Wizard's Tale 3: Chapter 15

86.6K 2.8K 256
                                    


(Brylle POV)


May swerte pa ring natitira sa akin. Sa pagtanggap sa akin ni King Hollace kahit wala akong dugong Lux, hindi ko na poproblemahin ang tungkol sa Luxurian Marriage Rituals ng angkan nila. I finally got a chance to be with the person I love.

"Master!" Biglang sumulpot si Vander matapos kong lumabas sa kwarto ng Hari. "Kanina pa kita hinahanap. Sabi nila kinausap ka raw ng Hari. Ano pong nangyari sa usapan niyo?"

"Magandang balita ang sasabihn ko sayo, Vander." Nakita ko ang pagkislap sa mga mata ni Vander. "Pero bago 'yun, balikan na muna natin si Yana sa kwarto niya."

"Hay naku naku naku, Master! Magkasama na sila ni Prince Rouel."

"Magkasama sila? Silang dalawa lang? Bakit mo sila pinabayaan?"

"Kalma ka lang, Master. Kalma lang—"

"Sila na nga ang magkasama noong dalawang taon, sila pa rin ang magkasama hanggang ngayon? Paano ako kakalma sa ganun?"

Hinanap na namin si Yana pero hindi namin alam kung saan siya dinala ng Lux Prince. Ano kayang ginagawa nila? Anong pinag-uusapan nila? Hindi kaya sinasamantala na ng Prinsipeng 'yun ang sitwasyon?

"Nasaan na ba sila? Umalis lang ako sandali tapos natangay na agad ng lalaking 'yun si Yana!"

"Ayieee ayieee ayieeeh! Si Master, nagseselos."

Tsk! Nakuha pang mang-asar ng Elemental Guardian ko. "Vander, i-trace mo na nga lang kung nasaan si Lala."

"Bakit po si Lala?"

"Siguro kasama nila sina Kerria at Lala."

"Hindi siguro Master..." nagpabuhat si Vander at saka niya ako binulungan, "Alam mo kasi Master, noong nawala ka, naging close na talaga sina Yana at ang Prinsipe." Lumapit pa siya at hininaan pa ang boses. "Balitang balitang balita pa nga na nagtapat ng pag-ibig si Prince Rouel at nagprisinta pa ito kay Yana na maka-partner siya sa nalalapit na Light Flag Feast!"

Hindi na ako nagtaka kung nangyari nga 'yun. Pero, "At anong ginawa mo?"

"Eh ano bang magagawa ko, Master? Hinding hinding hindi ko naman pwedeng pigilan kung gustong ayain ni Prince Rouel si Yana!"

Napasimangot ako. Kapag naiisip ko 'yung mga panahong wala ako sa tabi ni Yana at ang Prinsipe na 'yun ang kasama niya, naiinis ako. Hindi ko mapigilan na magselos at magalit.

"Uwaaah! Master Brylle!" Nagsisigaw bigla si Vander at tumakip siya sa mukha ko.

Dahil dun kaya ako natumba sa may halamanan. "Aray... anong problema mo, Vander?"

Lumukso siya sa dibdib ko, papunta sa braso ko at pilit na hinipan ang kamay ko. "May...may... may Shadow Fire sa kamay mo! Bawal 'yan dito, Master!"

Dun ko lang napansin na tama nga si Vander. Unconciously, nakapagpalabas ako ng Shadow Fire sa kamay ko. I quickly banish it at nilingon-lingon namin ang paligid. Mabuti na lang at walang nakakita sa amin.

Napamura naman ako. "Damn it! Nasanay na kasi ako sa paggamit ng Dark Sorcery kaya ngayon kapag nagagalit ako, kusa na siyang lumalabas."

"Hindi ka lang nagagalit. Nagseselos ka rin."

"Pwede ba 'wag mo nang ipaalala?"

"Na ano, Master? Na nagseselos ka? Nagseselos ka naman talaga! Seloso!"

"Oo na nga! Parang sirang plaka."

"Hehehe, hindi ka pa nasanay! Pero Master Brylle, kailangan mong kontrolin 'yan. Dapat mapigilan mo na ang paggamit ng Dark Sorcery."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon