Chapter 8.2

326 11 1
                                    

Hard To Get Karma
© Dropdownbymygravity

A/N: Nahilo ako ng ginawa ko to. Huhu. Pakiramdam ko madami pa ring mali kahit 3 times kong nireview ng paulit ulit. Sorry.

Continuation..

Hindi ko magawang magconcentrate sa trabaho. Ano naman kasi ang magagawa kong design kung ganitong si Rick nalang ng si Rick ang naiisip ko. Damn that man. Hanggang ngayon wala pa rin nagpaparamdam sa akin.

Bumuga ako ng hangin at binitawan nalang ang hawak na lapis. Siguro ay pupunta nalang muna ako sa boutique. Kailangan kong kumuha ng gagawin doon para hindi ako nanghuhula ng ganito.

Me, my cousin Wendy, my friends Dylan and Zeth are into business. Clothing line ang naisip namin since ayon naman talaga ang gusto namin pasukan.

Dylan is our interior designer at ang pinaka bahala sa pwestong kukuhain namin, since malakas sya sa may ari dahil sya ang gumawa ng design ng interior ng buong mall ay mabilis syang nakakuha ng isang malaki at magandang pwesto. Si Zeth ang taga manage dahil ayon naman talaga ang tinapos nya, si Wendy ang sa financer at sales dahil na rin pasulpot sulpot lang naman ito at hindi nawawala ng matagal, habang ako naman.. Well sa mga designs talaga ako pero paminsan ay nagtatahi rin ako lalo na at kailangan idepina ang mga detalye ng ipinapagawa at syempre kung malaki ang ibabayad. Minsan din ay may  mga suggestions rin ang tatlo sa akin katulad ng kung anong trending. Minsan rin ay tumutulong sila sa pagtatahi lalo na si Dylan at Zeth na naturuan ko rin kung paano.

Malaki na rin ang business namin. May dalawang branches na kami sa dalawang sikat na mall. Kilala na rin kami ng mga tao dahil sa good quality at designs na inooffer namin. We're not just selling clothes. Bukod sa kami ang tumatahi ng iba ay madalas kami rin ang bumibili ng tela at iba pang materyales na kailangan sa ibang bansa lalo na kung kailangan ng defined details ng mga damit na gustong iorder.

Tuxedos, Gowns, Slacks, Cocktail dresses at kung ano ano pang high class na mga damit ang ginagawa namin.

Ang mga gawa namin ay naisosoot ng mga mayayaman negosyante, mga artista at mga politiko. Nafeature na rin kami sa mga magazine, mga fashion website local man o international, madalas rin kaming mabanggit sa mga tv shows at kung ano ano dahil sa mga nagsosoot ng mga gawa namin at nakikilala na rin kami dahil sa sarili naming fashion shows collections.

"Oh my god you're here! Thank you lord pinapunta nyo ang life saver namin." Pang bungad ni Wendy sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya pero ng biglaan nya kong hatakin sa loob ng opisina at kinausap ay naliwanagan ako sa pagpapanic nya.

"Omg Prestine!"

"Ano ba Wendy kumalma ka nga." Sita ko. Kumuha ako ng bottled water sa maliit na fridge at inabot sakanya. Ininom naman nya to at humawak pa sa dibdib. She's over reacting again.

"Kasi ganito yon. Nakalimutan kong sabihin sayo na may pinapagawa palang design ng coat. OMG mahal yung binabayad tapos wala pa rin. Prestine one week nalang babalikan na yon. Shit wala pa tayong nauumpisahan." Huminga ako ng malalim.

"Anong design?"

"This." Inabot nya sa akin ang isang papel. Tinignan ko at nakitang instruction to ng design, mula sa tela hanggang sa kulay at kung ano ano pa ay nandito na. Nakalagay na rin ang sukat ng kung sino mang gagamit kaya ngumiti ako. One week is not a problem.

"Eto lang?" Tanong ko kay Wendy. Tumango sya ng mabilis at uminom ulit ng tubig.

"Mabilis lang naman tong matatapos. Besides ito talaga ang sinadya ko dito. Kailangan ko ng gagawin hindi yung nanghuhula ako." Ngumiti sya at huminga ng malalim. Nagpaalam sya na lalabas na para mag entertain ng costumers na tinanguan ko nalang.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now