Wizard's Tale 3: Chapter 28

94.3K 2.8K 672
                                    


(Brylle POV)


The sun was out and darkness enveloped the sky. There were no stars above and an almost full moon appeared in the night sky. Today is the Second Dark War.

And until now, nasa Velsigne Island pa rin kami nina Vander at Jango na nagbabantay sa labas ng mausoleum. Kahapon pa sinimulan nina Yana ang ritwal ngunit inabot na ng gabi ngayon ay hindi pa rin sila nakakalabas.

Gamit ang Dragon's Eyesight Spell, tahimik ko lang na pinapanood ang mga nangyayari sa Auserwalt Palace.

Nasa kani-kanyang pwesto na ang lahat tulad ng plano. Handa na ang mga mandirigma suot ang mga mamahalin at matitibay na Delcon Armors. They are also equipped with weapons and a few high-class spells that they can cast when the right time comes.

Ang mga Elders naman at Luxurians na walang experience sa pakikipaglaban ay nagdarasal sa loob ng kastilyo. They are in charge in protecting the whole place and the children inside.

Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang katakot-takot na presensya ng mga kalaban. Hindi nagtagal ay natanaw ko na rin ang itim nilang hukbo na nagma-marcha palapit sa palasyo.

"Master Brylle, nariyan na sila, nariyan na sila, nariyan na sila."

Alam na rin ng mga tao sa palasyo ang pagdating ng mga kalaban dahil nagpalabas na sila ng signal sa lahat. Parang may kwitis na sumabog at kasabay nito, naramdaman ko na kumalat ang mas matinding tensyon sa buong lugar.

Bago sumabak sa digmaan, humarap si King Hollace upang palakasin ang loob ng kanyang mga nasasakupan.

"Ilang daang taon na ang lumipas nang ipagtanggol tayo ng ating mga ninuno sa pinakaimportanteng digmaan sa kasaysayan ng Otherworld, ang Dark War. Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na muli natin itong daranasin. Nahaharap tayo sa panibagong banta ng mga Dark Sorcerers at sa pagkakataong ito, doble ang galit at paghihiganti nila laban sa atin."

I can sense how worried the King is. But there is more courage, faith and hope from his voice.

"Hindi tayo dapat magpadaig sa takot. 'Wag nating hayaang muli tayong mabalot sa kasamaan na hatid ng Dark Sorcery. Utang natin sa ating mga ninuno kung bakit nakaranas tayo ng sagana at payapang pamumuhay kaya nararapat lang na ito rin ang ipamana natin sa mga susunod pang henerasyon!"

Everyone agreed. Their fighting spirits are lifting up. Pero ang pinakahuling words of encouragement ni King Hollace ang gumawa ng malaking impact sa lahat. It was short but significant.

"The Lux may have left us but still we fight for the Light!" And when King Hollace shouted, "For the Light!"

Everyone tagged along, "For the Light!"


* * *


Tuluyan nang nagsimula ang digmaan.

Unang sumugod mula sa kampo ng mga kalaban ang mga lower-class Dark Creatures. Sila ang mga na unang susubok na sirain ang depensang itinayo ng mga Terrashaw at Nature Spirits sa loob lamang ng wala pang isang linggo.

Mabuti na lang at ang nakahambalang na pader ay matibay. Dito rin nanggagaling ang transparent roof barrier na pumipigil naman sa mga aerial monsters na sakupin ang air space ng teritoryo ng Lux.

"Sige, sige, sige! Magsilapit kayo! Subukan niyo!" Nanggigil sa panonood si Vander.

Nakalapit na ang mga halimaw sa pader ngunit nang magkamali ng tapak ang isa sa mga iyon, gumuho ang lupa at nahulog ang una at ikalawang hanay ng mga kalaban sa patibong ng mga Terrashaw.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon