Wizard's Tale 3: Chapter 20

91.3K 2.9K 399
                                    


(Alyanna POV)


Isang kagimbal-gimbal na delubyo ang nangyari. Sa unang pag-atake ng mga kalaban, ang Twin Walls ang sinira nila. At hindi pa man nga kami nakaka-recover doon, napabagsak pa nila ngayon sa lower ground ang palasyo.

Ngunit ang pinakadahilan ng panlulumo ng lahat ay ang pagtalikod sa amin ng 5th Family. At makakalaban pa namin sila sa parating na digmaan.

"Kapag nalaman ng mga kaalyado natin ang tungkol sa pagbaliktad ng Flemwall, maaring talikuran na rin nila tayo at hindi na tumulong sa digmaan." Nag-aalalang sabi ni King Roland.

"Yan din ang ikinakatakot ko. Bukod sa 1st Family, sa Flemwall nanggagaling ang pinakamatinding pwersa ng ating angkan." Pag-aanalisa naman ni Lolo Wendel. "Nakasisiguro akong hindi na tayo makakaasa sa mga non-Luxurian Wizards na pumapasok sa camp. Hindi nila gugustuhin na masangkot sa gulo kung saan makakalaban nila ang Headmaster."

"Nariyan pa sina Lolo Lorcan at Sylfer." Napatingin ang lahat sa mga taong nabanggit ko. And they all looked at them with doubt.

"Paano tayo nakakasiguro na hindi nagpapanggap ang dalawang 'yan?" saad ni Chief Clive.

"Hindi lahat ng Flemwall ay kalaban, Chief Clive!" pagtatanggol ni Lolo Lorcan. At hindi lang sarili niya ang kanyang pinagtanggol, "Batid kong may mga inosenteng Flemwall lang din ang nadamay sa maling desisyon ni Diazo."

"Nagsasabi siya ng totoo," sagot naman ni King Roland. "Habang nagkakagulo, naramdaman kong ilan sa mga myembro ng Flemwall ang napilitan lang na sumama sa Headmaster. Nagulat din sila sa ginawa ng leader nila, ngunit wala silang magawa kundi ang sundin siya."

"Ano kaya kung sundin na lang natin ang hinihinging kundisyon ng mga Hollowick?" Mungkahi ng isang elder.

"Papayag ka na makaisang-dibdib ng Prinsesa ang pinuno ng mga kalaban?"

"Kung 'yun ang tanging paraan para matigil ito."

Nakikita ko na ang pagtutol sa mukha ng mga magulang ko. Pero ang unang tumayo at naglakas-loob na magsalita ay si Brylle. "Hindi po ako papayag."

"Hindi namin hinihingi ang opinyon mo, Wizard." Pinagalitan siya ng isang nakakatanda.

Ngunit sa wakas ay binigyan siya ng pagkakataon ng isang leader na noong una ay labis ang pagtutol sa amin. Si King Roland mismo. "Hayaan niyo siyang magsalita! Lahat ng naririto ay may karapatang maglabas ng kanilang saloobin."

Dahil dito, mas kampante nang magsalita si Brylle. "Kapag nakuha ni Night ang gusto niya, mas lalong malalagay sa panganib, hindi lamang ang buhay ng Prinsesa, kundi ang buong angkan at lahat ng sangkot dito."

"May mga nalalaman ka ba sa pinaplano ng kalaban?"

"Opo. Marami." Napangiti ako nang sabihin ni Brylle 'yun. Nagpapasalamat talaga ako dahil nagbalik na siya para ibahagi sa amin 'to.

"Masasabi mo ba kung kailan sila eksaktong aatake sa atin?"

"Minsan nang nabanggit sa akin noon ng Hollowician Princess..." May pakinabang din pala ang Myera na 'yun! Buti nagkukwento siya kay Brylle. "The war will happen the night before the start of the Ornus Moon Season. Sinadya nila 'yun para isunod agad na sakupin ang Mortal World."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon