Chapter 18

427 17 0
                                    

Hard To Get Karma
© Dropdownbymygravity

PLAY THE SONG: WANTED by HUNTER HAYES

Continuation..

RK's POV

Hindi ko mawari kung nababaliw na ba ko o normal lang ang nararamdaman ko at nangyayari sa akin.

Fucking touching myself while thinking of her is not my usual thing. Nakakasira ng ulo. Umiiwas ako sakanya pero iniisip ko pa rin naman sya. Anong kalokohan yon?

Idinilat ko ang mga mata ko. Habol hininga akong tumayo ng maayos sa bumabagsak na tubig ng shower at tumingala sa kisame. I badly want to see her but I can't. I actually can but I don't want to go and see her. Kailangan kong panindigan ang pag iwas ko. Kailangan kong panindigan na hindi ako lalapit sakanya.

Matapos ang pagligo ay humiga ako sa kama. Wala na yata akong gagawing iba kung hindi ang pagnasaan sya sa utak ko. Tsk. Maybe I need to open that damn phone and call her. Bumaba ako na pajama lang ang soot at hinanap ang phone ko. Naalala kong dito ko naiwan sa lamesa ang cellphone ko. Nasaan na?

"Wag mo naman akong paasahin. Kung ayaw mo na pala makipagkita sakin, then tell me, hindi yung tataguan mo ko. Hindi naman sasama ang loob ko, maiintindihan naman kita, hindi yung ganitong iiwas ka. Hindi pwedeng makukuha mo ang gusto mo pero hindi mo ibibigay ang gusto ko. Kung nagalit ka dahil ayokong tumira kasama ka sana trinay mong isipin ng paulit ulit ang rason ng pagtanggi ko." Unti unti akong lumingon at nakita ang babaeng iniisip ko lang na tawagan.

"How did you got in?" Kunot noong tanong ko. Nablangko ako at hindi maisip ang gagawin. Nagcross arms sya at binigyan ako ng malamig na titig. "Code. Naalala ko lang. Nagbakasakaling makikita kita dito, now I see you. Sige, aalis na ko. Sinabi ko lang ang gusto kong sabihin." Naglakad sya palapit sa pintuan. Mabilis ko syang hinabol at niyakap mula sa likod. Inalis ko ang kamay nya sa door handle na sinunod nya naman.

"Rick. Aalis na ko."

"No! Stay." Bumuntong hininga sya at pinilit kalasin ang pagkakayakap ko sakanya.

"I can't may pupuntahan pa ako. Ayoko ng ganito. Kapag gusto mo nasusunod? Paano naman ako? May mga bagay akong gustong mangyari pero hindi ko magawa dahil wala lang naman ako sayo. Siguro nga.. siguro nga't pampalipas oras lang natin ang isa't isa. Siguro nga sex lang ang nagkokonekta satin pero.." Binitawan ko sya at pinaharap sakin. Nakita ko ang namumuong luha sa sulok ng mga mata nya na hindi ko naman magawang punasan.

"Ang hirap kasing pinapasok kita sa buhay ko ng ganoon kabilis pero sisipain mo rin ako palabas sa buhay mo ng hindi ko alam kung anong mali ko. Rick unfair. Hindi na nga kita pwedeng mahalin, hindi pa kita pwedeng gustuhin na parating malapit lang sakin?" Walang salita ang gustong kumawala sa bibig ko. Binubuka at sinasara ko lang ito na para bang kahit ang dami dami kong gustong sabihin hindi naman ako makahanap ng tamang salita.

"Sorry." I said in a low voice. Huminga sya ng malalim at lumapit pa lalo sa akin. Ikinulong nya ang mga pisngi ko gamit ang mga palad nya at idinikit ang labi ko sa labi nya. Damn, this fucking sparks. Gumagana nanaman.

"Nahihirapan akong layuan ka." Bulong nya. Matipid nya kong nginitian at tinapik ng marahan ang pisngi kong hawak nya pa rin. May tumulong luha sa kaliwang mata nya, tumawa sya na hindi ko alam kung para saan ba.

"Aalis na ko." Paalam nya ulit. Pinulot nya ang nahulog na bag sahig at tumalikod sa akin.

"A-ayokong masanay s-sayo Prestine, t-that's why I'm trying to distant myself, h-huli na sana nating pagkikita to."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinubukang ngumiti sa kabila ng pagiging balisa.

"O-okay." Sagot nya bago tuluyang lumabas ng bahay ko, tuluyan na syang umalis sa buhay ko at tingin ko hindi na babalik sa normal ang lahat ngayon pinutol ko na ang lahat ng sa amin.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now