Chapter 19

425 16 1
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Salungkat sa mga naisip kong gawin ang ginawa ko. Naduwag akong puntahan sya. Naduwag akong mareject nya. Naduwag akong hindi magwork ang ninanais kong gawin kaya hindi ko sinubukan.

Hindi ko sya pinuntahan. Hindi dahil hindi ko alam kung nasaan sya pero hindi ko ginawang puntahan sya dahil.. Dahil na hihiya ako para sa sarili ko.

One week na rin. One week na rin ang nakalipas pero wala.. wala pa rin syang paramdam. Hindi ba dapat sya ang gumagawa ng unang hakbang at hindi ako? Hindi ba dapat ako ang sinusubukan nyang habulin? Hindi ang kabaligtaran?

Napabuntong hininga ako at sinubukang magtahi ulit. Malapit ko ng matapos ang wedding gown na tinatahi ko at balak ko na ring magpahinga muna at magbakasyon pagkatapos nito.

"Dear God, please let me stop thinking about him. Sumasakit na ang ulo ko. Marami na kong ginagawa." Bulong ko. Ilang oras pa kong nakaupo sa makina ko ng may magdoorbell. It's probably Zeth. Dala nya na siguro ang pinakuha kong materyales mula sa Lux.

Tumayo ako at tamad na pumunta sa pintuan. Hindi na ko nag abalang tumingin sa peephole, binuksan ko ito ng hindi na iniintindi ang nasa kabilang banda, kaya naman nyang pumasok. Hindi nya na kailangan iwelcome pa. Pumasok na ko ulit at pumunta sa kusina.

"Dala mo na ba yung para sa veil Zeth?" Tanong ko. Isinarado ko ang fridge, nahulog ang hawak kong box ng juice at napanganga sa nakitang nakatayo sa door frame ng kusina.

"R-rick?"

"S-sorry." Sabi nya ng nakayuko. Hindi ko alam kung lalapit ba ko sakanya at yayakapin sya o hahakbang paatras. I need to get out of here, I-I guess. Bakit ba sya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko, sinusubukan maging matapang. Sinusubukang pigilan ang nararamdaman.

"I-I'm just thinking k-kung.. kung pwede ko bang bawiin ang nasabi ko." Huminga sya ng malalim na nagpaangat ng tingin ko sakanya. Kumuha ako ng baso at isinalin doon ang laman ng juice box.

"Gusto mo ng juice?"

I seriously don't know how to.. how to answer him. Kailangan kong alalahanin ang sinabi ni Thine. Kailangan kong iconsider ang nararamdaman nya. Kailangan kong..

"Prestine." Tawag nya. Nasa harapan ko na sya. Hinawakan nya na ang kamay ko. Mas lumapit pa sya sa akin at sinubukan kunin ang atensyon ko mula sa baso.

"S-sorry." Ulit nya. He never been so vulnerable around anyone. Sa akin palang. Should I be greatful for that? Huminga ako nga malalim. Agad kong ipinulupot ang mga braso ko sa leeg nya at isunubsob ang mukha ko sa dibdib nya. I feel like being happy again is.. Getting closer now that he's infront of me.

"Okay ng walang labels. Okay ng wala kang pakielam. Okay na lahat basta wag ka ng lalayo Rick." Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso nya sa bewang ko at ang paghalik nya sa noo ko. Naiiyak ako dahil malapit sya ng ganito. Naiiyak ako kasi okay na kami.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now