Chapter 58.1

476 22 1
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

A/N: two new stories here. Iintroduced ko kayo sa mga soon stories at new characters ko. Hulaan nyo kung sino! bwahahaha! Matagal pa yon for sure pero icacameo ko na sila dito para mas may idea na kayo once na gawin ko na sila. Pinapalight ko lang rin ang mga scene kaya medyo sinegway ko sila. :)

Continuation..


Dylan, Zeth and Wendy want to unwind from all the stress. Gusto nilang pumunta kami sa isang bar at uminom.

Hindi ko alam kung papayagan ako ni Rick dahil simula pa kanina ay hindi sya macontact at nagtetext. It's already 10pm pero wala pa rin syang paramdam. I tried not to overthink but damn, hindi ko mapigilan. Gusto kong humindi sa plano nila pero kapag wala pa si Rick sa bahay at maiwan akong mag isa doon ay mabagot lang ako at kung ano ano ang isipin.

"Just text him where we're going para alam nya kung saan pupunta in case." Bulong sa akin ni Dylan. Kanina pa kasi naghahalukipkip si Zeth at hinihintay ang isasagot ko. Hindi ako pwedeng hindi sumama kaya kanina pa sila naiinip.

"Sige na nga. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanila.

"Holy Bar. Ininvite ko si Terry at Mon. Alam rin ni Lucas na pupunta tayo doon kaya sinamahan nya na yung dalawa, so tingin ko kailangan na natin umalis?"

"Nandoon na raw si Terry, Mon at Lucas naghihintay." Salita ni Zeth habang hawak ang cellphone nya.

Kahit nag aalangan sa pupuntahan namin ay tumango ako at sumunod sakanila sa paglalakad. Nagtatype ako ng message para kay Rick na sana ay mabasa nya kaagad.

*Nagyaya sila Zeth na magbar. Kasama rin namin si Wendy, Dylan, Mon, Terry at Lucas. Sa holybar kami. Punta ka nalang doon. I love you RK.*

Inilagay ko sa purse ang phone ko at sumakay na sa kotse ni Zeth. I didn't bring my car with me dahil hinatid ako ni Rick sa Luxary kanina.

"Wala pa rin paramdam si Rick?" Seryosong tanong ni Zeth.

Until now ay wala pa rin syang tiwala kay Rick, kahit hindi nya sabihin sa akin ay nararamdaman ko ang disgusto nya dito. Ang cold nya sakin at parati nalang seryoso kapag magkakasama kami. I miss my bestfriend. I miss our bonding time. Sana nga lang ay matanggap nya na si Rick para sa akin at mawala na ang pagdududa nya. Her opinion matters to me, she's my bestfriend since we were kidd and I can't stand her being like that to the man I love.

"Zeth?"

"Hmm?" Tanong nya ng hindi man lang ako nililingon.

"When will you going to forgive him?"

Natahimik sya sandali. "Siguro ay kapag natupad nya na ang pangako nya sa akin para sayo." Seryoso pa rin nyang sabi. Pangako?

"He made a promise to you?"

"Yeah. And you can't know what that promise is about until it happen." Imbes na magtanong pa ay nanahimik nalang ako. She'll not going to answer me. Ganoon si Zeth at kapag gusto nya ay ayon ang masusunod.

"Magugustuhan mo ba sya para sa akin kahit marami ng nangyari?"

"Yeah, pero hangga't hindi nya nafufullfill ang promise nya hindi ako matutuwang nababaliw ka sakanya." Tumango ako sakanya at hindi na umimik ulit hanggang makarating kami sa holy bar.

Wala pa ring nagbago sa holy bar. Sikat pa rin ito at maganda kahit pa ilang taon na ang lumipas simula ng itayo ito. Parati kaming nandito kahit noong college palang kami and until now it's still have the great aura.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now