Chapter 26

495 18 0
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Umakyat ako sa floor kung nasaan ang unit ko habang iniisip ang mga sinabi ni Lucas. Seriously? Hindi yon biro? Totoong gusto nya ko? Ganoon sya ka straight forward? Hindi talaga sya nagbibiro?

"Sino yung naghatid sayo? Nasaan ang sasakyan mo?"

Natauhan ako bigla. He's here? Kinakausap nya talaga ako?

"Nandyan kana pala." Simpleng sabi ko. Binuksan ko ang unit ko at tamad na pumasok sa loob ng kwarto. Tumulala ako sa kawalan pero nang mapansin kong nakatingin sya sa akin ay nilingon ko ang pintuan kung saan sya nakasandal.

"Sino yung kasama mo Prestine?" He sternly asked. Inayos ko ang ulo ko sa headboard ng kama at nakipag sukatan ng tingin sakanya.

"Uncle sya ni Anastacia, kaibigan ko rin. Why do you care that much Rick? Eh parang nitong mga nakaraang araw lang parang hindi mo ko nakikita. Dinadaan daanan mo lang ako?" Lumambot ang mga mata nya at dahan dahan na lumapit sa akin. Doon ko lang natitigan ang mga mata nya. Malalim ito at halatang walang tulog. Dahil ba yon sa naging away namin? Tinanggal ko sa utak ko ang posibleng rason.

I need to stop caring. Ayon ang ayaw nya, ang pinapakialamanan sya, kaya dapat ay hindi ako naapektuhan sa kanya.

"Let's make up, please." Bulong nya na nagpatindig sa mga balahibo ko. Para bang sobrang nasaktan sya, para bang ako pa ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan sya.

"Okay." Cold na sagot ko.

"Prestine please stop. Ayoko ng masyado kang cold sakin. Please stop doing this to me." Hinawakan nya ang mga kamay ko at inilagay sa mga pisngi nya. Nakapikit ang mga mata nya at dahil sa sobrang amo ng mukha nya ay nahahatak ako nitong sumuko na sa cold war na inumpisahan nya.

"I didn't start this Rick." Pag iling ko. Kahit gaano pa yata kalaki ang kasalanan nya sa akin ay hindi ko sya kayang tiisin ng sobrang tagal. We are living in the same place for god sake. Hindi naman talaga magtatagal ang mga ganong klaseng bagay.

"I'm sorry. Please." Bulong nya. Inilapit nya ang labi nya sa sulok ng labi ko at marahang idinampi ito dito. Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata ko. Kahit ayokong ginagawa nya sakin to hindi ko pa rin maiwasang hindi maapektuhan sa mga haplos na ginagawa nya. How can you be so irresistable like this Rick? How can you do this to me? You're a freaking torture for me.

Bumuntong hininga ako at tinawid na ang maliit na distansya namin. Inilapat ko ang labi ko sakanya at bahagyang ngumiti. "Sige na. Okay na. But please Rick. Kung ano man ang ginagawa mo para makasakit ng iba itigil mo na. Para sakin itigil mo." Tinitigan nya lang ako sandali. Hindi sya umimik pero ilang sandali lang rin ay bumuntong hininga sya at dahan dahan tumango.

Mabilis ko syang niyakap muli at hinalikan ang magkabilang pisngi nya dahil sa sagot na nakuha ko. "Rick ayoko lang mapasama ka. I hope you understand." Tumango sya ulit sa akin at hinila ako para mas maidantay ako sa katawan nya.

Hard To Get Karmaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن