Wizard's Tale 3: Chapter 27

81K 2.6K 145
                                    


(Alyanna POV)


Magkahalong puti at ginto ang loob ng mausoleum. Halos magkatulad ang disenyo nito sa loob ng palasyo namin. May mga sculptures sa paligid at kapansin-pansin ang mga malalaking nakaukit na larawan ng mga leaders sa mga pader.

Diretso lamang ang aming paglalakad at medyo hindi ako kumportable sa mga nadadaanan naming puntod. Pero bakit pa nga ba ako nagtataka eh kaya nga tinawag na mausoleum ito, 'di ba? Burial chamber ito kung saan inilalagak ang mga nagdaang tagapagmana ng Lux.

Marami pang pasikot-sikot kaming dinaanan hanggang sa makarating kami sa isang malaking entrada. Iyon na ang altar!

Matatagpuan sa malaking espasyo ng kwartong iyon ang isang sinaunang Luxurian Circle at sa apat na direksyon nito, may mga pedestal na pagpupwestuhan naming magsasagawa ng ritual.

Kahit mukhang wala namang caretaker ang lugar na ito, napakaganda pa rin ng ayos. May nagbabagsakan pa ngang makikislap na bituin at nang tingalain ko kung saan nanggagaling iyon, isang kisame ng kalawakan ang bumulaga sa akin.

"Wow..." Naibulong ko sa sobrang paghanga.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagtungo na kami sa kani-kaniya naming pwesto. Si Queen Alisia ang nasa East Pillar, nasa South Pillar si Sylfer, sa West Pillar naman si Queen Louella at sa North Pillar naupo si Sir Nower. Naupo naman ako sa Pillar na nasa gitna para pamunuan ang ritual.

Nang simulan na namin ang ritwal, pumalibot sa kani-kaniyang pillars ang bawat elementong nakatalaga rito. Ang mga ito ay dumaloy naman patungo sa pillar na kinauupuan ko at pumalibot rin ito sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula manawagan sa kanya. "Sacred Luxurian Being, please hear my call..."

Walang kasiguraduhan kung gaano katagal namin isasagawa ang ritwal na ito. Wala ring kasiguraduhan ko pakikinggan nga ba kami ng Luxurian Being. Ngunit isa ang sigurado namin, hindi kami titigil hanggang sa dinggin niya kami.


* * *


(Author's POV)


Isang gabi bago ang Second Dark War. Sa kampo ng mga kalaban.

Hatid na ni Headmaster Diazo ang isang balitang siguradong magpapangiti sa pinuno ng Hollowick, "Lord Night, nagbalik na po ang ilang Cruorlusts na kasamang umatake sa lupain ng Lux. Dala nila ang balita na nagawang sirain ni Prinsesa Myera ang Lux Amulet."

"Talaga?" Nasurpresang tanong ni Night. "Nagkasilbi rin sa wakas ang walang kwenta kong kapatid! At ano namang nangyari sa Princess of Light? Napatay na rin ba?"

"Sa kasamaang palad ay nakaligtas po siya, pero tingin ko ay hindi na rin siya banta para sa atin. Sa pagkasira ng kanyang Lux Amulet, ibig sabihin ay wala na rin ang kapangyarihan ng Lux."

Sa pagkakataong iyon, napatawa ng lubos si Night dahil sa purong kagalakan. Umaayon nga talaga ang lahat sa kanyang plano. "Wala na ang Lux? Sigurado ka ba, Flemwall Headmaster?"

"Opo, Lord Night. Isang patunay roon ang pagkawalang bisa ng Luxurian Restrictive Wall na nagkukulong sa inyo rito sa Atreria. Ayon sa isang kawal kanina, maging ang mga low-class Dark Creatures ay wala nang kahirap-hirap na makakaalis sa lugar na ito." Saka napatingin ang traydor na Class S sa kanyang mga palad. "Bukod roon, hindi ko na talaga nararamdaman ang lakas ng Lux. Tuluyan na itong naglaho."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon