Chapter 38

430 21 1
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..


RK's POV


Kanina pa ko naiinip. Pinatawag ako ni Dad dahil daw may pag uusapan kaming mahalagang bagay pero hanggang ngayon eto pa rin ako at hinihintay sya.


May pupuntahan pa ko. Ano ba naman!


Tumayo na ko mula sa komportableng pagkakaupo ko ng biglang pumasok si Dad kasunod nito ang sekretarya nyang si Arthur. Nag uusap sila tungkol sa meeting na pinuntahan at para bang hindi nararamdaman ang presensya ko.


"Pwede na ba akong umalis?"


Napatigil si Dad sa pagsasalita at napatingin sa akin. Sinabi nya kay Arthur na lumabas na muna dahil mag uusap kami na agad naman sinunod ng sikretarya nya.


"Dalawang oras na ko dito Dad. May pupuntahan pa ko. Ano bang sasabihin mong importante?"


Umupo sya sa single seater na couch sa harapan ko. Ng may dalawang minuto pagkatapos nyang makaupo ay tsaka lang sya tumingin sa akin ng seryoso at nagsalita.


"Aalis kami ng mommy mo. Five months kaming mawawala dahil sa operation."


"Operation? May sakit ka Dad?"


Matagal nya kong tinitigan, para bang sinasabi nyang ang tanga ko dahil sa klase ng tanong ko. Inalis nya ang tingin sa akin bago bumuga ng hangin.


"I'm not. But your mom is." Tumango ako at tumingin sa malayo. Alam kong hindi maganda na ganon ang asta ko sa nalaman. Alam ko rin na ilang beses na syang nasa ospital pero hindi ko makuhang mag alala at magkaroon ng amor sakanya kahit ngayong may sakit pa sya. She's my mom, yes. But she never act like a mother to me.


"Rick. Alam kong galit ka sa mom mo. But don't act as if you don't care that she's ill."


Ibinaling ko ang tingin ko kay dad at bumuntong hininga. "She never act like a mother to me, dad. Naalala mo ba nong muntik na kong mamatay dahil nahulog ako sa mahabang staircase nang seven ako? Did she even cared that I'm in the hospital that time? No. Dad that's why

I can't act like I care when I really don't."


"You should forgive her Rick. She's still your mom."


Umiling ako at tinapik tapik ang mga hita ko gamit ang mga daliri.


"I can't. Kung sana ay minahal nya ko kagaya ng pagmamahal nya sa bastardo nya baka ni katiting na pakielam meron akong ipakita. Dad of all people dapat ikaw ang nakakaintindi sa akin."


"I know son. I understand where your hatred coming from. Pero bumabawi na rin naman sya, hindi ba?"

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now