Chapter 61.2

451 16 6
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..

Hindi ko alam kung masokista ba ko.

Sinundan ko sila. May ilang minuto pagkatapos nilang sumakay sa private elevator ay bumaba ako gamit ang hagdanan. I feel drain. Pakiramdam ko paulit ulit akong sinasaksak pero hindi ako mamataymatay. Ganon kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

I never knew this will going to happened. Akala ko totoo na. Buong akala ko totoo sya kapag sinasabi nyang mahal nya ako but shit! I'm fucking wrong. He's a fucking liar.

But he made me feel loved and special? He made me feel that he's mine completely. Na sa akin lang sya at hindi sa iba.

Binilog-bilog nya lang ako.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi at inistart ang sasakyan. Nanginginig ang kalamnan ko iniisip ko pa lang ang maari nilang gawin sa loob ng bahay na yon.

Doon nya ko dinala eh. Sa bahay na yon ako unang tuluyang sakanya pero bakit?

Huminga ako ng malalim at minaniobra ang sasakyan. I can't find their car anywhere. Ganoon ba sila kasabik sa isa't isa at hindi na sila makapagpigil pa?

Hindi ko na rin tuloy alam kung may lakas ba ko na harapin sila. I already had enough and I guess I will never go beyond things that will surely make me go in a mental ward. But damn it! Si Rick yon. Si Rick yon pero ginago nya lang ako.

.

.

.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa labas ng bahay nya. I saw his and an another car parked there.

Yumuko ako habang pinupunasan ang luha ko ng makitang lumabas ulit si Rick sa kanyang bahay. Walang pang itaas na damit at nakaboard shorts nalang. Pumunta sya sa isang sasakyan at may kinuha doon na isang bag na pambabae.

Okay. Prestine it's time.

It's time to drive away.


RK's POV

"Sa tingin mo? Malapit na ba tayong matapos?" Tanong ko kay Azie ng makabalik ako sa loob ng bahay. Iniabot ko sakanya ang bag nya kung nasaan nakalagay ang iba pang clear books. Tumango sya bilang sagot sa tanong ko habang nakalagay sa bibig nya ang isang ballpen at nakalagay naman sa tenga nya ang lapis.

"Well, everything is set actually. Naibigay mo naman na lahat ng invites, yung catering service set na rin, yung reservation for the church at yung tungkol sa proposal mo sa fashion show, okay na rin. Ang kailangan nalang is yung susuotin nyo which I think is okay na rin naman at kung mapapa-oo mo sya sa proposal."

"Of course she'll say yes."

"Conceited." Ngisi nya. Umiling ako at isinuot ang tshirt ko.

"Kukunin ko si Karter as ring bearer, pwede naman siguro?" Tumango sya at ngumiti.

"Kailangan ko lang syang turuan na wag kang tawaging Daddy. That will be awkward."

"You can let him call me whatever he wants." Napatunganga sya sa sinabi ko na ikinakibit balikat ko.

"No way. Baka akalain nila ikaw ang totoong Daddy nya. I can't let him. Baka magalit pa ang bride to be mo."

Ngumiti ako sakanya at tumingala.

"Your son needs a father figure. Hindi nya ko parating makikita pero pwede nya pa rin akong ituring na Daddy nya hanggang wala ka pang maipapakilala sakanya bilang Daddy. Mahirap ang walang kinikilalang ama Azie. Lalaki yan. Hindi nya maiintindihan ang mga bagay bagay kung walang gagabay sakanya but time will come magagawa nya rin intindihin. You just need to wait for someone na hindi lang ikaw ang mamahalin pati na rin ang anak mo."

Hard To Get KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon