Chapter 60

443 26 3
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..

"Anong ibig sabihin ni D-dad sa sinabi nya?" Tanong ko ng sa wakas ay nakabalik na sya galing sa study room.

Ilang minuto lang syang nawala pero pakiramdam ko ay ilang oras na akong nag iisip. Wala kasi akong maintindihan. Halos lahat ng nakapaligid sa akin ay weirdo nitong mga nakaraang araw. Parang nasa ibang mundo ako dahil wala akong maintindihang kahit ano.

"Dad?" Nakangisi nyang tanong habang nakataas ang mga kilay.

"He wants me to call him that. Don't tease me." Binuksan nya ang mga braso nya kaya humakbang ako papalapit at niyakap sya.

"Pero gusto mo bang tawagin silang ganon? You're comfortable with that?" Sinilip nya ang mukha ko at hinalikan ang noo ko.

"Comfortable, yeah, hindi ko lang inexpect na ganon. Iniisip ko nga kailangan ko ng lumayas dito sa mansyon dahil ayaw nila sakin eh but I was wrong, and.. yeah, I like calling them that. Namimiss ko na rin ang mga magulang ko."

Humiga sya sa kama kaya kaagad ay natumba ako sa ibabaw nya.

Tahimik lang syang naghahum ng isang pamilyar na kanta at tahimik lang rin akong nakikinig sakanya.

Napakaraming bagay ang tumatakbo sa utak ko. Isa na ron ang relasyon ni Rick sa Mommy nya. She's ill and she don't deserve the treatment she's getting from her son. Kailangan na yon mapalitan. Kailangan ng matapos ang gap sa pagitan nilang dalawa.

"Have you talk to your Mom?"

Natigil sya sa paghahum kaya inangat ko ang ulo ko at tumingin sa mga mata nya.

"Don't you think it's time to change things?"

"Mag usap na kayo ng Mommy mo. Maybe by the moment na maging maayos kayo hindi na gaanong mahirapan ang mommy mo baka mas bumilis ang paggaling nya."

Bumuntong hininga sya at marahan akong pinahiga sa tabi nya. Tumagilid sya at pinang angkla ang palad at braso nya sa ulo nya para maging magkalevel ang mga mukha namin.

"Hindi madali yon Prestine." Huminga ako ng malalim at tumango.

"Of course it's not but don't you think you should give it a try? Rick mas masarap sa pakiramdam kapag wala kang bigat na dinadala, after all he's still your mom."

"I don't know." He simply said.

"Mahal ka nya, she wants to have a relationship with you.. it's just that.. inilalayo mo ang sarili mo sakanya."

Matagal syang natahimik. Nakatitig lang sya sa akin habang nilalaro ang mga labi nya.

"Don't you think it's already too late?" Napangiti ako sa itinanong nya.

"Of course it's not too late Rick."

"Pwede bukas nalang?" Ngiwi nya. Nararamdaman ko ang kaba nya kaya lumapit ako sakanya at ipinulupot ang mga braso ko sa batok nya at hinalikan ang gilid ng labi nya.

"Pwede naman." ngiti ko.

"Eh? Anong sasabihin ko?"

"Anything. Lahat ng hinanakit mo. Lahat ng tinago mo. Lahat ng gusto mong malaman nya. Just don't be too harsh on her. After mong sabihin lahat ng gusto mong sabihin patawarin mo na sya." Tumango sya sa sinabi ko at hinalikan ang buhok ko.

"D'you know that you gave me the light that I needed?" Bulong nya. Natunaw ang puso ko sa narinig mula sakanya.

"Simula ng dumating ka sa mundo ko naging mas maayos na ang lahat para sa akin. You're the best thing that ever happened to me Prestine Winters and I will trade everything that I have just to be with you forever."

Hard To Get KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon