Chapter 50

480 32 2
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..


Prestine's POV


May isang linggo na rin ang lumipas matapos kaming lumipat sa bahay ng mga Montero. Ibang iba si Rick kumpara noon. Mas naging sweet sya, mas naging caring, mas naging protective. Hindi lang sa akin pati na rin sa kapatid nyang si Thine ay ganon na rin sya.


Somehow, iniisip kong maganda na rin na nangyari ang nangyari sa akin. Naging open sya sa nararamdaman nya at hindi na rin sya masyadong nagtatago pa.


Natatakot lang ako kung minsan na baka phase lang to sa buhay nya. Na baka sa oras na makita nyang okay na ko, na hindi na ko nagsusuffer sa depression o ano ay baka iwan nya rin ako. Baka kaya lang sya nananatili sa tabi ko ay dahil nakakaawa ako.


"Hindi ka pa ba babangon babe?" Tanong nya habang hinahalikan ang leeg ko. Tinapik ko ng mahina ang pisngi nya at pinaharap naman nya ako sakanya.


"You need to shower first baby, kapag ako ang nauna ay matagal kitang hahantayin. Ayokong pag ayusin mo ulit ako ng buhok mo." Pout pa nya. Hinila ko ang balikat nya at hinalikan sya sa pisngi. He smiled at me and kiss my forehead in the sweetest gesture he can do.


"I'm not going. Gusto ko sanang samahan si Thine sa OB nya." Sumimangot sya at umiling iling.


"Please?" Pilit ko pa. Bumuntong hininga sya at bumalik ulit sa pagkakahiga sa tabi ko.


"Then I'm going with you two."


"May importante kang meeting remember?" Taas kilay kong tanong ng humarap ako sakanya. Tumango sya at inayos ang buhok kong nakakalat sa mukha ko.


"But I want you there Prestine Winters. Please?" Umirap ako sa hangin at uupo na sana pero hinila nya ko pabalik sa tabi nya.


"Ano bang oras ang meeting mo?"


"Twelve. Lunch meeting yon sa hotel ng isang investor." Tumango ako at pumayag na. Wala naman akong choice dahil gusto ko rin naman na palagi syang kasama. It's like I can't breath without him near at sa tingin ko ganoon rin ang nararamdaman nya kapag malayo ako.


"Pero samahan muna natin si Thine, okay? Seven palang naman at Eight ang appointment nya tapos after non deretso na tayo sa meeting mo." Mabagal syang tumango at umupo, hinila nya ko kasama nya na nagpatawa sa akin.


"Ang creepy mo." Ngisi ko. Tinitigan nya ko at biglang nagseryoso.


"How so?"


Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan nya naman ang kamay kong nakahawak dito. Nadidistract ako sa mga titig nya pero minsan mas gusto ko ng madistract para hindi ako mapaiyak.


"You're different now. Siguro kung hindi nangyari yung alam mo na bak—"


"Prestine." Bumuntong hininga sya at inihiga ulit ako sa kama. Pumaibabaw sya sa akin at hinalikan ang ilong ko. I can't help myself not to cry. He's so sweet, and for me, sya na ang pinaka perpektong lalaking nakilala ko sa kabila ng lahat ng mga nangyari.


"Don't think of it. Siguro kung hindi yon nangyari sayo, which I hope it really didn't happened. Siguro kailangan ko lang talaga ng space at babalik rin ako sayo, I don't know, pakiramdam ko kulang ako, dala na rin siguro to ng nakaraan ko kaya galit na galit ako at hindi kita mapatawad but you know what, babe?" Inilapat nya ng mabilis ang labi nya sa akin at tumingin ulit sa mga mata ko.


"What?" I curiously asked.


"Kung hindi nangyari yon? Tapos nakahanap ka talaga ng iba na makapagpapasaya sayo higit pa sa ginagawa ko? Maybe I lose it and for sure I will steal you and I make everything for you to come back to me, to want me and to stay with me." Tumulo ang luha sa gilid ng mukha ko dahil sa narinig sakanya. I like the idea of it.


"Hindi ko kayang mawala ka sakin tapos maging masaya ka sa iba Prestine. Walang taong nagmamahal ng sobra ang gustong makitang masaya sa iba ang taong mahal na mahal nila."


"I'm not a burden to you, right?" Tanong ko sa kabila ng mga nasabi nya na. Kumunot ang noo nya at idinikit ulit ang labi nya sa akin. He deepened the kiss and bit my lower lip to open my mouth.


"Did I make you feel like that?" Tanong nya sa gitna ng paghahalikan namin. I feel it sometimes, pero sa mga panahon na yon nagtatanong rin ako sa sarili ko kung nararamdaman ko bang pinaparamdam sa akin yon o sadyang pinaparamdam ko lang yon sa sarili ko kahit wala naman talagang dapat maramdaman na ganon.


"I want you now, is it okay?" Tanong nya sa nag aalalang tono. Suminghap ako at nakita ko ang takot sa mga mata nya. Aalis sana sya sa pwesto nya pero mabilis ko syang hinila at hinalikan ulit.


"I-It's okay." Nagdadalawang isip kong sabi.


"Prestine it's okay kung ayaw mo. I'll understand. I shouldn't ask you that in the first place. Nadala lang ako."


"No. I need you. I want you to claim me again. Ayoko ng maisip sila kaya gusto kong mapalitan yon ng magandang alaala. Please babe?" Kinagat nya ang ibabang labi nya at hinalikan ang noo ko.


"Mahal na mahal na mahal kita." Bulong nya habang hinahalikan ang leeg ko.


"I love you so much more Rick Kaizer Montero."


To be continued..

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now