Wizard's Tale 1: Chapter 25

171K 3.9K 432
                                    


(Brylle POV)


"Meron na bang pagbabago, Vander?"

"Wala pa rin po. Ang hirap i-trace ni Master Lorcan." Kasalukuyan kaming gumagawa ng spell para mahanap si Master Lorcan at ipaalam sa kanya na nakita na namin ang Lux Amulet. "Nung nakaraang araw nasa Otherworld siya tapos bumalik dito sa Mortal World. Tapos nasa Otherworld na naman! Tapos bumalik ulit dito sa Mortal World! At sa Otherworld uli—"

"Alright, Vander. Palipat-lipat talaga siya ng lugar ." Bakit naman kasi kung kailangan na namin ang tulong ni Master, saka siya mahirap hanapin!

"Brylle!" Narinig namin ang sigaw ni Yana sa kabilang pader. "Papasok na ako!"

Dahil dun, kinuha ko na rin ang mga gamit ko. "Sige, Vander. Ipagpatuloy mo lang ang paghahanap sa kanya. Papasok na rin ako."

"Yes, yes, yes Master! Alam ko naman na gusto mong palaging kasabay si Yana sa pagpasok!"

"Anong sabi mo?"

"Ehehehehe! Wala po! Pumasok na kayo, Master!"

Ang weird lang ng guardian kong gnome. Pero mas weird pa rin ang katulong kong mortal.

Mukha na naman kasing masaya siya. Ang babaw ng kaligayahan eh. Mas bumabaw pa siya ngayon lalo na nung matapos na ang problema niya sa mga kamag-anak niya na hindi naman pala talaga niya kadugo.

Madalas ko na siyang makitang nakangiti. Nakangiti kahit wala nang dahilan. Idagdag mo pa na palagi siyang excited pumasok!

Magkasabay kaming naglalakad ngayon ni Yana papasok ng university. Napatingin ako sa kanya at sa suot niyang kwintas na nakatago sa loob ng blouse niya.

Yung Lux Amulet, parang bagay na suot ni Yana. Kaso dahil doon kaya hindi na tumatalab ang pagiging Empath ko pagdating sa kanya. Hindi ko na mabasa ang nararamdaman niya.

Pero hindi rin naman pwedeng mapasakanya ang kwintas dahil iba ang nagmamay-ari nito. At ang tunay na nagmamay-ari nito ay nalalagay pa rin sa panganib ang buhay. Kapag nasa tunay nang may-ari ang kwintas, saka ko pa lang uli siguro mababasa ang nararamdaman ni Yana.

"Brylle, naaalala mo ba si Elysse Fabel?"

"Yung mapang-matang mortal nung enrollment?"

"Oo, naaalala mo pa nga siya. Alam mo hindi naman pala siya ganun kasama."

"Ano ngayon?"

"Wala lang! Sabay kaming magla-lunch mamaya. Sumama ka! Pagkakataon na 'to para makipag-kapwa tao ka!"

"Ano pa bang tingin mong ginagawa ko ngayon? Hindi ba ako nakikipag-kapwa tao sayo? Unless kung hindi tao ang tingin mo sa sarili mo."

"Nakakaasar 'to!" Madalas ang sarap niya talagang asarin. "Mukha ba akong hayop sa tingin mo? Ang sinasabi ko lang, maki-mingle ka pa sa ibang tao!"

"At bakit? Anong makukuha ko? Madagdagan ba ang level ng pagiging wizard ko kapag nakipagkaibigan ako sa iba?"

"Hindi. Madadagdagan ang level ng pagkatao mo. Kulang na kulang ka kasi nun."

"Gusto mo bang mamatay ng maaga?" Kung makipag-usap kasi siya, akala niya hindi niya ako amo!

"Ow Em Ji! Galit ka na naman!" Sabi ni Yana nang makita niyang may namuong itim sa bond ring niya!

"Kasalanan mo yan! Pinaiinit mo ulo ko eh. Tandaan mo, kapag tuluyang naging itim ang crystal sa singsing mo, malalason ka! Kawawang Yana! Hwahahahaha!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon