Chapter 16

538 9 1
                                    

Hard To Get Karma
© Dropdownbymygravity


Continuation..

Napangiti ako ng makita ang nasa labas ng pintuan ko. Isa itong body figure na unan na may picture pa nya sa may bandang mukha. It's a little bit insane of him but I love it. Si Rick talaga. Wala na syang ginawa kung hindi ang painlove-in ako lalo.

*Thank you, I like it.* send ko ng message. Bigla itong nagring at ng makita ko ang number ni Rick na tumatawag ay tumalon ako ng mabilis sa kama kasama ang unan na bigay nya. Niyakap ko ito at sinagot ang tawag ni Rick na para bang baliw na ngiting ngiti.

"Thank you Rick!!!" Bungad ko. Tumawa sya sa kabilang linya na nagpakilig lalo sa akin. He will never fail to bring out the best of everything in me. Para bang teenager ako sa mga nararamdaman kong ito. Sure, naramdaman ko ito dati kay Theo but it's different when it comes to Rick. Ibang iba ang mga naranasan ko kay Theo noon sa pinararanas sa akin ni Rick ngayon. I know he told me not to fall for him but I guess I'll keep it in myself para lang hindi nya ko layuan.

"I'm glad you like it. So, anong ginagawa mo?"

"Well, hindi ba creepy kung sasabihin kong hinahalikan kita?" Tumawa ako at hinintay ang sagot nya.

"Dapat pala hindi ko nalang binigay sayo yan. Ngayon may kaagaw na ko." Hinawakan ko ang labi ko at parang baliw na binalikan ang lahat ng nangyari kahapon. His kisses, his embrace, his breath, his hair. Fuck! Everything in him make me miss him more like crazy.

"I miss you, I wish you're here." Amin ko. God ilang oras palang ang nakakalipas na hindi kami magkasama pero ganito na kaagad ako.

Hindi na ko nakarinig ng sagot mula sa kabilang linya. Ilang minuto pa ang hinintay ko at ng akala ko'y wala na talaga sya sa kabilang linya ay naisipan ko papatayin ko na sana ang tawag.. but my heart just melt ng magsalita sya, mga salitang nagpataas ng balahibo ko dahil sa tono ng boses nya. "You too. I miss you too." He said huskily. Damn Rick! This is a fucking torture! You being not here with me is absolutely torture.

~~
Ilang araw na rin ang lumipas. Hindi ko gaanong namimiss ang presensya ni Rick. Maybe because he text me oftentimes when he can. Or maybe because I'm just too busy to mind him.

*Eat your lunch Prestine. Makakapaghintay ang damit na tinatahi mo. - Rick* ngumiti ako at kinuha ang plastic tupperwear na nasa loob ng microwave. Nakalimutan ko pang mainit ito dahil sa kakapaulit ulit ko ng pagbasa sa text nya.

Damn that guy. Hindi ko alam kung baliw lang ba talaga ko sakanya o sadyang sinasadya nyang mabaliw ako ng ganito.

Huminga ako na malalim at binuksan ang TV sa living room. Patingin tingin ako sa phone ko pero wala naman akong natatanggap na message mula sakanya.

"Baka busy sya Prestine. Kumalma ka dahil hindi kayo. Wag kang assuming, wag kang demanding at lalong lalo na wag kang feeling." Bumuntong hininga ako dahil sa sariling disappointment sa naisip. Ganon ba talaga ang ginagawa ko? Nagiging needy, assuming at feeling na ba ko? Hindi naman di ba?

Pwede naman akong magdemand kahit papaano, di ba?

Napatingin ako ng mabilis sa screen ng TV ng marinig ang pangalan ni Rick. Nasa news sya? Binasa ko ang nakalagay sa bandang baba ng TV at nakitang isa itong shosbiz news tungkol sakanya na nakita sa labas ng isang high class bar na may kasamang babae. Ipinakita pa ang isang paparazzi shot kay Rick na may kahalikan habang nakasandal ang babae sa pintuan ng kotse nya. He looks like he enjoyed it, and me? I just look like a fucking idiot who enjoyed giggling onto his text messages while he doing someone else, someone else clearly not me. Wow. Just wow.

Pinatay ko ang TV at inilagay sa lamesa ang hawak na mangkok ng kinakaing mac and cheese.

Pinunasan ko ang luha kong hindi ko ginustong tumulo at dinampot ang phone na nakalagay sa binti ko.

*Take care, I miss you. - Rick*

Napatawa nalang ako. Hindi dahil sa kilig kung hindi dahil sa inis. Damn, clueless, foolish, stupid! Ikaw na Prestine! Ikaw na talaga ang sumalo ng lahat ng kabobohan sa mundo. Ikaw na talaga ang tangang nagpapaniwala sa sinasabi ng isang manloloko. Fuck you Rick! Take care? I miss you? Fuck you. Gago ka!

Nagtype ako ng irereply sakanya pero kahit anong type ko ay may mali pa rin sa mga salita ko. Then I settled with one simple word.

*Fine* send.

I need to calm my nerves down. Una sa lahat dahil hindi nya ko girlfriend, pangalawa dahil wala syang ibang gusto sa akin kung hindi ang mapaglaruan ang nararamdaman ko, pangatlo may mga kailangan pa kong gawin para maisagawa ang plano kong ilang beses ko ng ipinagpapaliban dahil sa nararamdaman ko na all this time pala walang kwenta.

*Can you come over. I want to be with you now.* send

Well, nakipagsex na rin naman ako sakanya why not make it the key to my plan? No one is stupid to fall with just sex but I will make him fall using that. No one can resist sex anyways. Marami na rin akong narinig at nabasa na dahil sa sex lang ay naiinlove.

Tumunog ang phone ko na indikasyon na may tumatawag. Sinagot ko ito at napangisi ng marinig ang malalim na boses nya. "Are we okay?" Tanong nya. Inirolyo ko ang mga mata ko at kinalma ang sarili kong wag syang sigawan.

"C-can you, ahmm? Stay for the night. I'm exhausted and I need a diversion." Seductive na sabi ko. Narinig ko ang pagbilis ng hininga nya na para bang may nangyayari sa kabilang linya.

"Nakakaistorbo ba ko? If you don't want I can call Dylan, iinom nalang kami." Panunuya ko, Dylan is gay, kahit yayain ko pa yon ay hindi pupunta yon dahil kasama nya ang boyfriend nya. Napangiti ako ng marinig ang mura nya.

"Don't. Papunta na ko."

Pinatay ko ang tawag at nakangiting inisip ang gagawin. Habang naghihintay ako sa pagdating nya ay mabilis akong nagshower. Nilagay ko ang twalya sa ulo at nagsoot ng malaking tshirt at maikling short. Hindi ko alam kung maatract sya sa soot ko but I don't care. I can take it off if he don't want it.

*Hi Zeth. Ihanda mo na ang condo mo. :)*

*How so? Hahaha. Ihanda mo na kamo ang kotse mo dahil hindi sya iiyak sayo. A heartless prick like him don't cry. -Zeth*

*Let us see Zeth. I do everything just to win. I never lose a game.* pinatay ko ang phone ko ng makarinig ng doorbell. He's here.

Tumayo ako sa couch na inuupuan at tinanggal ang twalya sa ulo ko, sinuklat ko ito gamit ang mga daliri at lumapit sa pintuan.

Okay Prestine.

He's toying you?

Then make him fall and dump him after. That's the best revenge you can do.

Binuksan ko ang pintuan at nakangiting sinalubong ng ngiti si Rick. Magulo ang buhok nito at mukhang hingal na hingal. Binuksan ko ng malapad ang pintuan at iminuwestrang pumasok sya. Ng makapasok sya at malock ko ang pintuan ay nakangisi akong lumingon sakanya.

Ipinulupot ko ang kamay ko sa bewang nya at inilapit ang labi ko sa sulok ng labi nya.

I'm going to tease you, I will make you feel over satisfied na hindi mo kakayaning malayo sa akin hanggang iwan na kita ng tuluyan.

Magalit kana kung magagalit ka pero masakit ang mga ginagawa mo at kailangan mo ring maramdaman ang sakit na nararamdaman ko dahil sayo.

You'll see. Masasaktan ka na ako ang dahilan. Iiyak ka sa akin dahil sa sakit at pagmamahal na hindi ko na susuklian.

Hinalikan ko ng mabilis ang labi nya. Inilayo ko ng kaonti ang labi ko sa kanya at tiningala ang nag aapoy nyang mga mata. I stare to his eyes like he's doing and smile timidly.

"I miss you Rick. So much."

--
To be continued..

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now