Wizard's Tale 1: Chapter 4

230K 6.3K 1.3K
                                    


(Alyanna POV)


Nag-isip akong mabuti. "Trabaho bilang helper at housekeeper ng bahay mo. Kahit magkanong sweldo ang hilingin ko, ibibigay mo. At libre na din ang matitirahan at makakain ko." Inulit ko ang mga sinabi niya kanina. "Yun lang ba talaga?" Nanginginig pa ang boses ko.

"That's just it. Vander, paki-translate pa sa kanya ang nasa contract."

Lumapit na saakin ang nilalang na si Vander. Actually kahit lamang-lupa siya, cute naman siya. Mukha siyang lalaking manika na may matutulis na tenga, mala-kamatis na ilong, may makikintab na mata at golden brown ang buhok na hanggang leeg niya ang haba.

"Itong itong ito na!" At ang liit ng boses niya! Saan niya nakuha yung malaking boses na pinanakot niya saakin nung pumasok ako sa bahay nila?

Pinaliwanag saakin ni Vander yung mga nakasaad sa kontrata. Medyo nakakahilo nga kasi paulit-ulit siya sa ibang salita. Parang sirang plaka. At gusto ko ngang sabihin na naintindihan ko naman na yung mga nakasulat dun pero hindi ko rin sinabi.

"Utusan, taga-linis, taga-luto, taga-deliver, taga-research..." Puro mga 'taga' lang! So far, wala namang nakalagay doon na against sa human rights ko. "Are you sure na ito lang ang gagawin ko? Walang—ano?"

"Ano?"

"Ano—basta kung anu-ano!"

"Bakit may iba ka pa bang naiisip na purpose mo?"

"Um, ikaw na din may sabing mangkukulam ka."

"Wizard." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Wizard, witch, magic-chuchu, mangkukulam, yun din yun! Baka mamaya ibenta mo katawan at kaluluwa ko sa demonyo."

"Tsk! I don't worship demons! We're not demonic! Do I look demonic?"

"Ano bang malay ko! Naho-hocus pocus mo ako, may kasama kang lamang-lupa, and everything is so unreal! Pwedeng nagdi-disguise ka lang noh!"

Pagkasabi ko nun, dahan-dahan siyang lumapit saakin. Wala na akong naatrasan pa dahil pader na ang nasa likod ko. Hinawakan niya yung kamay ko at ipinahawak sa makinis at maputi niyang mukha.

"This face is real. This is me. Wag mong kwestyunin ang kagwapuhan ko." Napalunok ako kasi totoo yung sinabi niya—gwapo nga siya! Pero mahangin din. "Ten seconds for you to decide."

"Ten seconds? Ang bilis naman!"

But he started counting anyway.

"Ten." Panaginip lang 'to, Yana!

"Nine." Gumising ka.

"Eight." Hindi eh! Totoo 'to!

"Seven." Maganda naman ang offer niya.

"Six." At sabi niya hindi siya demonyo.

"Five." Oo nga, wala naman sa itsura niya.

"Four." At kailangan ko rin ito ngayon!

"Three." Buhay ko ang nakasalalay dito!

"Two." Think fast, Yana!!!

"One."

"OKAY! Okay na! Pumapayag na ako!"

Napangiti siya. Okay, panalo na siya. Wala naman din talaga akong choice eh.

Naglabas na ng dagger si Vander. Para saan yun? Akala ko ba hindi nila ako sasaktan? "This is a life contract. Ang dugo mismo ang pampirma sa pangalan."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon