Wizard's Tale 1: Chapter 41

157K 3.7K 397
                                    


(Alyanna POV)


"Lux Princess..." Sabi ni Clerion habang nakaharap saakin kaya nagtatakbo ako palayo sa kanya. Pero nagulat ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin, mukha ni Elysse ang nakikita ko.

"Ako si Yana! Hindi ako si Elysse! Hindi ako ang Lux Princess niyo!" Binasag ko yung salamin at nagkalat ito sa sahig. Napahawak ako sa isang piraso nito at nakita ko na uli ang sarili kong mukha.

Mukhang nahiwalay na ang katawan ko kay Elysse kaya hindi na nila ako pagkakamalan. Pero paglingon ko sa pinanggalingan ko kanina, nakita ko na ang totoong Elysse na hinahabol ni Clerion.

Nagsisisigaw ako pero wala akong magawa para tulungan si Elysse. Maya-maya pa, nabalot siya ng puting usok at nawala bigla si Clerion sa eksena. Bigla kasing dumating si, "Brylle?" Lalapit sana ako sa kanila pero hindi ko magawa dahil nakakulong na pala ako sa loob ng salamin.

"Ayos ka lang ba, Lux Princess?"

"Ayos lang ako, Brylle."

"Hoy kayong dalawa! Mamaya na kayo mag-usap! Tulungan niyo akong makalabas dito!" Pero parang hindi nila ako naririnig. Hindi nila ako nakikita.

"Mabuti naman. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo, Princess Elysse." At biglang niyakap ng mahigpit ni Brylle si Elysse.

Hindi ko alam kung anong nangyayari lalo pa nung maghalikan sila sa harap ko. Kailan pa nangyaring nagustuhan siya ni Brylle? Di ba ako ang mahal niya? "Brylle!" Kaso kahit anong sigaw ko, hindi nila ako marinig. "Brylle, akala ko ba ako lang ang mahal mo? Ako lang di ba?"

Pinipilit kong makaalis sa salamin pero hindi ko magawa. Bigla na lang may tumapik sa likod ko at paglingon, nagulat ako na katabi ko na ang Animus Reaper. Hindi na ako nakalayo dahil sinasakal niya ang leeg at pilit nitong hinigop ang kaluluwa ko.

Sumigaw ako—ngunit parang nauubusan na rin ng hininga.

"Yana, wake up!" Nagising ako sa malakas na boses ni Brylle. "Binabangungot ka lang!"

Napabangon naman ako at ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan. Nang mapatingin ako kay Brylle, alalang-ala ang mukha niya. "Brylle?" Bangungot? Bangungot lang pala.

"Brylle!" Napayakap na lang ako sa kanya. Natakot ako dahil akala ko totoo na yun.

Hindi ako natakot kay Clerion o dun sa Animus Reaper. Mas natakot ako dun sa eksenang hinalikan ni Brylle si Elysse. Kung mangyayari man yun sa totoong buhay, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Ganun ko na yata kamahal si Brylle na kapag nangyari yun, parang hindi ko kakayanin!

"Binangungot ka lang, Yana. Ano ba kasing iniisip mo? Bakit dito ka lang sa upuan natulog?" At nagulat na lang ako nang bigla akong lumutang at saka ako binuhat ni Brylle. "Masyadong pang maaga, dadalhin kita sa kwarto mo para makatulog ka uli."

"Okay na ako, ayoko nang matulog. Ibaba mo na lang ako."

"Wag ka ngang makulit. Stress ka na masyado dahil sa mga nangyayari. Kailangan mong magpahinga."

Ang laking saya ko lang talaga na malamang panaginip lang yun. Dahil sa huli, saakin pa rin ipinaparamdam ni Brylle na ako lang ang gusto niya. At kahit pa hindi ako ang prinsesang pagsisilbihan niya, turing naman niya saakin ay higit pa sa prinsesa!

"Master, master, mas—ter?" Bigla na namang sumulpot si Vander at napanganga siya nang makita niyang buhat ako ni Brylle. Hindi nga siya nanukso pero yung ngiti at tingin naman niya ang pang-asar. "Ahehehehe! Good morning sa inyong dalawa!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon