Wizard's Tale 1: Chapter 38

158K 3.8K 454
                                    


(Alyanna POV)


Mamayang gabi na ang Spring Gala ng mga Fabel. Mamaya na rin ang unang gabi ng Ornus Moon Season. Dibdibang paghahanda pa ang ginawa namin ngayon ni Brylle. Kailangan naming masiguro kung si Elysse nga ba ang Lux Princess bago siya tuluyang malagay sa panganib.

Mabuti na lang talaga at nagkabati na kami kahapon. Mas magagawa ko ang trabaho namin ng maayos!

"Anong ginagawa mo dyan, Vander?"

Parang kumakausap kasi ng mga insekto si Vander. Pagtingin ko naman sa hawak niyang garapon, puro langgam nga ang nasa loob nun! "Ito ay isang original Zaffirian practice. Nilalagyan ko ng spell ang mga langgam at kapag nakakagat sila, gagana na ang spell sa biktima nila."

"Eh para saan ang spell na nilalagay mo sa kanila?"

"Bilang paghahanda kung sakaling magkagulo ang mga mortal mamaya sa party lalo na kapag umatake na ang Animus Reaper." Ang sagot ni Brylle na bigla na lang sumulpot kung saan.

Tapos si Vander naman uli ang nagpaliwanag, "Nilalagyan ko ang mga langgam ngayon ng spell na pampalimot para kakagatin lang nila yung mga taong nandun at makakalimutan na nila ang mga nangyari."

Ang lupet naman nun! Galing talaga nilang mag-isip! May mga nakahanda rin silang back up plans. Yung mga bagay na akala mong imposible, nagagawa nilang posible!

"Yana, iwan na muna natin si Vander dito. May mahalaga pa tayong pupuntahan bago ang party."

Eh ang tanging mahalagang lugar lang na alam ng lalaking 'to ay sa Otherworld! Mygawd! Ano na naman kayang iniisip niya? "Saan tayo pupunta, Brylle?"

"Sa mall." False alarm! Akala ko sa Otherworld na, sa mall lang pala—mall? Anong gagawin namin doon? Ipagsha-shopping kaya ako ni Brylle?

"Hindi tayo pwedeng magpunta dun nang walang dala. We have to buy them a present and thank them for inviting us." Ay yun naman pala. "Kaya pili ka. Ano sa tingin mo ang magandang panregalo?"

"Naku, wala rin akong idea sa mga ganyan. Alam mo namang first time ko lang makaka-attend sa isang party." Napangisi naman siya sa sinabi ko! Ang yabang lang ha! "Anong tinatawa-tawa mo dyan? Ikaw ba nakadalo na ng mga party? Eh wala ka ngang social life."

"Even if I don't usually hang out with the mortals, I've been to a lot of parties. And not just silly parties, mga gatherings yun with people like me at dun lang yun sa Otherworld." People like him? So party ng mga wizards? Ano kayang kaibahan nun sa party dito? "Mamili ka na nga ng ireregalo natin. Kaya nga sinama kita dito para tulungan mo ako."

We're together and as much as possible hindi namin iniisip ang pressure lalo na ang mga pwedeng mangyari mamayang gabi. We just have to be calm and do exactly what we planned to do. And hope na mailigtas namin ang prinsesa sa tamang oras.

Hindi rin naman kami inabot ng taong kopong-kopong sa pag-iisip kung anong pwedeng bilhin. Isang mamahaling vintage wine na lang ang napili naming panregalo. Tapos nun, nagpasya na kaming umuwi.

"Brylle, iniisip ko lang na kung si Elysse nga ang Lux Princess, ano nang mangyayari?"

"First, we have to make sure na ligtas siya."

"Okay, given na maililigtas na natin siya, ano nang sunod na mangyayari nun?"

"Kailangan niyang magbalik sa White Light Clan at pamunuaan hindi lang ang kaharian nila kundi pati ang buong Otherworld." At bago niya itinuloy ang susunod niyang sasabihin, tumitig muna siya saakin. "And because we are their followers, tungkulin ko na sumama sa kanya at siguraduhing makakarating siya sa kaharian nila nang ligtas."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon