Wizard's Tale 1: Chapter 15

183K 4.5K 360
                                    


(Alyanna POV)


"Bakit ganyan ka makatingin? Ganun ba ako kagwapo at kung titigan mo ako, parang may gusto ka na saakin?"

"Kapal mo! Ikaw nga 'tong sumunod saakin! Bakit dito ka nag-enrol?"

"Ikaw ang makapal dyan! Hindi kita sinundan. Since high school pa ako nag-aaral dito. Iniisip ko nga ikaw ang sumunod saakin eh."

"Since high school nandito ka na?" So may social life din naman pala talaga ang wizard na 'to at nakapag-aral dito! Hindi man lang niya nasabi saakin na taga-dito pala siya. "Anong year mo na?"

"Pareho lang tayong incoming college na." Naglalakad na kami palabas at sa totoo lang, pinagtitinginan kami ng ibang enrollees. Sikat siguro ang mokong na 'to dito. "Anong course mo?" Tanong niya saakin.

"Culinary Arts. Ikaw?"

"Biochem." Nag-nosebleed naman ako sa course niya! Matalino ba siya? Ayaw ko pa sanang maniwala eh, "Ano na namang tingin yan? Hindi ka naniniwala?" At sinalampak niya sa pagmumukha ko ang registration form niya.

"Siguro gumagamit ka ng magic mo sa tuwing nag-aaral ka." Pang-aasar ko.

"Sadyang matalino lang ako, Alyanna Rohan." And let's not forget to mention na mahangin din.

Hindi ko na naman na sinubukan pang alamin kung bakit sinabi ni Brylle ang sinabi niya sa harap nila Prince Dustin at Elysse. Sa totoo lang, masaya pa nga ako dahil parang ang dating ay iniligtas na naman niya ako sa kahihiyan.

Knight in shining armor—este wizard in shining wand pala ang ang peg ni Brylle. Sa tuwing kailangan ko ng tulong, nagkakataon na nariyan siya para tulungan ako.


* * *


Sa paglalakad namin pauwi, napansin kong nasa isang pamilyar na kalsada kami. "Hindi naman ito ang daan natin pauwi di ba?"

"Oo." Natigil kami sa isang pamilyar din na eskinita, saka niya inilabas ang wand niya.

"Ow Em Ji, Brylle!" This is not what I think it is! Oh please mahabaging langit! "Itong lu—lugar na 'to. Yung—"

"Pupunta tayo sa Otherworld ngayon."

"Biglaan? Ayoko!"

"Umaangal ka ba? Sinusuway mo ako?" Oo nga naman! Wala nga kasi akong choice kundi ang sundin ang gusto niya.

"Pero hindi naman kasi yung lugar na pupuntahan natin ang ayaw ko!" Ayaw ko yung paraan kung papaano kami pupunta dun!

Papalag pa sana ako kaso nakulong na ako dun sa nakakasilaw na liwanag na pinaka-ayaw ko sa lahat! The portal is open and...


* * *


"Hwaaaahh—ugh!" As usual, nakaluhod na naman ako at naghahabol ng hininga pagdating namin a Otherworld. At ilang segundo pa, dumuwal na ako sa tabi.

May habag naman si Brylle dahil hinayaan muna niyang umayos ang pakiramdam ko. Nang makatayo na ako sa sarili kong mga paa, nagsimula na kaming maglakad uli.

"Saan ba tayo pupunta? Sa Necro Market uli?"

"Hindi." Kaya pala ibang direksyon ang tinatahak namin ngayon. "Sa Atrum Forest tayo pupunta."

"Atrum Forest? Ano yun? Bakit tayo pupunta dun?"

"May mga kailangan kasi ako na hindi ibinibenta sa Necro Market at makukuha ko lang sa gubat na yun. Atrum Forest is simply the richest yet darkest and gloomiest forest here at the Otherworld."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon