Wizard's Tale 3: Chapter 22

84.6K 2.9K 855
                                    


(Alyanna POV)


Apat na araw bago ang Second Dark War.

Two days na noong magpunta sina Kerria sa Erden Valley upang sadyain si Ashley para sa mga balahibo ng Yosuzume. Hinihintay na lang namin ngayon na magliwanag ang natatanaw naming Access Tower na daraanan nila pabalik dito sa palasyo.

Ilang sandali pa, nakita na namin ang pagkislap ng tower. Nang matanaw namin ang grupo nila ay agad namin silang sinalubong. "Mabuti at ayos lang ang naging paglalakbay niyo."

"Opo, wala naman pong naging aberya. Paalis na rin po ba kayo?"

"Oo. Kayo na lang ang hinihintay namin." Plano kasi na sa pagbabalik nila, aalis rin kami agad para puntahan naman si Sorceress Louhi. Ako, si Brylle, Sylfer, Lolo Lorcan at ang alaga kong si Milka naman ang maglalakbay papunta roon. "Nakakuha ba kayo ng mga kailangan natin?"

"Opo!" Saka namin nakita ang dalawang ka-tribo niya na may bitbit na anim na sako ng kumikintab na Yosuzume feathers. Kumintab din ang mga mata ko sa sobrang saya. "Pakalat-kalat lang ang mga balahibong 'yan doon sa tirahan na ginawa ni Ashley para sa mga alaga niya. Nagulat nga po kami na higit isang daan na pala ang mga Yosuzume niya."

Napansin rin namin na sumama pala si Ashley at may hawak siyang isang hawla na naglalaman ng maamo niyang Yosuzume. Nang subukan kong lumapit sa kanya, nagtago siya sa likod ng Ate niya pero itinulak lang din siya ni Kerria para harapin ako.

"Ashley, galit ka pa rin ba sa akin dahil sa ginawa ko noong una tayong nagkita? 'Yung binugaw ko 'yung alaga mong Yosuzume?"

Dahan-dahang humakbang palapit sa akin si Ashley. "Hindi po ako galit sa inyo, Lux Princess. Nahihiya lang po ako."

Nang ngitian na niya ako, saka ko lang nahawakan ang ulo niya at niyakap ko siya para pasalamatan. "Hindi ka na dapat mahiya sa akin, Ashley. Friends na kaya tayo!"

"Katulad po ninyo ni Ate Kerria?"

"Oo! At tsaka malaking tulong ang nagawa mo ngayon, Ashley. Maraming salamat sayo at sa mga alaga mong Yosuzume na nagbahagi sa amin ng mga balahibo nila."

Matapos noon ay pinapunta na namin sila sa palasyo para makapagpahinga na ang grupo nila. Sumunod na naghanda na rin ang grupo namin sa pag-alis. Sana lang talaga ay mapapayag namin ang Class S Sorceress na si Louhi.


* * *


Tatlong oras ang naging byahe namin sa ere bago kami bumaba sa isang masukal na kakahuyan. As usual, nakasunod lamang kaming lahat kay Lolo Lorcan na kabisadong-kabisado ang daan.

Nakarating kami sa isang lagusan na yari sa mga naglalakihang ugat ng puno ngunit dahil masukal na daanan ito, kinailangang iwan ng mga kasama ko ang sinasakyan nilang Peryton at ganun din ang alaga kong si Milka.

Tinahak na namin ang lagusan at makalipas ang halos labing-limang minuto, narating na namin ang dulo nito at bumungad na sa amin ang mga Light Blooming Trees.

Tulad ng nai-imagine ko, napakaganda ng mga punong iyon! Kumikintab na kulay puti ang mga dahon nito. Naalala ko nga sa mga dahon na 'yun ang mga Silver Abeles na nagbabantay sa secret hideout nina Brylle at Vander doon sa Mortal World.

Laking gulat ko lang nang magsimulang umuga 'yung mga puno, "Anong nangyayari? Lumilindol ba?"

"Natural na reaksyon 'yan ng mga Light Blooming Trees kapag may mga bagong bisita sa lupaing kinatitirikan nila." So alam ng mga puno na naririto kami!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon