Wizard's Tale 3: Chapter 12

121K 3.7K 970
                                    


(Alyanna POV)


Nakapalibot saakin ang mga Class A+ Dark Sorcerers habang naglalakad ako patungo sa lugar kung saan nagtipon-tipong ang lahat dito sa Atreria. Bawat hakbang palapit sa lugar na iyon, mas tumitindi ang alulong at hiyawan na naririnig ko. Ibang lenggwahe ang gamit ng mga halimaw ngunit ang ibig sabihin lang nun ay paulit-ulit na 'All hail Hollowick!'

Nang makarating na kami sa labas, bumungad sa akin ang samu't saring mga halimaw. Pawang madudumi, nakakatakot at mukhang ring malalakas.

Nang makita nila ako, panandalian silang natahimik para titigan ako. Ngunit 'di nagtagal ay muli silang nagsigawan. Pinagmumura nila ako. They were all screaming how they hated Lux and how they wanted to kill me. Kung ako 'yung dating duwag na Yana, naihi na siguro ako sa takot.

Tumigil na sa paglalakad ang mga kasabay kong Dark Sorcerers at mukhang pababayaan na lang nila akong mag-isang maglakad patungo sa gitna. Ngunit sinigurado pa rin nila na hindi ako manlalaban dahil muling lumabas ang isang kadena na kumunekta sa posas ko. May humila sa dulo ng kadena at ang pwersang iyon ang direksyong na sinundan ko.

Sobrang gulo. May mga sumusubok pa na hablutin ako ng mga matatalas nilang kuko pero iniwasan ko ang mga ito at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. At kahit hindi ko sigurado kung magagamit ko itong kapangyarihan ko, may isang dasal lang akong paulit-ulit na inuusal.


"In the name of Lux, I lift up the curse.

Come back to me, so mote it be."


Para pabilisin ako sa paglalakad, hinila ng mas malakas yung kadena, dahilan para masubsob ako at pagtawanan ng mga halimaw sa paligid. Sa kabila nito, bumangon ako at matapang silang hinarap. Natahimik lang sila nang may tumunog na tambuli, hudyat ng pagdating ng kanilang mga leader.

Unang dumating ang prinsesa nilang si Myera at naghiyawan ang mga halimaw. Nang magtama ang mga mata namin, nagtaas siya ng isang kilay at nagpansin kong nagkulay pula na naman ang mga mata niya.

Mas tumindi ang dagundong nang pumasok na ang pinaka-pinuno nila. "Hail, Lord Night Hollowick!" At sabay-sabay silang lumuhod sa kanyang pagdating.

Walang salitang lumabas sa bibig ko. Nanatili lamang akong nakatayo at taas-noong nakatingin sa tinuturing nilang leader. Dahil dito, muling hinila ang kadena sa suot kong posas para sapilitan akong paluhurin sa harap ni Night.

Hinanap ko na kung sino ba 'yung kanina pang namamahiya sa akin, at mas nalungkot ako sa nakita ko. Si Brylle ang may kontrol dun sa kadena. Hanggang ngayon, hindi niya alam ang mga ginagawa niya.

Everyone turned their heads up nang magsalita na si Night.

"Dark creatures of Atreria, ipinakikilala ko sa inyo ang pinakamahalagang bisita, bihag at kaaway na meron tayo ngayon. Meet the Princess of Light, Alyanna Auserwalt."

Sabay-sabay na nag-'boo!' ang mga halimaw. At sa kabila ng seryosong pagmumukha ni Night, nagagalak siya sa pagkamuhi ng mga nasasakupan niya para sa akin.

"Alam ko kung gaano katagal ang hinintay nating lahat para sa pagkakataong ito! Batid ko ang kagustuhan niyong patayin na ang tagapagmana ng Lux upang tulayan na rin ang pagbagsak ng White Light Clan."

Naghiyawan ang lahat. Sa bawat salitang binibigkas niya ay mas lalong tumitindi ang tensyon.

"Ang lahat ng ito ay nakasaad na sa isang propesiya!" Pahayag niya sa lahat ngunit sa akin na napako ang tingin niya. "Muling iwawagaywag ang bandera ng mga Dark Sorcerers. A Second Dark War is coming that shall bring us back to where we belong—to the top!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon