Chapter 57

454 20 4
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..

Prestine's POV

He's lying to me. He's lying and I hate that he's thinking that I'm that stupid.

Pero tatahimik nalang ba ko? Magpapanggap nalang ba ko na hindi ako naaapektuhan at nasasaktan sa pagsisinungaling nya? Lulunukin ko nalang ba yung nararamdaman kong selos?

For God sake. Kakabalik lang namin eh. This should be a good start to us pero nagsisinungaling na kaagad sya.

Ayokong mastressed at mawalan ng gana. The gown is important for me. It's important for Luxary and now that I have this issue inside me pakiramdam ko mababaliw ako at hindi makakapag focus sa gagawin.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto at ang pagsara nito kaya napapikit ako. Gusto kong makita nyang tulog na ko.

"Baby?"

Bumuntong hininga sya at yumakap sa akin mula sa likuran. I'm still facing the wall. Hindi ko sya nakikita pero nararamdaman kong tumutulo pa rin ng tuloy tuloy ang mga luha ko.

I want to ask him kung bakit ganoon ang tono nong kameeting nya. Hindi nya man lang sinabi kung sino ang kameeting nya at kung bakit nya tinapos kaagad ang pag uusap namin sa telepono. Halatang halata na may tinatago sya. Pero bakit? Sino ba yon? Is she with Azie? Nahh. Of course it's not her again. Alam ni Rick na pinagseselosan ko si Azie kaya didistansya sya doon.

"I know you're overthinking now. Please don't. Please trust me." Bulong nya. Iniharap nya ko sakanya at pinunasan ang luha kong panay pa rin ang pagtulo. Nakapikit pa rin ako dahil nahihiya ako sa pag iyak na ginagawa ko.

"Don't cry please. Wala akong ginagawang hindi mo gusto. Magtiwala ka lang. Please open your eyes." Unti unti kong iminulat ang mga mata ko kagaya ng sinabi nya. Tinitigan ko sya at sinubukan pahintuin ang mga luha ko. Panay ang pag iling nya na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"I hate seeing you cry. Whatever you're thinking now. Please stop. I love you and you're all that matters."

Hinila ko sya papalapit sa akin at mahigpit na niyakap. Naramdaman ko ang paghalik nya sa buhok ko at ang maya't mayang pagbanggit nya na mahal nya ko.

I need to believe in him. I need to trust him. I need to convinced myself that everything is okay at ako lang lang nagpapagulo ng lahat. Dapat itigil ko na ang pagkapraning ko.

"Kumain kana ba?" Tanong nya. Umiling ako. Ng tatanggalin ko na ang mga braso ko mula sa pagkakayakap sakanya ay pinigilan nya ko. Marahan nya kong binuhat at isinama sa pagtayo mula sa kama. Ang awkward ng posisyon namin pero yumakap nalang ako sa leeg nya at iniangkla ang mga binti ko sa beywang nya para sa suporta.

Mabuti nalang at tulog na ang mga maids ng makababa kami.

Inilapag nya ko sa isa sa mga silya sa dining table at sinabing kukuha lang sya ng pagkain sa kitchen.

Bakit ko nga ba sya pinag iisipan ng masama? Bakit ba hindi ko makuhang magtiwala? Bakit ba parati nalang akong natatakot ng ganito?

Tahimik kaming kumakain. Maya't maya syang tumitingin sa akin at maya't maya rin syang bumubuntong hininga na para bang napufrustrate.

Tumingin ako sakanya at ngumiti ng tipid.

Huminga sya ng malalim, inilapag ang mga kubyertos na hawak at hinawakan ang kamay ko. "Babe?"

"Hmm?"

"Please stop giving me this treatment."

Bumuntong hininga ako at tinigil ang pagkain. Tumayo ako sa kinauupuan at naglakad palapit sakanya para umupo sa mga binti nya. "I-I'm just paranoid. I'm jealous Rick. Natatakot akong mawala ka." Bulong ko ng isubsob ko ang mukha ko sa leeg nya. Naramdaman ko ang halik nya sa buhok ko.

Ng tumawa sya bigla ay napakunot ang noo ko at napakalas sa pagkakayakap sakanya. Tinignan ko syang tumatawa pa rin habang nakatitig sa akin. He's perfect kahit pa nakakainis na sya.

"I love you too much Ms. Winters. I love you with every fiber of my being. Hindi pa ba obvious yon at nagseselos ka pa at naiinsecure? Hindi pa ba malinaw sayo na sobra kitang mahal at hindi kita hahayaang mawala?"

Umubo sya at biglaang nagseryoso.

"Mahal na mahal kita Prestine Winters. Sobra sobra. Kung may dapat mang matakot ako yon. Kasi baka bigla ka nalang magwalk out at iwan ako ng tuluyan dahil sa kakaselos mo." Pinunasan ko ang luha ko at hinalikan ang labi nya.

Hindi talaga sya titigil sa pagpapakilig sa akin. Sana ay habang buhay na syang sa akin. Sana hindi na kami magkahiwalay pa. Sana kami na hanggang sa huli.

Kaylan kaya nya ko papakasalan? May balak kaya sya?


3 months later..

"Bakit hindi ka rin gumawa ng tie and coat pati pambaba P?" Tanong sa akin ni Dylan.

"I thought gown lang ang irarampa?" Tanong ko pabalik.

Nasa condo ako ngayon at inaayos ang mga sequences at iba pang mga designs ng gown na natapos ko na. Dito namin inilagay ang mga natapos tahiin na mga gown. Nandito si Dylan at Wendy at inaayos ang iba pang mga gowns.

May pitong gown na nakadisplay na dito at lahat ay magaganda at sobrang elegante.

I feel something weird. Para bang lahat nalang ng taong kakilala ko ay iba ang mga ngiti at tingin na ibinibigay sa akin. Para bang may alam sila na hindi ko alam. Para bang may mga lihim sila na ayaw nila sabihin. Or? Maybe I'm just overthinking things?

"Well, syempre. Maganda ng may kapares ang gown lalo na kapag na bid na ito. The one who'll wear the gown will surely be happy dahil may isusuot na ang groom nila at hindi na maghahanap pa ng iba."

"And actually P lahat ng mga gowns na irarampa ay gagawan na ng mga coat, ties at slacks ng mga ibang taylors. Hindi iyon isasali sa ramp for now pero syempre depende pa rin doon sa event organizer." Dagdag ni Wendy. Napatango nalang ako sa narinig sa dalawa. Sabagay.

"Pag uwi ko uumpisahan ko na." Ngiti ko ng matapos ayusin ang black gloves ng gown na ginawa ko. Ng tignan ko sila ay napakunot ang noo ko sa klase ng tinginan nilang dalawa. It's as if I'm weird and I can't stop being weird.

"Kamusta na kayo ni Rick?" Biglaang tanong ni Wendy. Ngumiti ako at tumabi sa kanila sa couch.

"Okay lang naman." Sabi ko at nilaro ang buhok ni Dylan na ngayon ay may kahabaan na. He looks like Harry Styles kaso bading. Sayang ang lahi.

"Pero alam nyo minsan naiinggit ako sa mga gowns na to. Sooner or later kasi masosoot na sila ng mga babaeng maswerteng ikakasal sa mga asawa nila." Napabuga ako ng hangin at napailing.

"You want to get married?" Nakangiting tanong ni Dylan. Nagkatinginan sila ni Wendy na nakangiti rin.

"Oo naman. Well, kay Rick ko lang naman gustong makasal. Pero malabo pa siguro. Ni hindi nya nga yata naiisip yon. Busy kasi sya sa kompanya. Gabi na nga lang kami nagkikita kapag nasa bahay na these past few days eh."

"Hmmm. Baka may inaasikaso?"

"Yeah. Business."

Sana nga business lang.


--

To be continued..

Hard To Get KarmaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ