Chapter 45

425 33 7
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


A/N: totorturin ko si RK. Hahahaha. Medyo sakto naman yung scene di ba? Hahahaha. Sinunod ko yung gusto nung iba. Pinalala ko lang. Nyways ignore the typos and grammar errors.


Play the song:


I'm yours - The Script

Everything is you - Eli Young Band


Continuation..


This fucking house is a mess. Mula sa kwarto ko hanggang sa labas nito magulo. Pero kahit anong gulo yata nito ay walang papantay sa gulo ng isip ko.


Nang lumabas ako ng kwarto ko ay hindi ko na sya naabutan. Ano bang dapat kong asahan? Na mananatili sya ng ilan pang oras at hihintayin na magbago ang isip ko sa kabila ng mga nasabi at nagawa ko? Binaboy ko sya, sinaktan at kung ano ano pa. Dapat ba kong mag expect na babalik pa sya?


Eto ang gusto kong mangyari. Gusto kong tigilan nya na ko. Gusto kong mawala na sya sa landas ko pero ngayon na posible ng maging totoo ang gusto kong mangyari ay parang mamamatay naman ako. Ganon pala yon. Ang sakit pala. Sobrang sakit pala.


Makailang beses ng nagriring ang cellphone ko pero hinahayaan ko lang ang mga ito at nilulunod ang sarili ko sa alak. Mawawala rin ang sakit na to. Hihinto rin to. Lilipas rin.


Pang ilang baso ko na ito ng alak pero naaalala ko pa rin ang mga kagaguhan ginawa? Hindi lang sa kanya pati na rin sa buong buhay ko. Putangina kasi. Siguro nga kinakarma na ko. Siguro nga tama lang sakin to. Siguro nga napakasama kong tao.


Tumayo ako mula sa couch at naglakad palapit sa kung saan nanggagaling ang tunog ng cellphone.


Should I say sorry to her?


But how? Why?


Ginawa ko lang naman ang nararapat, hindi ba? Kailangan kong isalba ang sarili ko sa sakit na ibinigay nya at pwede nya pang ibigay kaya ginawa ko yon.


She deserves that anyways. Hindi dapat ako maguilty.


Dinampot ko ang cellphone ko mula sa sahig at umupo sa sahig. Wala na kong lakas, gulong gulo na ko. Ang tanga tanga ko.


20 misscalls..


100 messages..


8 voicemails..


Binuksan ko ang voicemails at inilagay ito sa speaker bago inilagay ulit sa lapag. Nakayuko akong hinintay magsalita ang kung sino mang mga tumawag.


Pero hikbi palang ang naririnig ko ay parang sinasaksak na kaagad ako.


Hard To Get KarmaKde žijí příběhy. Začni objevovat