Wizard's Tale 2: Chapter 28

139K 2.7K 339
                                    


-NOTICE-

This chapter is incomplete and has several cut scenes. Para mabasa ng buo, Wizard's Tale 2: Journey To A Happier Ending is still available at all leading bookstores nationwide (National Book Store, Pandayan, Fullybooked, Booksale, etc) . Kung wala kayong makitang naka-display sa bookstore na malapit sa inyo, pwede kayong magtanong sa customer service at magpa-reserve sa kanila. Kung walang perang pambili, kahit manghiram na lang kayo sa mga kakilala niyo.

* * *


(Alyanna POV)


Umaga na ngunit nanatili akong nakapikit. Pinapakinggan ko lang ang mga huni ng ibon sa labas, pati na rin ang boses ng mga katulong na naghahanda na sa paggising ko.

Ayaw ko pang dumilat, nagbabaka-sakaling mananaginip pa ako. Kaso gising na talaga ang diwa ko.

Nakaramdam akong parang may nakahawak sa kamay ko. Nagmulat na ako para alamin kung kaninong kamay ang nakahawak sa akin at nakita ko ang Prinsipe na nasa gilid ng kama ko. "Prince Rouel..."

Bulong lang 'yung ginawa ko ngunit naalimpungatan na ang Prinsipe. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko, madali niya akong binitawan.

"Pasensya na po kayo, mahal na Prinsesa."

"Dito ka natulog?"

Nahihiya siyang tumango, "Binantayan ko po kayo buong gabi." Saka na siya tumayo at inayos ang kanyang sarili. "Nakatulog po ba kayo ng maayos?"

Ngininitian ko siya at wala na akong ibang sinabi kundi, "Oo."

"Good. Sasabihan ko na ang mga chambermaids na pagdalhan ka ng almusal."

At paalis na sana ang Prinsipe ngunit bumangon muna ako at niyakap ko siya. "Patawarin mo ako kung masyado akong naging pabigat. Pero ayos na ako ngayon. Ayos na ako dahil sayo. Salamat, Prince Rouel."

Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga. Niyakap na rin niya ako sabay sabing, "Finally. I'm glad to have you back, my Princess."


-CUT SCENE-


"Prinsesa Yana, Prinsesa Yana, Prinsesa Yana!" Tumatakbo si Vander nang makita niya ako. "Kamusta na ang pinakamamahal naming Prinsesa?"

Naupo ako at saka ko siya binuhat para paupuin siya sa balikat ko. "Maayos na ako, Vander. Eh ikaw? Kamusta ka na?"

"Ayos na ayos na ayos na rin ako, Yana." May kakaiba sa kanya nang matitigan ko siya. Medyo mas mapula ang mukha niya ngayon at nangingintab ang mga mata niya na para bang ito'y naluluha.

"Anong problema mo, Vander? Mukhang iiyak ka."

"Hindi kaya!" sigaw niya sabay singhot. "Pero paano kasi! Parang ang tagal tagal tagal lang nating hindi nakapag-usap eh! Na-miss kita ng sobra sobra sobra!" Saka siya nag-pout na parang bata. "Ayos ka na ba talaga, Yana?"

Napangiti ako sa pag-aalala sa akin ng kaibigan kong Gnome. Kahit na hindi namin nadamayan noon ang isa't isa dahil sa pagluluksa namin kay Brylle, nanatili pa rin sa tabi ko si Vander. Mananatili raw siyang Elemental Guardian ng babaeng pinakamamahal ng Master niya. Na-touch ako nun, sobra.

"Oo. Siguradong ayos na talaga ako."

"Waaaaaaaah! Prinsesa!" Nabulabog naman kami sa mas matinis pa na sigaw ni Lala. Papalapit siya at kasama niya ang kanyang Master Kerria. "Magandang magandang magandang..." Repeat five times, "...umaga po, mahal na Prinsesa!"

"Ubod na talaga ng ganda ang umaga dahil sa pagbati mo, Lala." Natatawang sabi ko.

Napatingin naman ako kay Kerria na alam kong labis ko ring pinag-alala noong kasagsagan ng pagda-drama ko. Bago pa man siya magsalita ay niyakap ko na siya agad.

"P—Prinsesa... ano pong..."

"Kung itatanong mo kung ayos lang ba ako, ayos na ayos na ako, Kerria."

"Ta—talaga po!" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Kumain na po ba kayo?"

"Oo! Tapos na. Ang dami ko ngang kinain."


-CUT SCENE-


"Yehey, party-party-party na!" Sabay na sigaw ng dalawang Garden Gnome.

"Weh! Gaya-gaya si Lala!"

"Ikaw kaya ang gaya-gaya, Vander!" Inirapan naman siya ni Lala. "Epal!"

"Lala, saan mo natutunan ang salitang epal?"

"Dyan din po sa epal na Vander na 'yan!"

"Ikaw kaya ang epal!"

"Mas epal ka kaya!"

"Mas na mas epal ka, Lala!"

"Mas na mas na mas epal ka, Vander!"


-CUT SCENE-


"Kerria, nasaan nga pala si King Hollace?"

"May seasonal ritual po uli ngayong araw kaya naghahanda na po sila malapit sa altar."

"Ganun ba? Sige, pupunta na muna ako dun. May mahalagang bagay kaming dapat pag-usapan."


* * *


Nagtungo na ako sa kinaroroonan ng Hari. Nang maabutan ko siya, magkasama sila nina Mama at ilang mga elders.

"Magandang umaga, mahal na Prinsesa."

"Magandang umaga din po sa inyong lahat." Matapos ang maikling batian, "King Hollace, maari ko po ba kayong kausapin kahit sandali lang?"

"Oo naman. May natitirang oras pa kami. Halika at mag-usap tayo ng pribado."

"Okay lang po kahit marinig nila ang sasabihin ko." Tutal, kailangan rin nilang malaman na seryoso ako sa bagay na 'to. "Tungkol po kasi ito sa pagiging tagapagmana ko ng Lux. Gusto ko na pong panghawakan ng maigi ang kapangyarihan ko."

"Prinsesa Alyanna..." Nagulat sila sa sinabi ko at napalapit sa akin si Queen Alisia. "Hindi ka ba nabibigla sa mga sinasabi mo?"

"Buo na po ang desisyon ko at hindi ako nabibigla lang. King Hollace, you are the former holder of Lux. Tulungan niyo po sana akong magamit ng husto ang kapangyarihan ko. Napag-isipan ko na ang lahat ng mga naging pagkukulang ko bilang Prinsesa."

Saka ako yumuko sa harap nila.

"Dahil sa kahinaan ko, naganap ang isang trahedya sa mga ka-angkan nating Terrashaw at wala akong nagawa sa mga panahong 'yun. Ayoko na pong maulit ang pangyayaring 'yun. Sa pagkakataong ito, gusto kong ako naman ang magtanggol sa inyo."

Oras na para tumigil na sa pag-iyak at pagiging pabigat. Oras na para maging malakas para maipagtanggol ko naman ang mga minamahal ko.

"Nakikiusap po ako, turuan niyo akong gamitin ang kapangyarihan ko. Handa na po ako maging karapat-dapat na tagapagmana ng Lux."

Napangiti ang Hari sa mga sinabi ko, ganun din ang Reyna na proud na proud sa akin. And I also seemed to get the approval of the people around us.

Matapos ang usapang ito, itinakda na ang araw ng pagsasanay ko. And this time, seryoso na talaga ako.





Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon