Chapter 9

424 13 2
                                    

Hard To Get Karma
© Dropdownbymygravity

A/N: SORRY FOR THE XGRAMMARS, TYPOS and EVERYTHING WRONG YOU MAY NOTICE. I'M NOT PERF!

Continuation..

RK's POV

Damn it!

Why is she fucking reacting that way? Ughh! Hindi ba sya masayang makita ako? Galit ba sya sa akin? Pero bakit? May ginawa ba kong masama? Stress ba sya dahil sa mga ginagawa nya? Nakakabwisit.

Huminga ako ng malalim at hinilot ang sentido ko.

Uuwi nalang muna ako sa mansyon kaysa pumunta ako sa bar at uminom nanaman.

Ciara is a bitch, clingy, needy, possessive at kung ano ano pa! Hindi por que may nangyari na samin ay makokontrol nya na ko. Who did she think she is? Isa lang sya sa mga prospect ni Dad para maging asawa ko but she's not my type, Dad will understand pag sinabi ko sakanyang ayaw ko kay Ciara. Hahanap sya ng bago at pag sinubukan ko iyon ay pwede pa rin naman ako tumanggi kung gustuhin ko.

Besides nandoon lang naman sya ng malasing ako kaya wala akong choice kung hindi patusin sya. Not as if gugustuhin ko syang makasama ng paulit ulit sa kama.

But Ciara is not just my problem here.

Problema ko rin si Justin, ang mga magulang ko, ang kapatid ko, ang mga akala kong barkada ko lalong lalo na si Prestine.

She's so cold. Nagsawa na ba sya sa akin kaagad? Hindi ba ay wala pa naman nangyayari sa amin? Hindi ba sya masayang masyado akong gentle pagdating sakanya? Ayon ba ang dahilan kung bakit ayaw na nya kong makita? Shit! Why do I even considering her as my problem? Sino ba sya sa buhay ko? Kailan lang naman sya dumating ah.

Huminga ako ng malalim kahit alam ko na hindi non maiibsan ang inis na nararamdaman ko.

Ipinarada ko ang kotse ko sa labas ng mansyon at pumasok ng derederetso.

Nakita ko ang Dad sa garden na nagsisigarilyo at umiinom nanaman. Dadaluhan ko sana sya pero naisip kong wag nalang at dederetso nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga na.

Ng makapasok ako sa loob ng bahay ay narinig ko ang Mom. Nagiging hysterical nanaman ito dahil sa bastardo nyang anak. Siguro kaya umiinom si Dad ay dahil nanaman sakanya.

Mula sa kitchen ang sigawan na ikinakunot ng noo ko. Malakas ito at abot sa banda ko na masyadong malayo mula sa kusina. Hindi ko na sana iintindihin at ipagpapatuloy ang pakikinig ko sa usapan pero ng marinig ko ang inis na boses ni Thine ay naantala ang dapat pag akyat ko sa mahabang hagdanan.

"Mom ayaw nga magparamdam eh. Nagtext sya busy sya. Hayaan mo na si Kuya Justin, Mom may pinagdadaanan yung tao!" Inis na sigaw ni Thine.

Kuya? Wow.

"Naman Thine eh, kay Donna nagpakita sya at nakipag usap bakit sa akin hindi?!"

"Eh kasi nga mas mahal nya yon. Ayon ang kinilala nya hindi ikaw. Mom intindihin mo nga kung bakit masama ang loob sayo ni Kuya. Nakakainis naman eh."

Pumasok ako ng kusina na nagpatahimik sa dalawa. Gusto kong kumalma kaya kumuha ako ng tubig mula sa fridge. Pero ng uminom ako ay parang mas nag init ang ulo ko imbes na lumamig.

"Kaylan ka pa nagkaroon ng ibang Kuya bukod sa akin Thine?" Tanong ko ng humarap ako sakanila. Nanggigigil na ako pero kinokontrol ko pa rin ang sarili ko.

"Una sa lahat ako lang ang kapatid mo. Pangalawa hindi ka dapat nakikipag usap sa kahit anong paraan sa bastardo. Pangatlo hindi mo obligasyon ang hanapin ang anak ng nanay mo sa ibang lalaki nya para sa ikasasaya nya." Stern na sabi ko.

"Rick Kaizer!" Namumula ang mukha ni Mom.

"Bakit? Galit ka? Nagagalit ka dahil tinawag kong bastardo ang anak mo sa labas? Nagagalit ka dahil nasasaktan ko gamit ang salita ko ang anak mong hindi parte ng pamilyang to? Galit ka? May karapatan kang magalit! Hindi ba totoo ang mga sinasabi ko?"

"K-kuya!?"

Binalibag ko ang vase na nakita ko na malapit sa sink.

"Damn it! Justin dito, Justin doon, putangina puro Justin nalang. Justin, Justin. Justin! Tangina sawang sawa na ko. Buong buhay ko nalang ba sya ang makikita mo? Buong buhay ko nalang ba sya nalang parati ang maririnig ko mula sayo? Sainyo? Na namimiss ko na si Justin, kamusta na ang anak ko? Mahal na mahal ko ang anak ko. Tangina Mom hindi lang dalawa ang anak mo! Nandito rin ako! Pero bata pa lang ako wala na eh. Tangina invisible ako!?" Tanging mga pagkakabasag nalang ng mga plato, baso at kung ano ano pang babasagin nalang ang naririnig ko, nagdidilim na ang paningin ko at bumibilis na rin ang paghinga ko dahil sa galit.

"Hindi lang sya ang anak mo! Anak mo rin ako pero ni minsan ba naramdaman ko na mahal mo ko!? Pinaramdam mo ba? Ni minsan hindi mo hinanap ang pangalan ko! Puro sya nalang! Kahit nga nasa harapan mo ko wala lang eh! Ni minsan di mo pinakitang may pakialam ka sakin! Sya nalang ang iniintindi mo! Buong buhay ko nakikipagkompetensya ako sa taong dahilan ng pagkasira pamilyang to!" Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.

"RK enough!" Lumingon ako at nakita si Dad na may galit na matang nakatingin sa akin. I feel his anger yet I still feel his sympathy on me.

"In my office. Now." Utos pa nya.

Lumingon ako ng isang beses pa kay Mom at nakita ang may luha nyang mga mata.

Ngayon umiiyak sya?

"You turn me into someone I should not be like." Mariing sinabi ko sakanya bago naglakad ng mabilis papunta sa office ni Dad na nasa second floor ng mansyon. Umupo ako sa isa sa magkaharap na silya at hinayaang lumabas ang mga luha ko. Nakarinig ako ng pagbukas sara ng pinto at ng inangat ko ang mukha ko, nakita ko ang mukha ni Dad na nakatingin sa akin.

"Rick." Buntong hininga nya. Pinunasan ko na ang mga luha ko at sinubukang kumalma.

"Hindi mo dapat ginawa yon. You shouldn't break like that in front of them. Especially in front of your Mom." Umupo sya sa silyang nasa tapat ko at inilagay ang kamay nya sa balikat ko.

"You should not let your anger control you son. Alam kong marami akong pagkukulang bilang ama mo. Ganoon rin si Diana. Pero mali ang bastusin sya ng ganoon sa harapan ng lahat." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong magsalita. Why he even defending her unfaithful wife?! I don't understand.

"Marami kaming pagkukulang sayo. Hindi ka namin nabigyan ng atensyon, ng sapat na pag aaruga at pagmamahal noong bata ka. Alam ko kung anong pinanggagalingan ng mga nagawa mo kani kanina lang. Pasensya na anak." Ng inangat ko ang tingin sakanya ay nakita ko ang basa nyang mga pisngi dala ng pag iyak.

"Ng malaman ko ang ginawa ng Mom mo sa akin nabaliw ako. Hindi ko ginustong maging kagaya ng mga nakita mo noong bata ka. Galit ang bumulag sa akin noon."

"Masakit yong maloko anak. Sobra. Hanggang ngayon masakit pa rin. Hanggang ngayon hindi ko alam kung saan ba ko nagkulang. Hanggang ngayon iniisip ko kung bakit hindi tayo naging sapat sa Mom mo. Bakit kailangan nyang magloko. But as the years passed by inisip ko na sana hindi nalang ako nagalit ng ganoon. Sana tinanggap ko nalang. Sana kahit papaano ay binawasan ko nalang yung mga taon na galit ako. Sana sayo ko nalang itinoon yung pansin ko para kahit papaano hindi ka naging ganyan ngayon."

"Bakit hindi mo pa sya iniiwan? Hayaan mo si Mom makasama ang gusto nyang makasama. Hindi nya naman tayo mahal."

"Mahal ko ang Mom mo. Hindi ko kayang wala sya sa akin. Oo't napagbubuhatan ko sya ng kamay noon dahil sa galit pero dala lang yon ng sakit dahil sa mga nagawa nyang kasalanan.. pero kahit ganon mahal ko ang Mom mo. Sobra. Hindi mo pa nararanasan ang magmahal at maloko kaya't hindi mo pa ko maiintindihan.. For now. You need to be brave for yourself, you need to be brave to just shrugged everything off, kung hindi mo kayang hindi magalit, wag ka nalang kumibo, mag walk out ka nalang. Sometimes being quiet is what's the best." Tinapik nya ang balikat ko at tumayo sa kinauupuan. Sinundan ko lang sya ng tingin habang mabagal syang naglalakad papunta sa pintuan palabas nitong sarili nyang opisina.

"I love you son. Hindi ko man ipakita madalas pero mahal kita."

"I love you too Dad."

Ng makabawi ako ng lakas mula sa mga narinig kay Dad ay lumabas na rin ako ng naturang kwarto. Babalik nalang ako sa condo ko at susubukan tanggalin sa utak ko itong mga nangyari. Dad still with me that's for sure. Para mang pinagkakaisahan ako ng lahat ng tao sa mundo ay nandyan pa rin sya para sa akin. He's the only reason why I keep being strong for this family. Just Dad.

--
To be continued..

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now