Wizard's Tale 2: Chapter 6

160K 3.6K 431
                                    


(Alyanna POV)


Inutusan na ni King Hollace ang Oracle nila na si Geminus na magpadala ng mensahe sa mga leaders na sina Master Wendel Aerrseys, Chief Clive Terrashaw, King Roland Glaciever at Headmaster Diazo Flemwall. Bilin sa mensahe na gawin munang sikreto ang tungkol sa akin.

Matapos nito ay ibinilin rin na ihatid na ako sa magiging kwarto ko para makapagpahinga. Paglabas ko sa kwarto ng Hari at Reyna ay sinundan ko na si Geminus.

Kahit saan man ako tumingin sa palibot ng palasyo, puro puti lang ang nakikita ko. Hindi naman obvious na puti nga ang trip ng mga tao rito. Ilang sandali pa, tumigil na sa paglalakad si Geminus, "Heto na po ang magiging kwarto niyo, mahal na Prinsesa Alyanna."

Sa laki pa lang ng pinto, nalula na ako. Lalo pa nung binuksan na niya ito at tumambad sa akin ang napakalaking silid. Ang ganda, ang laki, at ang sosyal! "Kwarto ko 'to?"

"Hindi niyo ba nagustuhan? Gusto niyo bang ipili ko kayo ng mas malaki pang kwarto?"

"OA! May mas malaking kwarto pa rito? Pero okay na okay na po sa akin 'to!"

Parang may isa pang mansyon sa loob ng palasyo! Bukod doon, may mga naka-uniporme pang babae at sabay-sabay nila akong binati. Ipokrita ako kung hindi ko aaminin na ang sarap pala talagang maging prinsesa!

"Salamat po!" Nakangiting sabi ko kay Oracle Geminus.

"Hindi niyo kailangang magpasalamat. Ito ang nararapat para sa isang Prinsesa na kagaya mo."

Napangiti na lang ako. Pero sa totoo lang, medyo nag-aalangan ako sa kanya. Ang istrikta kasi ng dating niya at lagi pang nakataas ang kilay. Medyo naalala ko sa kanya si Auntie Seline na pinatandang version lang.

"Ano nga po palang itatawag ko sa inyo? Mrs. Geminus?"

"Prinsesa, Miss pa lang po ako." Huwat! So matandang dalaga siya! Sa tancha ko, kaedad niya si Lolo Lorcan.

"Eh 'di Lola Geminus na lang po?"

"Hindi po nararapat na tawagin niyo akong 'Lola' dahil kayo po ang Prinsesa. Geminus na lang ang itawag niyo sa akin."

Ay, medyo KJ siya hindi kagaya ni Lolo Lorcan. Ayoko namang pilitin kasi baka magalit. "Sige po, Geminus."

"Maya-maya lang din ay makikilala niyo na ang inyong magiging personal na tagapag-silbi."

"Personal na tagapag-silbi?" Tapos tumingin ako dun sa mga ibang babae na nakapalibot sa amin. "Eh ano po sila?"

"Mga utusan niyo rin po. Ngunit ang tinutukoy ko ay isang Luxurian din. Kung may gusto kayong malaman o kahilingan, sa kanya niyo po ipaalam."

Ah, kumbaga parang kanang-kamay ko pala! May ganun talaga? Naku-culture shock na talaga ako.

Umalis na rin si Geminus dahil may ibang utos pa sa kanya si King Hollace. May mga naiwan namang kawal na nagbabantay sa labas ng kwarto ko kaya hindi ako nakatakas para sana makipagkita kina Brylle.

Inasikaso naman ako ng mga katulong sa paligid pero dahil Ms. Congeniality ako, kinaibigan ko sila agad. Kaso, parang nahihiya silang lahat sa akin kaya ako lang tuloy ang daldal nang daldal.

Maya-maya pa, dumating na nga ang sinasabi ni Geminus. "Your Highness..." Lumuhod siya sa harap ko. "My name is Kerria from the Terrashaw Kinfolk. Ako po ang itinalagang maging personal servant niyo." Nahiya naman ako dahil ang gandang servant naman niya!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon