Chapter 46

438 30 5
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


A/N: sorry maikli. Ayoko kasing icombine yung pov ni Prestine na abt sa Flashback..


Continuation..


"Rick mahal na mahal kita. Tatandaan mo yon ah.. Ayokong sukuan ka pero tao lang rin ako. Rick I can only take so much, but what you did? Rick it's too much. Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang pride ko."


"Sorry. Sorry Rick but this time ayoko na. Susuko na ko. Ayoko na. Kahit mahal na mahal kita ayoko na."


Napapasabunok nalang ako ng mahigpit sa buhok ko habang pinakikinggan ko ulit ang mga voicemails nya. Hindi ko alam. Wala akong nagawa para iligtas sya. Ang tanga tanga ko para saktan sya ng ganon para lang masaktan pa sya ng sobra pa ng hindi naman dahil sa kagagawan ko.


"Nahuli na ba yung mga gumawa non sakanya?" Mahinang tanong ni Thine kay Lucas. Umiling ito at huminga ng malalim dahil na rin siguro sa puyat. Nasa ICU na si Prestine ngayon pero hanggang ngayon ay wala pa ring pwedeng pumasok sa loob ng kwarto. Walang kamag anak sa kahit sino sa amin kaya lahat kami ay nandito lang sa labas.


"Hindi ko alam. Pinahahalughog ko na ang buong lugar. Tangina kung dalawa lang ang katawan ko nagawa kong harangin yung mga gago na yon kasabay ng pag hatid ko kay Prestine dito."


May benda ang ulo ni Lucas, putok ang labi at may black eye rin. Narinig kong pinag uusapan nila Zeth ang pagpa citiscan ni Lucas dahil sa dami ng natamong bugbog sa katawan. Baka daw magkaroon sya ng internal bleed dahil sa pagkauntog sa pader ng bumugbog sakanya.


Tahimik lang ako sa gilid. Nakamasid, nakikinig, walang pumapansin sakin dahil na rin siguro sa pagod na silang intindihin ang presensya ko, laking pasasalamat ko na nagsawa sila sa kakapaalis sakin dito.


May lalaking tumakbo papunta sa kinauupuan ng malalapit na kaibigan ni Prestine, niyakap naman ito ni Wendy.


"Where's Prestine?" Tanong nito sa nag aalalang tono.


"She's inside. Unconcious pa rin pero okay na sya." Sagot nito.


"Thank god. Nag aalala si Dad. Hindi lang sya makaalis dahil walang magbabantay kay Mommy sa hospital. Mahina na rin sya para bumyahe."


"Alam ba ni Tita na nangyari to kay Prestine Prell?" Tanong ni Zeth. Umiling ang lalaking kapatid pala ni Prestine at tumayo sa bintana ng kwarto.


"She don't need to know. Mahina na ang Mommy baka atakihin yon lalo kapag nalaman nya." Tumango sila at tinanong ng kapatid nya kung pupwede daw bang pumasok. Tumango sila at bumalik sa pagtitig sa kung saan saan ng wala na ang kausap.


"Kapag nalaman ng Kuya ni Prestine na ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito Rick magdasal kana. You don't know what he can do." Tinitigan ko lang si Zeth at hinayaan sya. Kung tutuusin ay wala akong pakielam sa kayang gawin ng kapatid ni Prestine sa akin. I deserved to die because I'm an idiot. I deserved every bullet because I'm a fucked up jerk.

Hard To Get KarmaOn viuen les histories. Descobreix ara