Wizard's Tale 1: Chapter 45

160K 3.8K 591
                                    


-NOTICE-

This chapter is incomplete and has several cut scenes. Para mabasa ng buo, Wizard's Tale: Unlike Your Ordinary Fairytale is still available at all leading bookstores nationwide (National Book Store, Pandayan, Fullybooked, Booksale, etc) . Kung wala kayong makitang naka-display sa bookstore na malapit sa inyo, pwede kayong magtanong sa customer service at magpa-reserve sa kanila. Kung walang perang pambili, kahit manghiram na lang kayo sa mga kakilala niyo.

* * *


(Alyanna POV)


"Kung naririnig mo ako, subukan mong bumalik para saakin, Yana."

"Brylle?" Nagising ako sa boses ni Brylle pero wala naman siya sa tabi ko. Bukod dun, nasa isang madilim at nakakatakot na lugar ako. "Nasaan na ba ako?" Tumayo ako at nakakailang hakbang pa lang ako, nabunggo ako sa isang harang na hindi ko makita.

I realized na nasa loob pala ako ng isang kulungan na yari sa salamin. Kinalampag, sinipa at pinilit ko itong basagin pero ang tibay nito.

Iniisip ko pa kung paano ako nakarating dito. At bigla ko na lang naalala yung nangyari dun sa eskinita. Paalis na sina Brylle at Elysse papuntang Otherworld nang magpakita ang Animus Reaper. At yung halimaw na yun... ako ang inatake ng reaper!

"Lux Princesa..."


-CUT SCENE-


Tahimik na lamang akong nagdasal pero parang bigla namang nagliwanag. Pag-angat ko sa ulo ko, parang nasa ibang dimension na naman ako! At higit sa lahat, may isang nilalang sa harap ko.

"Lux Princess Alyanna."

"Si—sino ka?" Ayos ha! May spotlight siya!

"I'm your guardian, the legendary Luxurian Being." Humakbang siya at nakita ko na ang totoong itsura ng nilalang na yun.

Nauutal ako nang makita ko na isa pala itong nagsasalitang, "U—unicorn?" Isang unicorn ang Luxurian Being?

"Isa lamang ito sa mga representasyon ko. Ako ang nilalang na gabay ng lahat." Tapos bigla na lang itong naglabas ng pakpak. So, unicorn na nagiging pegasus rin siya?

"Ako ang nilalang na simbolo ng buhay at pag-asa sa Otherworld."

Ipinagaspas niya ang kanyang pakpak at nabalot siya ng liwanag. Sa isang iglap, naging Phoenix naman siya. Shape shifter pala siya!

"Ako ang gabay mo simula nang ikaw ay ipanganak at nang mawalay ka sa iyong tunay na pamilya."

Hindi ko alam kung paano nagagawa ng nilalang na ito na magbago ng anyo ng ganun kabilis. Kaya siguro walang nakakatiyak kung anong nilalang talaga ang Luxurian Being. Kung may isang bagay lang na hindi nagbabago sa kanya, yun ay ang puting apoy na bumubuo sa anyo niya.

Lumipad ito paitaas ngunit pagbalik niya ay nag-anyong malaking Dragon naman ito.

"Higit sa lahat... Ikaw at Ako ay iisa."

Saka niya ako binugahan ng apoy. Nag-panic pa ako dahil sa ginawa niya pero hindi naman ako napaso o natusta. Sa halip pagmulat ko uli ng aking mga mata, nagpalit-anyo na naman ito. Ngunit bilang isang tao na. At kamukha niya si—ako? Teka! Kamukha ko na yung Luxurian Being!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon