Wizard's Tale 2: Chapter 25

118K 2.9K 268
                                    


(Prince Rouel POV)


Dahil sa akin na ibinilin ang Prinsesa, ako na ang nagpapalabas ng utos na may kinalaman sa kanya at mas lalo ko pang pinahigpitan ang pagbabantay sa kanya. Ayoko nang maulit 'yung nangyaring pagtakas niya at natagpuan namin siyang malubha at sugatan.

Hindi pa rin kasi nagbabalik ang kanyang sigla. Kahit pa nga ang mga makukulit na sina Vander at Lala, nahihirapan silang pasayahin o kahit pangitiin man lang ang Prinsesa.

Mabuti na nga lang at nagkaroon ng silbi ang pag-aalaga niya ng Rohlynx. Kapag pinipili niyang magkulong sa kanyang kwarto, kahit papaano ay nakakasama niya ito at hindi siya lubusang nag-iisa.

Ilang araw at linggo pa ang lumipas ngunit parang ang dilim-dilim sa buong palasyo ng Auserwalt. We are still at the sacred land of Lux, right? Pero bakit wala na akong makitang liwanag?

"Prinsesa, kumain na po kayo," alok ni Kerria sa mahal na Prinsesa.

Ngayon na lang din nakabalik si Kerria Terrashaw mula sa Erden Valley. Binigyan muna kasi siya noon ng panahon para makapagluksa sa mga nasawi niyang katribo. Ngayon ay narito siya para muling manilbihan.

"Wala pa akong gana, Kerria. Iwan mo na lang 'yan," sagot ng Prinsesa. Hindi siya makatingin ng diretso kay Kerria dahil hanggang ngayon, sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili sa nangyari sa tribo.

Gayon pa man, batid kong walang pagdaramdam si Kerria sa kanya. Mabait siya sa aming Prinsesa. And she's probably her most loyal servant. "Prinsesa Yana, kanina pa kayo walang kinakain."

"Hindi ako nagugutom." Pagmamatigas niya. "Pwede bang iwan niyo na lang muna ako?"

Dahil dito, pinasok ko na ang kwarto. Binilinan ko si Kerria at ilan pang mga tagasilbi na sundin na lang ang utos ng Prinsesa para makausap ko na rin siya ng pribado.

Paglapit ko sa kanya, ang tamlay niya at kapansin-pansin na ang laki ng ipinayat niya. "Prince Rouel, kung narito ka para pilitin din akong kumain—"

"We can no longer tolerate what you're doing to yourself."

Napatingin siya sa akin. At parang hindi niya naintindihan 'yung sinabi ko. "Wala talaga akong gana kaya pwede bang pabayaan niyo na lang ako!"

"Hindi na po maganda ang ginagawa niyo sa sarili niyo. Nag-aalala na ang lahat. It's like you're trying to kill yourself!"

"I killed Brylle!" Natahimik ako bigla sa sinabi niya. Up until now, she's blaming herself on his death. "Hindi naman siya manghihina kung hindi niya tinanggal 'yung sumpa sa katawan ko. Hindi siya mamatay kung hindi ko siya nabitawan at—"

"Stop it."

"My weakness caused his death! I let him go and I killed him!"

"I said stop!" Hind ko na napigilan na pagtaasan siya ng boses. Yet, it doesn't stop her from crying so hard.

"Stop blaming yourself." Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya and my voice are actually shaky right now. "You did not kill him."

"He died because of me."

"He died to save you!" And it almost felt like I'm also dying seeing her like this. "Hindi gugustuhin ni Brylle Zaffiro na makita kang nagkakaganyan. Ayaw ka niyang nahihirapan dahil... dahil ganun ka niya kamahal. I beg you, Princess. Tigilan mo na ang pagpapahirap mo sa iyong sarili."

Umiwas siya ng tingin at saka tinanggal ang pagkakapatong ng kamay ko sa balikat niya, "Iwan mo na ako, Prince Rouel." Nagmamakaawa siya at lumuluha. "Gusto kong mapag-isa."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon