Wizard's Tale 1: Chapter 19

175K 4.4K 208
                                    


(Alyanna POV)


"Vander!" Sa wakas nakabalik na ang cutest Garden Gnome na kilala ko! "Buti nakauwi ka na!" At nagpaikot-ikot kami sa sala habang buhat ko siya. Nakaka-miss kasi ang kakulitan niya.

"Teka, teka, teka..." Bigla siyang napatingin saakin—at sa suot kong palda. "Uso ba yan ngayon? Paldang dahon?"

Bigla namang natawa si Brylle nung pumasok siya at yun ang maabutan niyang tinanong saakin ni Vander. Kauuwi lang kasi namin galing dun sa gubat! "Ninakawan siya ng damit ng mga Hobgoblins!"

Natawa na din si Vander sa sinabi ni Brylle. "Master ko!" At para batiin ang kanyang Master, hinalikan niya ang mga kamay nito.

Si Brylle naman, ipinatong niya lang ang kamay niya sa ulo ni Vander. "Mabuti naman at nakabalik ka na." May kakaiba silang tinginan at hindi ko lang maintindihan kung anong ibig sabihin nun.

"Ano nga palang ginawa mo? Bakit ang tagal mong nawala, Vander? Ayaw sabihin saakin ni Brylle eh."

"Alam mo, umakyat ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit. Nawiwili ka yatang suot ang t-shirt ko at yang wagas mong palda." Oh sige mang-asar pa! "At saka ipaghanda mo si Vander ng lahat ng matatamis na pagkaing pwede niyang kainin. Mahaba ang nilakbay niya."

"Yum, yum, yum! Na-miss ko nga ang pagkain na hinahanda mo, Yana!"

"Ano muna yung ginawa mo? Wala ka bang pasalubong, Vander?"

Mangungulit pa sana ako kaso pinalipad na naman ako ni Brylle. Wala akong nagawa nang palutangin niya ako padirecho sa second floor. "Dyan ka na sa taas! Magbihis ka na!" Sigaw niya saakin.

Pagtapak ko uli sa sahig, "Sungit! Mamaya Vander, kwentuhan mo ako ha!" Tapos tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.

May bagay talaga silang tinatago saakin. Hindi naman sa nakikialam ako masyado, pero dahil masasabing parte na rin talaga ako ng mga buhay nila kaya gusto kong malaman. Sina Brylle at Vander lang kasi ang maituturing kong pinakamabuti kong naging kaibigan—pamilya. Hindi sila katulad ng mga taong nakasama ko noon.

Sa pagiging amo naman ni Brylle, napakalayo ng pakikitungo niya saakin kung ikukumpara sa kung paano ako tinrato noon ng mga kamag-anak ko. At naturingang kamag-anak ko pa naman ang mga yun!


* * *


(Brylle POV)


"Heto na po Master Brylle." Iniabot saakin ni Vander ang isang papel na may sulat kamay ni Sorceress Louhi.

"Ano ito, Vander? Isang Locator Spell?"

"Opo."

Matagal na nakatitig saakin si Vander at saka ko inalam ang nangyari sa pakikipag-usap niya kay Sorceress Louhi.


=FLASHBACK=

"Ano ang pakay ng isang taga-Zaffiro sa aking munting palasyo?" Pambungad na tanong ni Sorceress Louhi kay Vander.

"Ipinadala ako ng aking Master Brylle." Agad naman niyang inilabas ang garapong naglalaman ng balahibo ng Yosuzume at halata ang pagkasabik ng matandang babaeng Class S na si Louhi. "Handang ialok ni Master Brylle ang lahat ng laman ng garapong ito kapalit ng paghanap mo sa isang tao sa Mortal World."

"Hyahahaha! Isang Class B+ Wizard, hindi makahanap ng isang simpleng mortal!"

"Malaki ang paniniwala namin na hindi isang simpleng mortal ang hinahanap namin. Maaring nagtataglay ito ng malakas na amulet kaya hindi namin siya mahanap ng aking Master. Tanging isang Class S lang na tulad mo ang posibleng makahanap sa kanya!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon