Wizard's Tale 2: Chapter 12

145K 3.4K 560
                                    


(Alyanna POV)


Matagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Inayusan nila ako para sa party na gaganapin dito sa Flemwall Wizardry Camp.

Narinig ko na ang pagkatok sa pinto ni Prince Rouel. Huminga ako ng malalim, saka ako nagpasyang lumabas at magpakita na sa kanila.

"I'm ready, Prince Rouel." Bati ko habang hinihintay ang reakyson niya. "Anong tingin mo? Hindi ba masyadong—"

"You are dazzling, my Princess," sabi naman sa akin ng Prinsipe. Lumapit siya sa akin at iniikot ako para makita niya ang kabuuan ng ayos ko. "But I'm pretty sure you look even more enchanting without the mask on."

Napahawak ako bigla sa suot kong maskara. Masquerade Ball kasi ang dadaluhan naming party ngayon kaya may ganito. "Ayos lang 'to. Ibig sabihin, mas madali ang pagtatago ng identity ko."

Lumapit na rin sa amin si Lolo Lorcan. Tuwang-tuwa siya na makita ako. "Ang Lux Amulet niyo po pala?"

"Secured na po sa bulsa nitong dress na suot ko."

"Everything is set then. I guess it's time for you two to get going," sabi sa amin ni Lolo. Hindi kasi siya sasama sa party dahil mas gusto niyang magpahinga na lang muna. "Alagaan mo siya, Prince Rouel."

"You don't have to remind me." The Prince said, then he stepped closer at me, "It's my honor to escort you, my Princess." And he took my hand para kumapit ako sa braso niya. "Shall we?"


* * *


Engrande ang pagsalubong sa amin pagdating namin sa party. Guest of honor si Prince Rouel dahil isa siyang Glaciever. And it's a good thing na ang alam ng lahat ay Oracle lang niya ako. Nakakailang kasi siguro ang atensyon na ibibigay nila sa akin kapag nalaman nila kung sino talaga ako.

Kung sinu-sino na ang lumalapit at bumabati sa Prinsipe. Tahimik na nga lang akong nakasunod sa kanya habang nagmamasid lang.

Ibang-iba kasi ang party ng mga Wizard. Doon sa Spring Gala ng mga Fabel, alam mong sosyalan ang usapan. Dito naman, big deal kung anong rank at kung saang angkan ka nanggaling.

Mas dumami pa ang nakapalibot at gustong kumausap kay Prince Rouel. At dahil medyo bored na ako, ginamit ko itong chance para makapagpaalam sa kanya.

"Prince Rouel, maglilibot-libot muna ako rito sa party. Hindi ako lalayo, 'wag kang mag-alala."

"Pero—" Hindi na naituloy pa ni Prince Rouel ang sasabihin niya dahil walang tigil sa kakasalita ang kausap niya. Umalis na rin ako agad kaya mas lalo siyang walang nagawa.

Sa paghiwalay ko sa Prinsipe, magagawa ko na rin ang gusto kong gawin. Ang hanapin si Brylle. Pero paano ko naman siya hahanapin kung naka-maskara ang lahat ng nandito? Bahala na nga!

Palakad-lakad lang ako at sinusubukang kilalanin ang bawat lalaking masalubong ko. Pero kahit busy ako sa pagha-hunting ko kay Brylle, hindi ko pinalampas ang iba't ibang pagpapasikat ng ibang Wizards. Isa na dun 'yung lalaking pinalilibutan ng mga kababaihan.

Paglapit ko sa kanila, nagfi-flairing pala 'yung lalaki! Alam niyo 'yung ginagawa ng bartenders sa Mortal World? Pinalilipad niya yung dalawang bote ng inumin sa ere, and he's mixing drinks with liquid and fire! Magandang tingnan pero hindi ko sure kung masarap 'yung tinitimpla niya.

Nang makatapos siya ng isang inumin, nagkandarapa ang mga kababaihan na hingin ang ginawa niyang drink. Mukhang sanay 'yung lalaki sa atensyon na nakukuha niya. He even teased the girls kung kanino niya io-offer 'yung drink.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon