Wizard's Tale 1: Chapter 34

162K 3.9K 610
                                    


(Alyanna POV)


"Vander!" Humihingal akong nakabalik sa mansyon. Akay-akay ko pa ang mabigat na si Brylle. "Vander, nasaan ka! Tulungan mo kami!"

"Wala siya dito. May nakakitang leprechaun kay Master Lorcan kaya pinapunta ko si Vander sa Otherworld."

"Ano?" Bakit naman ngayon pa wala si Vander! "Sinong tutulong sayo!"

Dinala ko si Brylle sa kwarto niya at inihiga siya sa kama niya. Mas lalo akong nag-panic dahil nagku-kulay violet na siya! Anong ginawa ni Clerion at ganito siya kalubha?

"Sinong gagamot sayo? Yung Dactyls?" Tama, yung mga maliliit na healing magicians dati! "Paano ba sila tawagin?"

"Hindi sakop ng healing abilities ng Dactyls ang Dark Sorcery."

"Eh kung sa ospital na lang kita dalhin?"

"Mas wala silang magagawa." At bigla siyang napaubo at namilipit sa sakit.

"Brylle!" Ngayon ko lang siya nakita na nagkakaganito! Natatakot ako para sa kanya "Anong gagawin ko, Brylle! Paano kita tutulungan?"

"Wala—wala kang magagawa..." Nakapikit lang ang mga mata niya at nang hawakan ko ang mukha niya, nanlalamig ito sa pawis.

"Wag mong sabihin yan! Baka naman may paraan pa, Brylle!"

Hindi na nakapagsalita si Brylle sa sobrang panghihina niya. At hindi na maganda ang mga naiisip ko sa mga oras na yun. Paano kung sinumpa siya nung Snow Vetter? Paano kung nilason pala niya si Brylle? Paano kung hindi niya kayanin!

"Brylle—" Ayokong mag-isip ng masama pero wala akong magawa.

"Wag kang umiyak. Pinasasama mo lalo ang loob ko."

"Paano mo pa nasasabi yan!"

"Dahil ayokong nakikita kang umiiyak."

"Ayokong nakikita kang nasasaktan ng ganyan!"

"Kaysa naman ikaw ang masaktan." Muling namilipit sa sakit si Brylle at napakapit sa bandang dibdib niya. Pinalo-palo niya ito habang umaatungal. Tinitingnan ko lang siya at pakiramdam ko, nararamdaman ko na rin ang sakit niya.

Bakit kapag siya ang nangangailangan, wala akong magawa? Bakit ba kasi ordinaryong mortal lang ako? Bakit kailangang ako yung mahina?

Wala akong nagawa kundi magtiis na panoorin ang paghihirap niya. Pinaiinom ko na lang siya ng tubig at pinupunasan ko ang pawis niya.

Nagdaan ang ilang oras pero walang pinagbago ang kalagayan niya. Hinandaan ko siya ng pagkain pero wala siyang gana at isinusuka niya lang ito.

Parang mas lumalala pa siya. Kapag napapasigaw siya sa sakit, kumakapit lang ako sa kamay niya para malaman niyang hindi siya nag-iisa. At hindi ko siya iiwan.

"Yana..." Pabulong na lang ang boses niya. "Yana..."

"Nandito ako Brylle." Tumulo ang pawis sa gilid ng mukha niya at pinunasan ko ito. "Nandito ako."

Nang imulat niya ang mata niya, parang hindi niya ako nakikita. Kung saan-saan siya tumitingin. Parang tumitirik ang mga mata niya. "Yana..."

"Brylle! Nandito ako!" Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at ipinahawak ko sa mukha ko. "Ito ako! Si Yana! Nakikilala mo ba ako?"

"Yana." Napatingin na siya saakin at para bang nakampante na siyang makita ako. "Kanina pa kita—hinahanap." Nade-deliryo na nga siya. Ni hindi niya alam na kasama niya ako mula pa kanina. "Magpahinga ka na, Yana."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon