Chapter 63

358 18 2
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Prestine's POV

Tanging pagmumukmok lang ang ginawa ko sa nakalipas na labingdalawang araw.

Simula ng magising ako sa tabi ni Rick kinaumagahan matapos kong malaman na niloloko nya lang ako ay nag impake na kaagad ako at umalis.

Of course he told me not to go. Pero ng tanungin ko na sya tungkol kay Azie at sa kung ano talaga ang namamagitan sakanila ay hindi nya na ko masagot.

Iyak ako ng iyak. Hindi makakain ng maayos kahit parati akong pinipilit nila Zeth dahil kailangan ko daw. Madalas ay kahit walang gana ay kumakain ako ayon sa gusto nila.

Nagulat rin ako sa biglaang pagbalik ni Mom, Dad at Prell. Magbabakasyon daw sila kaya napauwi sila. They're not usually go out of the country dahil sa mga business ni Dad at sa kondisyon ni Mom. Doon na rin sila naninirahan. Ako nalang ang nandito at madalas ako ang pumupunta sakanila. But right now? Hindi ko alam kung bakit dito pa nila napiling magbakasyon gayong napuntahan na rin naman nila ang lahat ng bakasyunan dito.

"Nasabi sa amin ni Zeth na may fashion show raw na gagawin ang Luxary?"

"Yes Mom. Sa isang araw na po yon."

"You'll invite us there?" Tanong ni Dad. Nakangisi ito at panay ang tingin kay Mom. Si Prell naman ay nakatitig lang sa akin na para bang ineeksamin ako.

"A-anong meron?" Tanong ko ng hindi na makapagpigil. They are all acting weird. Kapag tinanong ko naman kung hindi ngingiti ay sasabihing wala lang. Minsan napapraning tuloy ako. Iniisip na may alam sila na hindi ko alam.

Hindi lang naman sila ang ganito eh. Pati na rin ang mga kaibigan ko. Pero ano ba talagang meron?

"Of course you all are invited Dad." Sagot ko ng walang makuhang sagot sa kawirduhan nila. Humalik ako sa pisngi nya at kay Mom, ganon rin kay Prell na nag iwas na ng tingin sa akin.

Kung meron man silang nililihim ay malalaman ko rin kung ano yon.

.

.

.

Pumunta ako sa kwarto ko at humiga kaagad sa kama. Chineck ko ang phone ko at tinignan kung may mga tawag o text ba mula sa number nya. Pero wala. Ni isa wala.

Sila na ba ni Azie kaya hinayaan nalang talaga nya ko? Am I that big of a burden to him na nagawa nyang ilihim ito at lokohin ako? Ayaw nya kong masaktan pero nasasaktan na ko sa ginagawa nya eh. Nahihirapan na ko dahil natitiis nya ko at dahil mukhang wala syang balak na suyuin at balikan ako

Nagulat ako ng biglang magring ang phone ko. Naibagsak ko ito sa mukha ko at ng kunin ito para tignan kung sino ang tumatawag ay nadisappoint lang ako.

"Kumain ka na ba?" Bungad sa akin ni Dylan.

"Tumawag ka para tanungin ako nyan Dylan?"

"Well, hindi naman. Tanungin rin sana kita kung anong ginagawa mo? Magbeauty rest ka. Isa ka sa mga rarampa kasama ang pang finale. Teka? Sino yung pang finale natin ulit. I met her but I didn't have a chance to ask her name."

"Si Grae. Graezel West."

"She's pretty." May iba akong nahimigan sa boses ni Dylan kaya kahit nawawalan na ako ng gana sa buhay ko ay nabuhayan ako kahit papaano.

"You like her?" Pang-aasar ko. Dylan is a bisexual. He's mostly attracted to males than females but Grae is a transgender. Pero hindi nya alam yon kaya siguro nahihimigan ko ang pagkagusto nya rito.

Hard To Get KarmaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu