Chapter 59

426 21 4
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

A/N: D'you find it lame? Pasensya na po ah. Bihira po kasi talaga ko makapagtype ngayon kaya parang ang tagal tagal matapos tapos ang ikli pa tapos parang nalalamyaan ako (di ko nanaman nameet yung quota kong number ng chapters) Anyways! gets nyo ba kung anong ibig sabihin ni Walter Montero? Kung, oo, then good! Hahaha. Thank you ulit! This will soon be end. Kaso depende talaga yon sa takbo ng eksena sa utak ko at dami ng free time ko. Sorry for all the typos and grammar errors. I'm not perf anyways. Godbless. Enjoy!

Continuation..

Hindi kami nakapag usap kinabukasan. Nagising ako na wala na sya sa tabi ko at may nakadikit ng post-it note sa lampshade.

*I didn't wake you up yet 'coz you're sore and tired. Pls eat the breakfast I prepared before you go to your working place. Sorry I need to leave early 'coz I have an important meeting in the company. I love you.*

Kahit dismayado ay nakangiti akong bumangon at nagbihis. There's no need to worry. Busy sya sa trabaho at trabaho lang magkikita rin naman kami pagkauwi nya.

Maybe I'll make him wear the coat. Tatapusin ko yon kaagad at titignan kung babagay ba sakanya. Maybe if it did fit him and if he looks gorgeous on it then maybe I'll do a replica of it and make him wear one. Gagawan ko yon ng signature na magpapatunay na sakanya yon.

.

.

*Good morning babe. Masarap ang breakfast na hinanda mo. Take care. I love you more.*

Bumuntong hininga ako at tumungo sa working place ko. Ginawa ko ang coat at tie ng mahigit pitong oras. Aalis lang ako ng working place kapag kakain o hindi kaya ay maliligo. Hindi ako nakakaramdam ng pagod kahit na magdamag akong nagdedesign at nagtatahi.

Nag unat-unat ako at kumuha ulit ng tela para sa paggawa ng hanky, slacks at longsleeve. Lulubos lubosin ko na ang paggawa. Siguro ay kung marunong ako gumawa ng sapatos ay gumawa na rin ako just to be occupied. Wala pa naman rin si Rick at wala rin naman akong gagawin sa labas ng kwartong ito.

I miss my condo. But that place is too crowded now dahil na rin doon nakalagay ang mga gowns at tux na gagamitin sa fashion show. Gusto kong pumunta roon at magstay pero mas gusto ko naman kung nasaan ako ngayon. Kuntento na ko kung nasaan man ako basta kasama ko si Rick.

"Ate Prestine." Katok ni Thine. Mabilis akong tumayo at tumungo doon. Binuksan ko ang pintuan at nakita syang medyo namumugto ang mata at nakahawak sa umbok sa tyan nya.

"Thine."

"Mom and Dad is here. Gusto ka nilang makilala. We'll eat dinner." Ngiti nya sa kabila ng pagkabalisa. Humugot ako ng malalim na hininga at tinignan ang itsura ko.

Mukha naman akong presentable pero kinakabahan ako.

"Don't worry. Mabait sila." Marahan akong tumango sa sinabi nya at isinarado ang pintuang nasa likuran ko.

Dahan-dahan akong humakbang at bumaba ng hagdanan habang inaalalayan si Thine. This is unexpected. Hindi ko alam na uuwi sila ngayon. Wala pa naman si Rick ngayon.

What if they don't like me? What if paalisin nila ko sa bahay nila at palayuin kay Rick?

God Prestine! Don't over think.

Ng makarating kami sa huling baitang ay napabuntong hininga ako.

I already met them at the party. They're nice Prestine. Calm down.

Kaya ng makarating kami ni Prestine sa dining table ay nakita ko si Mr Walter at Mrs Dianna. Sinusubuan ni Mr Walter ang asawa na napansin kong nakaupo sa wheelchair.

Napahinto ako sa paglalakad kaya agad ay napansin nila ang presensya ko. Hinila ni Thine ang kamay ko at mas pinalapit sakanila.

"G-good evening Mr and Mrs Montero." Panimula ko. Iminuwrstra ni Mr Walter ang kamay nya sa bakanteng upuan na kaagad inupuan ko naman dahil sa kabang nararamdaman.

"Good evening too. You're too formal. Wala naman tayo sa meeting." Halakhak nya. Tumingin ako may Mrs Dianna at napansin ang ngiti nya.

"Just call us Dad and Mom." Dagdag nya na dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Mom? Dad?

"Wag kang mahiya." Medyo mahinang sabi ni Mrs Dianne.

"Ipinagpaalam ni Rick ang pananatili nyo rito sa bahay. Masaya akong parati na syang nandito and for sure that's all because you're here. Masaya rin akong nagtake over sya sa kompanya. You're the reason behind his changes." Tumango ako ng marahan at ngumiti sakanila.

"We'll stay for days here pero aalis rin kami para sa medication ng Mommy nila."

"Take care of our son while we're away Prestine. Thank you for being there for him." Ngiti ni Mom.

"Opo M-mom." Tumawa ang ama nila Thine at Rick at napailing. Hinampas ito ni Mom ng mahina sa braso dahilan para tumigil ito at tumingin sakanya ng may ngiti sa labi. He looks exactly like Rick. Nakakatuwa syang tignan habang tinitignan ang asawa nya.

I'm wondering.

Kapag ba kami ang nagkatuluyan ni Rick ay ganyan kami pagkatapos ng ilang taon? Ialis na natin ang paglolokong ikinagalit ni Rick sa ina nya. Will we be able to have a life like that?

"I can't wait for the right time Prestine." Sambit nya kasabay ng isang boses na umalingawngaw sa likod ko.

Napalingon ako sakanya at nakitang nakakunot ang noo nyang nakatingin sa ama. Lumapit sya sa amin at tumayo sa likuran ko. Hinalikan nya ang ulo ko pero dahil nako-concious ako ay hindi ako makalingon sakanya at panay lang ang tingin ko sa mga magulang nya.

"Dad can you please stop torturing Prestine. Kinakabahan sya sa mga sinasabi mo." Umupo sya sa tabi ko at naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Kumain ka ba kanina?" Malumanay nyang tanong. Tumingin ako sakanya at mabilis na tumango. Iniyuko ko ang ulo ko dahil sa hiya. He's into this PDA again. Now infront of his parents.

"Anyways. Aakyat na kami ng mommy nyo. Rick Kaizer umakyat ka sa study. We have something to talk about."

"Yes Dad." Sagot ni Rick habang nakatitig sa ama na para bang may sinasabi na hindi ko maintindihan kung ano.

"Pagkatapos magpagamot ng mom mo babalik kami, hopefully when that day comes ay imbitado kami." Tumayo si Mr--este Dad pala at itinulak na palayo sa dining ang wheelchair ng asawa. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Rick kaya nilingon ko ito.

"Damn it. Dad naman." He hissed.

Anong ibig sabihin ng Dad nya sa mga sinasabi nya? Bakit ganito nalang kung magreact si Rick?

I'm confused.

--

To be continued..

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now