Wizard's Tale 3: Chapter 17

96.2K 3.2K 320
                                    


(Kerria POV)


Isa ako sa mga kinunchaba nina Brylle at Vander na tulungang masolo nila ang Prinsesa. Hindi ako tumanggi dahil alam ko kung gaano kagusto ni Brylle na magkaayos sila... at alam kong 'yun din ang gugustuhin ng Prinsesa.

Ngunit habang isinasagawa namin ang plano, dumating si Prince Rouel. Inasahan ko talagang pipigilan niya kami kaya mabuti na lang at may nadala ako extra Eismint. Noong magwala ang Prinsipe, agad ko siyang sinubuan nito.

Nang matiwasay na ring nakaalis sina Sylfer at Prinsesa Yana, saka ko pa lang pinakawalan si Prince Rouel. He looked at me at kung wala siguro ang Eismint, baka kanina pa niya ako nabulyawan.

"Saan niyo siya dinala?" kalmadong tanong niya.

"Hindi ko po pwedeng sabihin. Pero sinisigurado kong ligtas siya ngayon."

Hindi inalis ng Prinsipe ang tingin niya sa akin. At 'yun pa nga lang ang ginagawa niya, pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. Hindi ko alam kung anong dapat gawin sa sitwasyon ngayon. Minsan lang kaming magkasama at baka kapag hindi ko pa nilubos ito, magsisi pa ako. Humugot ako ng lakas ng loob at kinapalan ko na ang mukha ko, "Gusto niyo po bang mamasyal na lang muna?"

"Gusto kong magpunta sa kinaroroonan ng Prinsesa." At saka siya nagbigay ng utos na para ring nagmamakaawa. "Sige na, dalhin mo ako dun."

Napabuntong hininga ako. Hindi ko siya kayang tiisin. "Kung mangangako ka na hindi ka manggugulo, pwede kitang dalhin sa lugar na malapit rin sa kinaroroonan ng Prinsesa."

Napaisip muna siya pero sa huli ay pumayag din siya at tinanggap ang kundisyon ko.

Isinama ko siya sa isa sa mga floating islands na matatagpuan dito sa lupain ng Lux. "Nasa isa sa mga isla na ito ang Prinsesa." 'Yun lang ang sabi ko sa kanya.

Hindi na umimik ang Lux Prince. Sumandal na lang siya sa isang puno at saka tumanaw sa malayo. Palihim kaya niyang inaalam ang kinaroroonan ng Prinsesa? Kapag sinugod niya sina Brylle, malalagot ako.

Dahil sa nakakabinging katahimikan, sinubukan ko na lang uli siyang kausapin. "Bakit po hindi niyo pa rin iniluluwa ang Eismint?"

"Kapag ginawa ko 'yun, natatakot ako sa pwede kong gawin. I already found them." Nagulat ako nang sabihin niya 'yun. Ang bilis naman! "Nandoon lang pala sila..." Napailing siya saka yumuko.

"Paparusahan niyo po ba kami?"

"Yes." Natakot ako bigla. "If something bad happens to her."

"Wala pong mangyayaring masama kay Prinsesa Yana. Kasama niya si Brylle."

"The last time she was with him, kinidnap siya nito at dinala sa Atreria."

"That wasn't Brylle. It was Kaleel under a Dark Curse. Si Brylle po na kilala ko at kasama ngayon ng Prinsesa ay handang ibuwis ang kanyang buhay para iligtas siya."

Napatingin lang uli sa akin ang Prinsipe nang sagutin ko siya ng ganun. Maski ako, nagulat sa lakas ng loob ko na pagsalitaan siya ngayon.

"Pa—pasensya na po. Masyado akong madaldal."

Pero hindi naman niya ito pinansin. "She's just pretending to not remember him. Tama ba ako?"

"Yun po ang tingin ng lahat."

Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Prince Rouel. And while looking at his sad face, I can't help but to feel sad too. Kaya naman nag-isip ako ng ibang paraan para pagaanin ang kalooban niya.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon