Wizard's Tale 1: Chapter 24

178K 4K 543
                                    


(Author's POV)


Pinamumunuan nina King Hollace at Queen Alisia ang pinakamalakas at makapangyarihang angkan noon sa Otherworld. Sila ang 17th generation ng White Light Clan o mas kilala bilang mga Otherworlders na may dugong Lux.

Sa tradition ng angkan nila, ang magiging anak ng Hari at Reyna ang siyang susunod na tagapagmana ng Lux Amulet. Ang kwintas na ito ang pinakatatagong yaman ng angkan na may kakayahang tawagin ang legendary Luxurian Being.

Noong panahon na yun, si King Hollace lang ang may kakayahang gamitin ang buong lakas ng Lux Amulet. Ngunit sa oras na ipanganak na ang una nilang anak na lalaki ni Queen Alisia, malilipat na sa magiging sanggol nila ang buong karapatan sa kwintas.

Bagama't magagamit ng kahit na sino ang ilan sa mga natatanging kakayahan ng Lux Amulet, tanging ang kasalukuyang tagapagmana lang ang makakagamit ng buong kapangyarihan na taglay nito.

Bukod doon, sinasabing ang kapangyarihan ng Lux Amulet at ang buhay ng tagapagmana ay kunektado at iisa lamang. Sa oras naman na mawala sa tabi ng tagapagmana ang Lux Amulet, maaring ikapahamak niya ito.

Nang manganak na si Queen Alisia ng isang batang babae, kasabay nun ang panibagong linya ng kapangyarihan para sa White Light Clan.

Ang bagong prinsesa ang siya na ngayong pinakamalakas sa buong angkan sapagkat nasa kamay na nito ang buong kontrol sa sagradong amulet. At sa pagtungtong nito sa tamang gulang, magagawa na rin niyang tawagin ang makapangyarihang Luxurian Being.

Sa pagsasaya ng lahat sa kanilang bagong tagapagmana, hindi na nila napaghandaan ang nagbabadyang problema na kahaharapin ng buong angkan.

Si Allina, isang mortal na kinupkop noon ng pamilya at malapit na tagapaglingkod ng Reyna ang siyang naatasang magbantay sa prinsesa at sa amulet. Lingid sa kanilang kaalaman, si Allina rin pala ang gagawa ng kataksilan.

Isang gabi, ninakaw niya ang pinakamahalagang yaman ng Lux at ginamit ang kapangyarihan nito para magtago sa mundo ng mga mortal. Sabay na naglaho noon ang Lux Amulet at ang Lux Princess.

Nagkagulo ang buong White Light Clan at hindi naiwasan ang pagsisisihan sa pagitan ng limang pamilyang bumubuo sa angkan. Nawala na ang tagapagmana, naglaho pa ang amulet. Ibig sabihin pa nito, walang sino mang may kakayahan nang makalapit sa Luxurian Being.

Nagkalamat ang samahan ng mga pamilyang bumubuo sa angkan. At ang tanging paraan para magsama-sama uli sila ay kung mahahanap na ang nawawalang Lux Princess at Lux Amulet.


* * *


(Alyanna POV)


"Kung ganun, dahilan ng pagkakawatak-watak nila ang Mama ko?" Nagulat ako na malaman na ganun nga ang kwento sa likod ng kwintas na ito. "Hindi—hindi magagawa yun ng Mama ko! Wala akong maisip na dahilan, Brylle! Mabait ang Mama ko!"

"Maraming angkan at ibang nilalang ang gustong magpabagsak sa White Light Clan. Dala na rin siguro ng inggit sa kapangyarihang taglay nila. Kung ano man ang dahilan ng Mama mo, siguro may personal siyang galit sa Lux. Wala ka bang naaalala na baka may nasabi siya sayo noon?"

Nag-isip ako ng malalim at sa totoo lang, may ilan ngang alaala sa utak ko kung saan nagku-kwento saakin ang Mama ko tungkol sa isang prinsesa. Pero medyo malabo at matagal nang panahon yun kaya hindi ko na masyadong maalala.

"Paano ka nagkaroon ng ganitong libro? At bakit ganun na lang karami ang nalalaman mo tungkol sa kanila?"

Si Vander naman ang sumagot sa tanong kong yun, "Dahil ang pamilya Zaffiro ay ang dating Oracle Family ng Auserwalt!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon