Chapter 39

503 20 5
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


A/N: next chapter po POV ni RICK at ni PRESTINE na para makita nyo kung anong mga mangyayari. Don't kill me please. Loveyouall.


Continuation..


Prestine's POV


Nakikita ko silang dalawa na nag uusap habang lumalakad ako sa mahabang ramp. Pakiramdam ko matutumba ako sa panghihina. Wala ang mga mata ko sa mga audiences at tanging sakanila lang. Wala ang focus ko sa ginagawang paglalakad dahil lahat ng focus ko ay nasa kanila na lang. Bakit ba kasi pinilit ko pa syang pumunta at bakit ba kasi dumating pa si Theo dito!


Ginawa nya ba to dahil alam nyang nandito ako at posibleng nandito rin si Rick? Ginawa nya ba to para talaga pasakitan ako at sabihin kay Rick ang totoo?


"Don't messed this up Prestine. Calm down. Focus." Tumango ako kay Wendy na nasa kaliwa ko.


"Please relax Prestine. May isa pa tayong ramp para sa final walk ng mga designers." Bulong naman sa kanan ko ni Zeth. Tinignan ko sya gamit ang mga takot kong mga mata.


"Think positive." She mouthed. But damn I can't even think straight.


Right now I'm just hoping, wishing and praying that Theo didn't tell it to him yet. Pero sino ba talaga ang niloloko ko? Pinagbantaan nya na ko noon. Sinabi nya ng sasabihin nya kay Rick ang totoo sa oras na makita nya ito.


Dapat sinabi ko na eh. Dapat hindi na ko natakot at nagdalawang isip pa. Ano na ngayon Prestine?!


May sampung minuto ang lumipas at lutang pa rin ang utak ko. Natapos na ang ramp ng hindi ko namamalayan. Hindi ko napansin ang oras at ng tignan ko ulit ang pwesto kung nasaan sila Rick at Theo ay nakangising Theo nalang ang naabutan ko.


Where's Rick? Oh my god did he run away from me? Did he told him the truth already?


"Prestine nasa labas si Rick." Tawag sa akin ni Dylan ng pumasok sya sa dressing room.


Ginapang ako lalo ng kaba.


Eto na ba yon?


Mabagal akong naglakad at pumunta hallway. Ilang beses akong bumuga ng hangin. Ilang beses akong nagdasal sa utak ko na sana sa oras na makalapit ako sakanya ay yakap at halik lang ang isalubong nya sakin. Pero tangina imposible yon. Theo told him the truth about that freaking bet. Hindi dapat ako umaasa na yayakapin ako ni Rick, hahalikan at sasabihin na magaling ang ginawa ko. Mababaliw na ko. Natatakot na ko.


"R-rick?"


Mabagal nyang iniangat ang mukha nya at tinignan ako. Hindi ko sya mabasa. Hindi ko makita ang ekpresyon ng mukha nya.


"Congratulations Prestine." Malamig na sambit nya. Mas lalo akong nawalan ng pag asa. Tinignan ko sya deretso sa mata. Walang galit. Walang pagmamahal. There's nothing but a fucking plain face. As if double meaning ang sinabi nya.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now