Wizard's Tale 3: Chapter 21

83.2K 2.8K 354
                                    


(Alyanna POV)


Anim na araw bago ang Second Dark War, ilang non-Luxurian Clans na ang dumating para ibigay ang suporta nila sa amin at samahan kami sa digmaan. Ako mismo ang humaharap sa kanila bilang pasasalamat.

Tulad naman ng ipinangako ni Vander, nagtulong sila ni Lala na magtawag ng mga katropa nilang Nature Spirits. Ang hindi namin in-expect, nagsama pa sila ng isang Terremotus Giant!

"Ipinakikilala namin sa inyo si Jango! Nakilala namin siya noong naglalakbay kami ni Lala para sa Gnome Gathering tapos pumayag siyang maki-angkas kami sa kanya!"

"Thirty years old pa lang itong si Jango, kaya baby na baby na baby pa!"

Wow! 30 years old pero baby pa? Not to mention na kasing taas siya ng building na hanggang third floor! Baby pa talaga!

"Jango, sila nga pala sina Master Brylle at Princess Yana!"

"Jello Janger Jar en Jingger Jana! Jay am Jango! Jays ju mid jou!"

Napatingin sa akin si Brylle, "Ano raw?"

"Huh?" Napakamot naman ako sa ulo. "Hindi ko rin na-gets 'yung sinabi niya."

"Akala ko ba nakakaintindi ka ng iba't ibang lenggwahe rito sa Otherworld?"

"Oo nga. Pero kakaiba kasi siya magsalita compared sa ibang Terremotus Giant!"

Sa pagtataka namin, napahagalpak kakatawa ang dalawang Gnome. "Ganyan na ganyan na ganyan din ang reaksyon namin nung una ni Lala!"

"Ganitong ganitong ganito kasi 'yan! Bulol po kasi si Jango! Hwahahahaha!"

"At hulaan niyo ang favorite letter niya! Letter J, J, J! Hwahahahaha!"

Jusmio! Natawa na rin kami dahil ang laking mamaw nitong si Jango, bulol pala! Ang cute at ang sarap kurutin—kung hindi lang bato ang balat niya eh.

"Bud jond jou gorry! Jango jir jerp jou!"

Ang totoo, hindi pa rin namin na-gets ang sinabi niya pero mukhang malaking tulong talaga si Jango para maitayo ang magiging defense wall namin. Solved na ang unang problema namin.


* * *


Hapon naman noong dumating na si Lolo Lorcan galing sa Plumdust City. Nang salubungin namin siya, hindi maipinta ang mukha niya kaya may pakiramdam na kaming hindi magandang balita ang bitbit niya.

"Nagkakagulo sa Plumdust City ngayon. Sarado ang mga tindahan sa Necro Market at itinigil na ang mga klase sa Wizardry Camp. Walang nais masangkot sa digmaan dahil sa takot nilang kalabanin ang Headmaster."

Nanlumo kaming lahat pero ini-expect na rin naman namin 'yun. Kaya imbes na panghinaan kami ng loob, ipinagpatuloy na lang namin ang paghahanap ng ibang paraan para palakasin pa ang aming pwersa.

Ngunit sa kabila ng pagiging abala ng lahat, napansin kong may isang taong nagkukulang ng exposure ngayon. Nang magkaroon ako ng oras ay hinanap ko siya at natagpuan ko nga siyang mag-isang sinasarili ang kalungkutan.

"Sylfer!" Lumapit ako at tinabihan siya. Kadalasan, ang bati niya dapat sa akin ay 'Ikaw pala, Princess Love! Handa ka na bang pakasalan ako?' Pero sa pagkakataong ito, tiningnan niya lang ako at ang seryoso ng mukha niya.

"Anong ginagawa mong mag-isa rito?"

"Umiiwas sa gulo."

"Nakakapanibago ka. Hindi ako sanay na ganyan ka! Hindi ka ba magpo-propose sa akin ngayon? Yes pa naman ang isasagot ko."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon