Chapter 10

410 18 1
  • Gewidmet Thine Alagao
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Natapos ko ang pinagagawang design ni Rick at natapos ko na rin tahiin after 3 days. Tanging apat na oras na tulog, pagkain, pagligo lang ang nagagawa ko sa mga araw na yon. Minsan ay wala pa dahil sa pag iisip kay Rick.

Guilty ako, malungkot and at the same time naguguluhan. He makes me confused. Big time.

Bumuntong hininga ako at umupo sa sofa.

Bored na bored na rin ako pero tinatamad naman ako para gumawa ng kahit ano. Mabuti nalang talaga at walang ganong nag-oorder at nagpapagawa ngayon.

Psh. Damn these busy but uneventful days.

Nag-unat ako at dumeretso na sa kwarto ko, humiga ako sa kama at ilang beses na humikab. Nakapikit na ko at handa ng matulog ng biglang tumunog ang phone ko.

Unregistered number?

"Good afternoon Ms Winters here what can I help you?"

"Galit ka ba sakin?" Napasinghap ako at napamulat, nagising ang diwa sa boses na narinig.

Sya ang galit sa akin di ba? Kaya nga hindi na sya bumalik di ba?

"R-rick?"

"May nagawa ba kong masama?" Tanong nya ulit. Bumuntong hininga ako at umiling na para bang makikita nya ito.

"P-pagod lang ako non. Busy ako eh, g-ganon lang talaga ako pag pagod nawawalan ng gana." Narinig ko ang unti unting paglakas ng music sa paligid ng kabilang linya. I suppose that he's at some bar right now.

"Sorry." Bulong ko.

'Yeah, sorry dahil paasa ka. Okay lang ako, kahit malaman kong may girlfriend ka at pinaglalaruan mo lang ang pakiramdam ko. Sorry ah. Pa-fall ka nahulog tuloy ako.'

"I-I'm tired. Kakatapos ko lang gawin ang pinagawa mo sa boutique namin. I need to rest. G-goodnight." Ako na ang nag off ng tawag. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at tumitig pa sa screen ng phone ko. Ng may limang minuto na ang tantya ko ay inilagay ko ulit ito sa ilalim ng unan. He will not text you Prestine. Wag ka na umasa. Pinaglalaruan ka lang nya kaya dapat hindi ka nagpapatalo, dapat kung pinaglalaruan ka nya ay mas paglaruan mo sya. Ayon naman talaga ang plano mo hindi ba? So you need to be sport and win the game you started with Zeth. Wala man syang idea na naglalaro lang ako ay sapat ng malaman kong may girlfriend sya at nilalandi nya ko para malaman kong pinaglalaruan nya ko.

Stop with your high hopes with that jerk masasaktan ka lang. Kagaya rin sya ni Theo. Sasaktan ka rin nya kaya dapat ngayon palang na alam mo na ang pasikot sikot ng bituka ng mga lalaking kagaya nya ay hindi kana nagpapadala pa.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga pa ng malalim.

Hard To Get KarmaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt