Wizard's Tale 2: Chapter 22

118K 3.1K 734
                                    


(Prince Rouel POV)


Mabilis na tumatakas ang kalaban dala ang Lux Amulet. But I won't let him get away with it. I will retrieve the amulet for the Princess.

"Paries Uber Glacies!" I summoned a thick wall of ice to barricade my enemy's path. He was about to fly up by I still manage to stop him. "Glacialis Ab Darunter!"

Nang balutin ko na ng yelo pati ang mga paa niya, that's when he stopped. "You're going nowhere, Night Hollowick!"

But he corrected me, "I'm Lord Night. Pinuno ng Hollowick."

"Pinuno ng Hollowick?" I was surprised but in no way intimidated by his title. "Inuutusan kitang ibalik sa akin ang Lux Amulet."

"At sino ka para sundin ko?"

Tiningnan ko siya ng masama. Alam ko namang hindi magiging madali ang pagbawi ko sa kwintas kaya naman naisip kong ito na ang tamang oras para ilabas at gamitin ang sandatang pinakatatago ko—ang Eizen Sword.

The Glaciever's Eizen Sword is one of the most precious and powerful weapon of the 4th Family of Lux. Maihahalintulad ito sa wand na ginagamit ng mga Wizard. And I've long been waiting for a moment like this to finally use this sword.

"Ikaw pala ang may hawak ng Eizen Sword!" Night said. "Ang sandatang 'yan ay ipinapasa lamang sa royal heir ng 4th Family of Lux. Tama ba ako, Glaciever Prince?"

Hindi na ako masyadong nagulat na may alam siya tungkol sa espadang hawak ko. Itinutok ko na lang ang patalim nito sa kanyang mukha, "Wala akong oras para makipagkwentuhan sayo, Hollowick!"

Wala namang bahid ng takot o kaba sa mukha ng kalaban ko. Sa halip, naglabas siya ng sarili niyang sandata at nagyabang, "I want you to meet my Scura Blade. Tulad ng tradisyon ng pamilya niyo, ipinapasa lamang ang espadang ito sa royal heir ng Hollowick. Alam mo bang maraming ninuno niyong Luxurian ang napaslang na ng Scura Blade?"

Saka niya ginamit ang sandatang iyon para tunawin ang yelong nasa mga paa niya. "Isang malaking karangalan na maisama ang kasalukuyang Glaciever Prince sa mapapatay ng espada ko."

Natawa naman ako, "Wag kang pakasiguro, Night Hollowick. Baka nakakalimutan mo, mas maraming ninuno mo ang napatay ng Eizen Sword kaya nga natalo kayo noon sa Dark War."

"Walang makapipigil sa akin kahit Prinsipe pa ng Lux!"

"Tingnan natin!" Mula sa payabangan ay nagsimula na ang aming pagtutuos.

At masasabi kong kabilang siya sa pinakamagaling na nakalaban ko sa tanang buhay ko.

His swordsmanship was incomparable that everytime our swords clash, it creates a vicious impact. To make things more complicated, he's casting Dark Spells to double his attack. I had to use a few Luxurian Spells to counter its effects.

It's getting under my skin that it's so hard for me to fight him down! Halos pantay lang kasi ang laban namin.

"What's happening, Prince Rouel? Annoyed that you can't easily defeat me? Katulad lang ba ito noong hindi mo nagawang talunin ang B+ Wizard sa laban niyo at sa atensyon ng Prinsesa mo?"

If he's trying to provoke me, he's doing a great job!

I whispered a spell on my sword to upgrade the level of damage that it can do. And with my sword now ablazed with blue 'Cold Fire', I charged at him again.

And Night thought he can easily get away with that assault. Nagliyab kasi ang Cold Fire sa suot niyang damit at nang pilitin niya itong apulahin, mas lalo lang itong lumaki. Tuluyan siyang nabalot ng Cold Fire, sumabog ito at ang resulta, buong katawan niya ay nabalot ng yelo. Saka ako nakalapit sa kanya.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon