Wizard's Tale 3: Chapter 18

87.4K 2.9K 257
                                    


(Alyanna POV)


Gabi na kaya nagpasya na kaming bumalik sa palasyo. Sabay kaming lumipad at ito ang unang beses na hindi ako nakasakay kay Milka o sa isang Peryton para makarating sa lugar na gusto kong puntahan.

Nang makatapak na kami sa lupa, nagkatinginan kami ni Brylle at saka nagtawanan. Mukha kaming mga baliw na tumatawa ng wala namang dahilan—actually, may dahilan pala. Kasi bati na kami at magkasama na.

Sabay na kaming naglakad at nagulat ako nang makipag-holding hands sa akin si Brylle. Hindi na siya natatakot na ipakita ito sa lahat. Mukhang handa na nga niya akong panindigan.

Plano namin na una itong ipaalam sa mga magulang ko ngunit...

"Anong ibig sabihin nito?" Nabaling ang atensyon namin sa boses na nagmula sa likod.

Ang mga leaders! Nakarating na pala sina King Roland, Chief Clive at si Master Wendel, kasama ang mahahalagang myembro ng Luxurian families. Kasama rin nila si Headmaster Diazo na kasamang nagulat sa naabutan nilang eksena.

"Anong nangyayari rito? Bakit hawak ng isang non-Luxurian Wizard ang kamay ng Lux Princess?" Nag-aalala at medyo galit na tanong ni King Roland sa amin.

Kinabahan naman ako para sa amin ni Brylle. Pero mas humigpit lang ang hawak namin sa kamay ng isa't isa. "I'm in love with the Lux Princess." Matapang na sagot ni Brylle.

"And I'm in love with this Wizard," dagdag ko naman.

Wala na rin namang dahilan para itago pa ang tungkol sa amin.


* * *


Kinabukasan, itinakda ang pagpupulong na kinabibilangan hindi lang ng mga leaders at ministry kundi lahat ng naririto ngayon sa palasyo. Ngunit kahit pa nagpalipas kami ng gabi, hindi nun nabawasan ang tensyon dahil sa naabutan nilang eksena namin ni Brylle kagabi. Hindi nila 'yun basta-bastang palalampasin.

Bago naman ang pagpupulong, patago muna kaming sumailalim ni Brylle sa isang Thought Transference Spell. Pareho kasi kaming hindi sigurado sa kahihinatnan ng pagpupulong. Kaya nga kahit magkalayo kami ngayon ng pwesto, "Brylle, naririnig mo ba ako?"

"Oo, Yana. Naririnig kita." Nakakapag-usap kami kahit sa isip lang.

"I am really disappointed, King Hollace," wika ni King Roland Glaciever. "Why did you allow this to happen between our Lux Princess and that Wizard? Alam mong salungat ang relasyon nila sa tradisyon ng ating angkan!"

As expected, the leaders consider my relationship with Brylle is forbidden. Maaring ganun nga rin ang side ni Lolo Wendel kahit apo niya ako. Bilang lang talaga ang kilala kong Luxurian na suportado kami. Sina Lolo Lorcan, Kerria, Sylfer at ang mga magulang ko.

But majority is, "We definitely do not approve of it! Kapag hindi isang Luxurian ang nakatuluyan ng Prinsesa, mababali ang tradisyong pagpapasa ng kapangyarihan."

"Tama si King Roland." Sumang-ayon na ang aking Lolo kahit pa batid kong nalulungkot siya. Hindi ko naman siya masisisi. "Tuluyan tayong babagsak kapag naputol ang susunod na linya."

"Sang-ayon din ako sa sinabi nila," sabi naman ni Chief Clive saka siya napatingin kay Brylle. "Isa pa, ang Wizard na 'yan ay sangkot din sa pagdala sa ating Prinsesa papunta sa Atreria, hindi ba?"

"Ibig sabihin, naging kakampi ng mga Hollowick ang lalaking 'yan! Dark Sorcerer!"

"Mawalang-galang na po King Roland, pero grabe na ang panghuhusga niyo kay Brylle. Hindi ba't kayo rin naman noon, nagawa niyong magtiwala sa Snow Vetter na si Clerion? Isa siyang Dark Sorcerer na binigyan niyo ng pagkakataon, kaya bakit hindi niyo rin pagbigyan si Brylle?"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon