Wizard's Tale 3: Chapter 9

111K 3.1K 432
                                    


(Kerria POV)


Isa ako at si Lala sa mga kinunchaba nina Prinsesa Yana at Vander sa plano nilang alamin kung sina Kaleel at Brylle ba ay iisa. Ang totoo, kahit medyo salungat ako sa naisip nilang delikadong plano, ang tangi ko lang magagawa ay suportahan ang kagustuhan ng Prinsesa.

Narito ako para subaybayan ang mga mangyayari at siguruhin na aayon ang lahat sa plano. Pero kapag nagkagulo at napahamak ang aming Prinsesa, unang-una kong sisihin ang sarili ko.

"Ayan na sila, ayan na sila, ayan na sila!" Salitan na sabi nina Lala at Vander.

"Sheeesh! Hinaan niyo lang ang boses niyo." Kanina pa kaming tatlo na nag-aabang at nagtatago lang sa may 'di kalayuan.

Dumating na ang Prinsesa sakay ni Milka at si Kaleel ay nakasakay naman sa isang Peryton. Itinali nito 'yung parrot-deer sa may puno upang hindi ito makawala samantalang 'yung alagang Rohlynx naman ng Prinsesa ay pinabayaan niya lang na magliwaliw tulad ng dati.

Naiwan nang magkasama sina Prinsesa Yana at Kaleel. At habang pinapanood namin sila, napansin namin na umiiyak na si Vander. "Bagay na bagay na bagay talaga sila ng Master ko."

"Ano ka ba, Vander?! Hindi pa nga natin sigurado kung si Master mo 'yan!"

"Si Master ko 'yan, Lala! Siguradong siguradong sigurado ako!"

Sa pwestong kinaroroonan namin, hindi namin naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa. Ngunit nang makita naming naghubad na ng sapatos ang Prinsesa, alam naming gagawin na niya ang plano.

Sumuong na siya sa tubig at lumangoy papunta sa pinakailalim. Napakapit sa akin sina Lala at Vander nang tuluyang lumubog ang Prinsesa at wala na kaming alam kung anong nangyayari sa kanya sa ilalim nun.

Sabay-sabay kaming nagbilang na para bang pati kami ay mauubusan na rin ng hininga. "Anong ginagawa ni Kaleel? Bakit hindi pa rin siya sumusunod?" Nagpatuloy ako sa pagbibilang ngunit lagpas isang minuto na, nanatili lang sa kinatatayuan niya si Kaleel.

Napakagat-labi ako sa takot na baka tuluyan nang mapahamak ang Prinsesa. Susugod na sana ako ngunit laking gulat ko nang mauna nang lumabas si Vander.

"Anong ginagawa mo? Nalulunod na ang Prinsesa! Sagipin mo siya!"

"Ikaw?" Laking gulat ni Kaleel nang makita niya si Vander at pati na rin kami. "Anong ginagawa niyo rito?"

"Kapag may nangyaring masama kay Yana, hinding hinding hindi kita mapapatawad, Master Brylle!"

"I am not your Master!" Pagdidiin ni Kaleel ngunit ilang sandali pa, patakbo na rin itong lumusong sa tubig para sundan na ang Prinsesa.

Sabay-sabay kaming naghintay sa pag-ahon nila. Hindi na kami mapakali.

"Hindi na ako makapaghintay. Lulusong na rin ako..."

"Sandali!" Pigil sa akin ni Vander. "Ayan na, ayan na, ayan na sila!"

Nakita na naming umahon si Kaleel at buhat na niya ang Prinsesa na wala nang malay. Transparent na ang suot niyang shirt at pagkakataon na namin iyon para silipin kung meron nga ba siyang birthmark sa likod.

And then we all saw his back and his birthmark. Wala nang halong duda. Siya nga si Brylle! At sigurado kong alam na rin 'yun ng Prinsesa. However, I also noticed that unusual swirly markings on his back. Pamilyar 'yun sa akin. Alam ko ang ibig sabihin ng mga markang iyon.

"Kamusta na ang Prinsesa?" tanong ni Vander. "Ayos lang ba siya?"

Hindi sumagot si Kaleel—si Brylle. And he was almost about to give the Princess a mouth to mouth but... "Stop right there!" Banta ko sa kanya. My palms are facing him, ready to attack anytime. "Wag mo nang balaking dumikit pa sa Prinsesa!" I stepped back away from him, but not too far from the Princess.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon