"Yes. Nakauwi naman siya ng maayos. Nagpapahinga na lang siya sa kwarto niya." Mahinahong sagot naman ni Brylle.

Nasa mansyon na uli kami. Nang nawala kasi ako sa date namin, sobrang nag-alala si Prince Dustin. Naisipan niyang pumunta dito at nag-baka sakaling umuwi na nga ako.

"Sorry kung biglaang nawala si Yana sa date niyo. Sumama lang talaga ang pakiramdam niya kaya naisipan na niyang umuwi." Of course, alam naman nating lahat na hindi totoo yun. Pero wala nang ibang pwedeng idahilan.

"I understand." Tapos tumayo na siya. "If she wakes up, pakisabi na nagpunta ako dito. I'm really worried."

"Don't be. She's well taken cared of. At wag kang mag-alala, I'll tell her what you said."

"Okay. Thanks, Brylle. Aalis na ako." May kakaibang lungkot sa mukha ni Prince Dustin kaya nalungkot na rin ako. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makaalis na siya.

"Wala na siya, wala na siya, wala na siya! Labas ka na dyan, Yana." Lumabas na nga ako sa pinagtataguan ko tulad nga ng sabi ni Vander.

Kung hindi dumating si Brylle kanina, matutuloy naman sana kami ni Prince Dustin sa dinner namin.

"Yana," Nakatayo na sa harap ko si Brylle. "Pumasok ka na sa kwarto mo. Magpahinga ka na."

Nang mapatingin ako sa kanya, naalala ko uli yung eksena kanina.

"So you're in love with me?"

"Yes."

Nagpapaulit-ulit lang yun sa utak ko.

"Sige, magpapahinga na ako." Naglakad na lang ako agad papunta sa kwarto ko.

Paano niya pa ako nagagawang harapin after that confession? Samantalang ako, hiyang-hiya na! Ganun ba ako kaganda para magustuhan ng isang Class B+ Wizard na kagaya ni Brylle Zaffiro?

Pagdating ko sa kwarto ko, hindi rin ako mapakali. "Kainis! Hindi ako makatulog!" Naguguluhan na nagu-guilty na nababaliw na kinilikig na ewan! Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko!

Ang gulo naman kasi! Bakit mas pinili kong sumama kay Brylle pabalik dito sa mansion? Ngayon nagi-guilty ako sa pag-iwan ko kay Prince Dustin! Nababaliw na ako sa gulo ng pangyayari at sa tuwing naaalala ko yung sinabi ni Brylle, parang—kinikilig ako? "Ay ewan!"

Nagpaikot-ikot ako sa kama at sa sobrang kalikutan ko, dumirecho ako sa sahig!

"Aray! Jusmio!" Bumaldog pa ang ulo ko! Another bukol na naman 'to.

Kasalanan ni Brylle 'to eh!

"So you're in love with me?"

"Yes."

Ayoko na! Gusto ko nang makalimot!

Kaya naman inuntog ko na lang uli ang ulo ko sa sahig. Baka sakaling makalimot at dalawin na ako ng antok. Kaso, kakapukpok ko sa sarili kong ulo, nauntog na din ako sa side table.

"Aray!" Bakit mas masakit yung pagtama ng ulo ko dun lamesa kaysa sa sahig? "Ano bang meron dito?"

Pagbukas ko, nakita ko uli ang mga gamit ng Mama ko. Yung mga gamit na nabawi namin noong nagpunta kami sa pinagtataguan nina Auntie Seline at Cerina.

Nilabas ko na lang ang mga ito. Isang blankong notebook, ballpen na walang tinta, panyo, suklay at salamin ang iniwan saakin ni Mama. At meron pa palang isa—itim na bolang crystal!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon