Wizard's Tale 3: Chapter 19

82.5K 2.7K 217
                                    


(Alyanna POV)


Tumayo na ako at naglakad papunta sa pwestong kinatatayuan ni Sylfer. Nang gawin ko 'yun, muli kong narinig ang nag-aalalang boses ni Brylle sa isipan ko. "Yana, may hindi magandang mangyayari ngayon."

"I know, Brylle. But you got my back right?"

"Yes. Pero mag-iingat ka pa rin."

"Wag kang mag-alala."

Hinarap ko na si Sylfer at hindi pa rin siya makatingin sa akin ng direcho. "Sylfer, paano mo nalaman ang tungkol sa propesiya?"

"I—I heard the Garden Gnomes talking about it. Hindi ko sinasadya 'yun..."

"He's telling the truth, Yana." Bulong ni Brylle sa isip ko.

"Kung ganun Sylfer, bukod sayo..." Napatingin ako sa direksyon ng leader ng Flemwall, "Kay Headmaster Diazo mo lang nasabi ang kumpletong propesiya?"

"Yes."

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Mas lumilinaw na sa akin ang lahat. Huminga ako ng malalim at muling kinausap ang nakararami, "People of Lux, I have a favor to ask. Bukod kay Brylle Zaffiro, maari bang tumayo ang lahat ng Empath na naririto? Kakailanganin ko ang kakayahan niyo ngayon."

"At ano itong pinaplano mo, Prinsesa Alyanna?" tanong sa akin ng Hari ng Glaciever. "Bakit kailangang tumayo ng mga Empath?"

"Gusto ko pong hingiin ang tulong nila para huliin ang taksil..." Tumingin ako kay Headmaster Diazo, at sa mga taong nasa likod niya. "Mga natitira pang taksil sa ating angkan."

Tulad ng inaasahan ko, hindi lang nga si Brylle ang Empath na kasama namin. Tumayo si King Roland dahil isa pala siyang Empath. There are also more than ten Empaths from the crowd while there are three from the Ministry of Lux.

Hinihintay na ng lahat ang rebelasyong malapit nang magbukas. Ngunit hindi masaya ang Headmaster sa gusto kong mangyari. "Anong taksil ang pinagsasabi mo, Prinsesa Alyanna?"

"Bakit parang natatakot kayo, Headmaster Diazo? May itinatago ba kayo na hindi namin dapat malaman?"

"Sa ilang taon kong paninilbihan sa angkan na ito, kabastusan na mapagbintangang taksil! Pangalan ng Flemwall ang ipinapahiya mo rito!" Galit na galit sa akin ang Headmaster. Dahilan ito para matakot ang iba dahil walang may gustong magalit ang isang Class S Wizard at leader ng 5th Family.

"Hindi ko ginagawa ito para paghinalaan lang ang 5th Family. Si Lolo Lorcan na malapit sa akin ay isang Flemwall. Ang gusto ko lang po ay makasiguro sa lahat ng taong naririto ngayon."

"Kung pagbintangan mo ako, akala mo hindi lang ako ang nakakaalam ng propesiya! Hindi ba't sinabi ng Vander na 'yun ang propesiya sa kaibigan niyang Garden Gnome rin!"

"Si Lavender?"

"Oo! Maaring sinabi rin ng Lavender na 'yun sa kanyang Master ang tungkol sa propesiya!"

Napatingin ang lahat sa direksyon ng Master ni Lala—si Kerria. Binigyan siya ng daan ng mga katribo niya para humarap sa amin.

"Kerria, nasaan si Lala?"

Halata ko sa mukha ni Kerria na kinakabahan siya. "Hindi ko rin po alam, mahal na Prinsesa. Maaring magkasama silang nagtago ni Vander para hindi sila mapilit na magsalita."

"May sinabi ba si Lala sayo tungkol sa propesiya?"

"Wala po." Sigurado at direchong sagot ni Kerria. "Wala po akong nalalaman tungkol sa propesiya."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon