Chapter 53

481 24 2
                                    

Hard To Get Karma
© Dropdownbymygravity

A/N: sorry sa lahat ng typos.

Continuation..

Prestine's POV

As I'm waiting for Wendy and Zeth's arrival ay inilibot libot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng coffee shop. This is the same place where I first saw and met Rick.

Sa pwestong hindi kalayuan sa lamesa ko ang sakanila. Kinakausap nya si Tarra noon at kinukumbinsi sa isang bagay na ayaw ng babaeng kaharap. Pinakinggan namin ang usapan nila at ng malaman namin kung ano ang pinag uusapan nila ay nagkaroon ako ng konklusyon na hindi sya mabuting tao. Dinamay ko pa si Zeth para may mapaglaruan. Little did I know ay ang puso ko pala ang ipinusta ko. Little did I know na imbes na sya lang ang magkaroon ng dala ay pati rin pala ako ay masasaktan sa pagkahulog sakanya. Hindi ko inakala na sya na pala ang karma ko sa lahat ng kasalanan na ginawa ko sa buong buhay ko.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa phone na hawak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagtetext o tumatawag. Masyado syang busy sa trabaho na pakiramdam ko ay napapabayaan nya na ko kahit nagkikita naman kami pagkatapos at natutulog sa iisang kama.

Sana lang ay hindi si Azie ang kasama nya sa meeting. Sana lang ay mali ako at wala talaga akong dapat ikaselos.

Pero kahit anong pilit kong huwag mainis sa sarili ko ay hindi ko mapigilan. I love Rick. I love him and I feel him drifting away from me at hindi yon magandang pakiramdam. I feel jealous too. I feel like that he's hiding something from me. Pakiramdam ko minsan one sided nalang ang pagmamahal na to kahit hindi ko naman dapat maramdaman yon dahil nararamdaman ko pa rin naman ang pagmamahal nya.

"Kanina ka pa?" Naputol ang mga iniisip ko ng may bumeso sa akin.

"You're zone out." Puna ni Zeth sa akin. Nakakunot ang noo nito at para bang sinusuri ang itsura ko. Bumeso sa akin si Wendy at sinabing oorder muna ng frappe nila ni Zeth.

Umupo sa katapat kong couch si Zeth at tinitigan ako ulit. "What did he do this time Prestine?" Nakacrossed arms na tanong nya. I hate that she knows everything about me, from my facial expression to my nervous gestures.

"Wala naman Zeth. You really mad at him to think na palagi nalang syang may ginagawang mali."

"I can sense it. Magbestfriends tayo since we were kids Prestine. Of course I know you. Masyado na kitang kilala para hindi malaman na may dinadamdam ka and for sure kasalanan nanaman nya. So tell me?"

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. There's no escape from her. Interrogation will be the next.

Napaangat ako ng tingin ng makarinig ng hindi gaanong malakas na boses pero galit at umiiyak mula sa hindi kalayuan.

"I did everything for you pero malalaman ko pinagpustahan nyo lang ako? Wala ka ba talagang konsensya Zeke?" Firm na sabi ng babae. She's the usual teenager wearing a college uniform ang lalaki naman ay parang kaedad ko.

"Shanty please. Please forgive me. Please." Mahigpit na hawak ng lalaki ang kamay ng babae. Patuloy itong umiiyak at hindi ko napansin sa sarili ko na tumutulo na rin pala ang luha ko. Inabutan ako ni Zeth ng panyo at sinabing punasan ko ang basa kong pisngi.

"Hindi ka ba naguilty? Wala ka bang konsensya? Kapatid ko yon at para masaktan nya ko nagpagamit ka? Sana sinagasaan mo nalang ako para hindi ganito na para lang din akong pinatay. Ang sakit sakit." She said with gritted teeth while pointing her chest.

"Ang sakit dito. Ano bang kasalanan ko sainyo ni Ate para saktan nyo ko ng ganito."

"Stop listening to them." Zeth called my attention. Sinubukan kong titigan sya pero hindi ko mapigilang hindi tignan ang dalawa. They remind me of me and Rick. They remind me of his reaction, what he said only this time ay babae ang napaglaruan at parehas ko ay nahulog rin ang lalaki sa babaeng binalak nyang paglaruan lang.

Hard To Get KarmaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora